Minghao

363 17 0
                                    

*WEEE WOOOO WEEEEE WOOOO

*WEEEE WOOOOO WEEEEE WOOO


Minghao: Ano yun? (sumilip sa may bintana ng kwarto) Ambulansiya lang pala -_-

*arf arf..

Minghao: Ay...natakot ka? (kinausap ang tutang tinago niya sa jacket niya) wala na yun okay? (habang nilalagay ang tuta sa sahig)

Agad na pumasok sa ilalim ng kama ang tuta para mag tago.

Minghao: Aigoo~ (baka gutom na siya..) sandali lang kukuha ako ng matinong pagkain sa baba.

Pumunta siya sa kusina.

Minghao: Ano na namang ginagawa niyo?!

Vernon: Paunahan sila makaubos ng niluto ko. Gusto mo sumali?

Minghao: H-hindi na,okay lang ako..

Tinignan siya ng iba na humihingi ng tulong. Nagmamakaawa sila kay Minghao habang hindi yun nakikita ni Vernon.

Minghao: (wala akong panahon dito -_-)

Umakyat ulit siya sa kwarto para kunin yung tuta. Tinago niya ulit ito sa jacket niya.

Vernon: Sandali,saan ka pupunta?

Minghao: Magpapahangin lang po sa labas tay.

Hindi na niya hinintay ang sasabihin ni Vernon at dumiretso sa labas.

Minghao: Si Sir Jeonghan ba yun?

Nakita niya kasi na may pumasok sa bahay na katabi nila kaya nilapitan niya ito. Wala kasi silang napapansin na tao dito dahil walang ilaw o lumalabas o pumapasok sa bahay. Isasarado na sana nung tao yung gate ng mapansin niya si Minghao.

Jeonghan: Minghao? Ano ginagawa mo dito?

Minghao: Dito po ba kayo nakatira?

Jeonghan: Oo, gusto mo pumasok?

*arf..

Nilabas ni Minghao ang tuta at kinarga nalang ito.

Jeonghan: Ang cute naman..pasok na kayo.

Pumasok na si Minghao at inobserbahan ang bahay ni Jeonghan.

Minghao: Sir,kayo lang po ba yung nakatira dito?

Jeonghan: Hyung nalang,wala naman tayo sa school. At oo, ako lang ang nakatira dito.

Minghao: Ah..

Jeonghan: Kayo yung nakatira sa kabila diba?

Minghao: Opo.

Jeonghan: Kaya pala maingay. Teka kumain ka na ba?

Minghao: Hindi pa po. May pagkain po ba kayo?

Nakakawala yung tuta sa kamay ni Minghao at plano niya sana itong habulin.

Jeonghan: Pabayaan mo lang siya. Saglit kukuha ako ng pagkain. (Pumunta na sa kusina)

Naglakad lakad (minghao: lakad lang) muna siya at tinignan ang mga litrato sa may pader.

Minghao: Sir- hyung! Girlfriend mo ba 'to? (pinuntahan si Jeonghan sa kusina at pinakita yung picture)

Jeonghan: Minghao.

Minghao: Po?

Jeonghan: Ako yan.

Minghao: Seryoso?! Grabe hyung mukha kayong babae ang ganda niyo! (kaya pala head over heels yung dalawa kay sir xD)

Jeonghan: S-salamat.. kumain ka na.

Umupo na sila pareho at sabay kumain.

Jeonghan: Saan mo nakuha yung tuta?

Minghao:  Kanina kasi nung pauwi nako napansin kong may sumusunod sakin at nakita ko siya. Hinanap ko kung sino ang may nagmamay-ari kaso ginabi nako kaya inuwi ko siya,pero bawala sa apartmet namin ang mga aso.

Jeonghan: Pero bakit ganyan itsura niya?

Minghao: Sinubukan ko siyang mag mukhang pusa kaya ganyan. Pero mukha parin siyang aso xD

Jeonghan: Pwede naman siyang tumira dito sa bahay eh.

Minghao: Talaga?! Salamat!

Jeonghan: Ano ba pangalan niya?

Minghao: The8 :)

Jeonghan: Minghao.

Minghao: Po?

Jeonghan: Pwede bang wag mo sabihin kahit kanino na dito ako nakatira?

Minghao: Bakit po? May naghahanap po ba sa inyo?

Jeonghan: Ah.. hmm. wala naman..

Minghao: Okay.. ah sir! Sorry hyung pala xD uwi na po ako.

Jeonghan: Sige ihatid na kita sa gate.

Tumayo na sila sa kanilang kinauupuan at pumunta sa may gate.

Minghao: Bye hyung!

Jeonghan: Wag mo kalimutan yung assignment ko para bukas ha.

Napahinto sa paglalakad si Minghao at hinarap ulit si Jeonghan pero nakasirado na ang gate at nakapatay na ang ilaw.

Minghao: Anong assignment yun?! 

Tumakbo na pabalik si Minghao sa apartment para gawin ang assignment.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

sorry kung hindi sumaktong Friday yung part 7 at 8 :( ginabi na ko ng uwi dahil sa foundation day ng school na umabot ng foundation night. Bakit pa tinawag na foundation DAY kung gabi pala mag sisimula no? Pero nanalo kaming best performance  at admin's choice award xD

Abangan ang mga susunod na kabanata...



Say The Name: SEVENTEENWhere stories live. Discover now