《C h a p t e r - 1》

38.5K 1.4K 90
                                    

Magenta Academy

Ana's POV

ISANG bwisit na araw na naman ito para saakin. Paano kasi, papunta na naman ako sa School kong puro mga Piling at bully'ng mga student ang nagkalat! Na tanging ako nalang palagi ang pinagti-tripan. Sa araw araw na ginawa ng diyos, sanay na sanay na ako sa kanila. Minsan nga, umuuwi akong basang basa. Minsan puro putik naman. Hinihintay ko na nga lang na patayin nila ako e. Kaasar sila! Wala naman akong ginagawa sa kanila. Talagang trip lang nila na mambully.

"Sige na, umalis ka na at mahuhuli ka na sa klase mo..."

Tumango ako kay aling pasing este mami pasing pala. Yup, hindi ko siya tunay na magulang. She told me na, napulot niya lang ako noon sa ilalim ng malaking puno sa kagubatan. Nagkataong maiihi kasi siya noon sa biyahe at huminto sila sa gubat para umihi. Sa liblib napunta si mami Pasing. Doon siya pumunta malapit sa looban ng gubat. Nahihiya daw kasi siyang baka may makakita sa kanya.

Habang umiihi siya. Narinig nalang niya ang isang iyak ng bata at ako na nga 'yun. I dont know kung buhay pa mga parents ko. Pero isa lang ang nararamdaman ko kung sakaling makita ko man sila. Kinamumuhian ko sila dahil tinapon lang nila ako sa kung saan-saan.

Nagpapasalamat nalang talaga ako at nakuha ako ng mabait at mahal kong si mami Pasing. Kaming dalawa lang ang namumuhay dito sa bahay namin. Wala na kasi ang asawa ni mami Pasing. Namatay daw 'yun sa isang aksidente.

"Sandali, hindi kapa humihingi ng pera saakin na pang baon mo," sigaw ni mami at talagang hinabol pa ako sa labas.

Nginitian ko siya. "Hindi na po. May natira pa naman ako kahapon. Mapagkakasya ko pa naman ito sa buong maghapon. Itabi n'yo nalang po 'yan," sagot ko.

Naaawa kasi ako kay mami Pasing. Gulay lang kasi na tanim namin sa likod ng bahay ang bumubuhay saamin. Nag haharvest ng paunti unti si Mami doon at saka niya 'yun ilalako sa palengke. Ang hirap nun. Nakakaawa siya. Kung pwede nga lang huminto sa pag aaral, gagawin ko na para lang matulungan siya at ako na ang magtatrabaho. Kaya lang ayaw niya e. Mas mabuti daw na makapagtapos ako dahil mas maganda daw na trabaho ang makukuha ko kapag nakapagtapos ako sa pag aaral. Well, tama naman siya. Kaya nga mas pinagbubutihan ko ang pag aaral ko e.

"Napakabait mong bata. Mag iingat ka at mag aral mabuti," saad niya at bigla ko siyang niyakap. Balang araw, mai-aahon din kita sa hirap mami Pasing. Pinapangako ko 'yan.

******

ITO na nakarating na ako sa Hell School na ito. Siguradong pag tapak ko palang sa tapat na gate ay may nakaabang na naman na mambubully saakin.

Naglakad na ako papasok at tama nga. Isang balat ng saging ang natapakan ko at ito ako ngayon, nakahandusay sa simento.

"Oh my gosh! Okay kalang, Ana?" Tinayo ako ni Natalia. Siya ang nag iisang bestfriend ko dito sa School.

"Yup, medyo masakit lang ang balakang ko," sagot ko. Nilingap lingap ko ang mata ko. Sa isang gilid malapit sa isang puno ay nakita ko ang grupo nila Sandy na nagtatawanan. Sila ang mga nambubully dito sa School. At numero uno nila akong target. Mga hinayupak talaga!

Naglakad nalang kami papunta sa room namin. Doon masaya na ako, kasi alam kong safe na ako dito.

"Letche lang talaga nila Sandy na'yan. Lagi ka nalang binubully. Konting konti nalang talaga, gagamitan ko na sila ng...." napatigil si Natalia sa pagsasalita ng mapatingin ako sa kanya.

"Gagamitan ng what?" Taas kilay kong tanong.

"Nang.. nang.. nang lakas ng loob. Tama, gagamitan ko na sila ng lakas ng loob at lalabanan ko na sila!" Galit na wika ni Natalia. Hahaha! Kaya love na love ko itong bestfriend ko e. Palagi nalang niya akong pinapatawa. Alam kong hindi niya kayang labanan ang mga 'yun dahil kilala kong napakaduwag na tao itong si Natalia.

"Hahaha! Push mo lang te!" Sagot ko at binaling na ang tingin sa guro naming kakapasok palang ng room.

Maghapong puro pag aaral lang ang ginagawa namin ni Natalia. Hindi kami naglalakwatcha at hindi kami masyadong nakikisalamuha sa mga student dito na mapepera. Basta para saamin, kami lang dalawa ay sapat na.

Hanggang sa sumapit ang hapon at uwian na. Hindi na sumabay saakin si Natalia dahil may emergency daw. Nag madali siyang umuwi. Nagpatago pa nga siya ng libro sa bag ko, na siya na mismo ang naglagay.

Lumabas na ako sa room. Naglalakad na ako palabas ng School, ng bigla nalang akong tawagin ni Sandy. Nilingon ko siya at hinintuan. Lumapit siya saakin at bigla nalang kong binuhusan ng malamig na malamig na Juice.

"Hahaha! Ayan, mabago ka na. Amoy orange ka na, hahaha!" Sabi niya habang haplit sila ng kakatawa.

Nakakagigil!, Nakakasura! at sobra na sila! Nag iinit na ang buong kong katawan dahil sa sobra sobrang galit na nararamdaman ko. Hindi ko na kinaya ang pagtitimpi ko. Tinignan ko sila ng isang matalim na matalim na tingin at saka ako sumigaw ng malakas.

"AHHHHHHHHHHHH!"

Kasabay ng pag sigaw ko ng malakas ay bigla nalang yumanig ang buong gusali. Lahat sila at pati ako ay nagulat. Sa pag yanig ng mga gusali ay biglang nagka  crack ang lupaan at may bigla nalang lumabas doon na malaking halaman at pinaluputan nun sina Sandy. Sa sobrang gulat at takot ko ay bigla akong nawalan ng malay. Piling ko din kasi ay nanghina bigla ang katawan ko.

*****

NAGISING ako na nasa kwarto na ako. Nakita ko agad ang nag aalalang si mami Pasing. Dahan dahan akong naupo habang hawak hawak ang ulo kong makirot ng konti.

"Naku, salamat naman at gising kana," bungad na sabi ni Mami.

"A-ano pong nangyari?" Tanong ko.

"May kakaiba daw ng halaman ang biglang sumulpot sa School n'yo. Buti nalang hindi ka napuluputan nun. Kasi 'yung mga student daw na napulutan nun ay nalason. Hindi pa daw nagigising hanggang ngayon..."ani Mami na kinagulat ko. Naalala ko na. Oo nga. Saan kaya galing ang kakaibang higanting halaman na'yun. Nakakatakot! buti nalang hindi ako nadikitan nun. Buti nga sa mga sandy na'yan karma nila 'yun!

"Sige na, bumangon kana d'yan at kakain na tayo ng hapunan," sabi ni mami at lumabas na ng kwarto ko.

"Sige po, susunod na po ako..."sagot ko.

Tatayo na sana ako para lumabas ng kwarto ng makita ko bigla na may umilaw sa loob ng bag ko. Dahan dahan akong lumapit doon at tinignan kung ano ba'yun?

Binuksan ko ang bag ko at nakita kong libro ang umiilaw doon.Kinuha ko 'yun at saka tinignan. "Bakit umiilaw 'to?" Tanong ko sa sarili ko. Nang makita ko ang harap at title ng libro ay namangha ako.

"Anong meron sa MAGENTA ACADEMY na'to?"

-----------

Author's Note

Anong masasabi n'yo sa unang Chapter? Okay lang ba? May pangit ba? Kung meron kayong suggestion, i-comment n'yo lang 'yan. Saka excited na ba kayo sa kung anong kapangyarihan ni Ana? Saka anong meron sa librong 'yun? 'yan ay malalaman natin sa Chapter 2. Kaya vote na kayo para sipagin si author na mag update araw-araw. Hahaha!

At Para sa mga masusugid kong readers na may Facebook, Twitter or instagram. Please use #WattpadMagentaAcademy para makita ko ang mga post niyo at para rin makita ko kung sino sino ang nagbabasa. Salamat!

-Lia Siosa

Magenta Academy (Available On Dreame)Where stories live. Discover now