《C h a p t e r - 4》

21.9K 1.2K 58
                                    

《The Writer Of Magenta Academy》

Ana's POV

NAGISING ako na nakahandusay sa labas ng bahay nila Natalia. Hawak hawak ko ang ulo ko ng ako'y tumayo. Agad kong naalala si Natalia. Pumasok ako kaagad sa loob ng bahay nila at hinanap siya.

"Natalia?"

Pumunta ko sa kwarto niya pero wala siya doon. Pumunta din ako sa kwarto ng mga parents niya, ganun padin, wala din siya doon.

"Natalia, nasaan ka na?!" Nagsimula ng mahilam ang mga mata ko. Naiiyak na ako. So, umalis nga siya? I remember, bago ako mawalan ng malay kanina, i saw the light and then nilamon nun si Natalia. Is that a dream or totoo ang mga nasaksikhan ng mga mata ko? Nakakainis! Naloloka na ako sa mga nangyayari ngayon.

******

"SAAN ka ba galing bata ka?" Bungad na tanong ni Mami ng pumasok ako sa bahay.

Nakalukot ang mukha ko ng tignan ko siya. "Galing ako kina, Natalia. Wala na siya. No, Hindi lang pala siya, silang buong pamilya pala. Umalis na sila," sagot ko kay mami na kinagulat niya.

"Bakit daw?"

"I dont know. Ang huli niyang sinabi saakin, pupunta na daw sila, kung saan doon daw sila nararapat."

Nakita kong kumunot ang noo ni Mami. Alam ko, pati siya naguluhan sa sinabing 'yun ni Natalia.

"At saan naman 'yun?" Tanong pa niya.

"Hindi ko din po alam. Wala pong sinabi si Natalia. Nakakainis nga po siya e."

Matapos ang pag uusap namin ay umakyat na muna ako sa itaas patungo sa kwarto ko. Im so very very very sad. I hate you Natalia. Your the only one i have, pero iniwan mo ako. Sino na ngayon ang magiging bestfriend ko sa School? Sino na ngayon ang magiging katawanan ko at kasama ko tuwing sabado na mag mo-movie marathon? Nakakasura ka!

Hindi ko alam na tumutulo na pala ang mga luha ko. Nakita kong umilaw na naman ang libro ni Natalia. Astig talaga nito. 'To nalang ang natitirang ala-ala saakin ni Natalia.

Binuklat ko na ulit ang libro. Tumungo ako sa page 14.


Doon ay nakita ko ang lalaking may ari ng Birthstone na Diamond. Si Zackery Brook. May picture siya. Ang birthstone niya ay nakalagay sa kaliwang braso niya. Kulay gray ang buhok niya at ganun din ang mata niya. Gwapo siya pero parang mukang badboy.Ang majika niya ay lightning. Omg! Katakot siya. Kidlat ba naman ang special ability niya. Napag alaman ko na sa lahat ng 12 birthstone ay siya ang may pinaka-malakas na majika. May kakayahan siyang magpalabas ng lightning at ikorte 'yun ng kahit anong weapon na matutulis, like blade, Knife at kung ano-anu pa.

Shock! Nakakatakot talaga. Mahihiwa kana, makukuryente kapa.

Next is Pearl. Si Averil Snow. Sa palad niya nakalagay ang birthstone niya. Mahaba ang buhok niya at kulay bluegreen 'yun. Ang mata niya ay ganun din ang kulay. Maganda siya at mukang mabait. Nakikita ko sa kanya ang bestfriend kong si Natalia. Ang special ability naman niya ay Ice. Siya ang pangalawang pinaka malakas sa lahat ng Birthstone. May kakayahan siyang gawing yelo ang lahat ng tubig at pinaka nakakatakot ay may kakayahan siyang pati ang dugong nananalantay sa loob ng katawan ng isang tao ay kaya niya ding gawin yelo.

Magenta Academy (Available On Dreame)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin