《C h a p t e r - 5》

23K 1K 43
                                    

《Welcome to Magenta Academy


Ana's POV

HABANG patuloy kaming nala-laglag sa kung saan ay isang butas ang biglang lumitaw. Doon ay bigla kaming lumusot. Napapikit ako dahil alam kong babagsak kami sa lupa. Hinintay kong bumagsak ako sa lupa, pero nagulat ako ng maramdaman kong sa isang tao ako nabagsak.

Dinilat ko ang mata ko at nakita kong nakatayo na sina Averil, Arlo at Draco. Asan si Zackery? Wait, s-siya ba ang dagan dagan ko? Oh my god! Patay na!

"What the fuck! Hanggang kelan mo ba ako dadaganan?" Sigaw niya na nagpadali sa aking pagtayo. Nakakatakot talaga ang badboy na'to.

"Siguro dapat pagsanayan mong makalabas ng maayos sa portal na dadaanan natin tuwing tutungo tayo sa ibang mundo," ani Averil na natatawa sa nangyari saamin.

"Oo nga. Dont worry, masasanay ka din d'yan. Ganyan naman din kami noong una. Hindi kami sanay lumabas sa isang Portal. Minsan nga, nababangag pa ang mukha ko e," Arlo said. Nakakatawa siya. Magaan ang loob ko sa kanya kasi mukang ang bait bait n'ya.

"Anyway, finally andito ka narin sa Magenta Academy..." ani Averil na nagpabalik sa wisyo ko. Oo nga. Andito na ako sa kakaibang lugar. Sumunod na ako sa kanila at humarap  na kami sa malahiganteng gate na kulay Dark brown na ang kalahati ay Gold naman.

"Im sure, mamamangha ka pag pasok mo sa loob," ani Arlo na umakbay sa balikat ko.

"Portam," sambit bigla ni Zackery. Mayamaya ay unti-unting bumukas ang giant gate. Cool!

Unti-unti ko ng naiisilip ang mala palasyong school, hanggang sa tuluyan na 'yung bumukas.

"Wow!" 'Yun lang ang lumabas sa bibig ko. Wow lang talaga. Grabe, hindi ko inaakala na ang nakikita ko sa book cover ng libro na binabasa ko ay mararating ko pala.

"Anyway, Kanina pa tayo magkakasama pero, hindi parin namin alam ang pangalan mo. What's your name, girl?" Tanong ni Averil.

"Im Ana Aletta," sagot ko.

"Ah okay. So, ana. Ang ibig sabihin ng PORTAM na binanggit kanina ni Zackery ay open the gate. Ang PORTAM ay magic word para bumukas ang gate natin. Ang ito namang babanggitin ko ang magic word para sumarado ang giant gate," aniya at humarap sa malaking gate. "PROPE IN PORTA!" Sigaw niya. Mayamaya ay unti-unti ng sumarado ang malaking gate. Ang astig nun.

Tinignan ko si Zackery at Draco. Parehas silang naka cross arm. Hindi manlang sila nagsasalita. Tanging si Averil at Arlo lang ang kumakausap saakin.

"So, Ana, ano ang Special ability mo?" Biglang tanong ni Arlo. Kumunot ang noo ko. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang special ability ko. Saka wala naman talaga akong majika kaya, hindi ko talaga alam kung bakit kailangan nila akong dalin dito. Sigurado akong hahanapin ako ni mami Pasing.

"Special ability, gaya nito o," nagpalabas ng yelo sa kamay si Averil na kinagulat ko. Omg! Astig. For the first time nakakita ako sa totoong buhay ng taong may powers.

"Ang galing! Pero W-wala akong powers. Hindi ko alam ang sinasabi n'yong special ability ko,"  sagot ko. Nakita kong ngumisi si Zackery. Para bang nanunura siya. E, sa hindi ko alam e. Saka wala naman talaga akong majika.

Magenta Academy (Available On Dreame)Where stories live. Discover now