S-1 (Maxinejiji)

5K 74 0
                                    


Chapter 1

Isang-linggo na ang nakalipas simula ng mangyari ang mga sign na gusto ko. Umiiwas tuloy ako pag alam akong mag-tatama ang landas naming dalawa. Sa isip-isip ko ay mukhang nakakahalata na siya pero wala siyang sapat na dahilan kung bakit ko siya iniiwasan.

Gusto niya na rin akong tanongin at buti na lang ay nauunahan ko siya sumegway ng magiging pabalik na tanong ko sa kaniya.

Ako ang may problema at sana naman ay maintidihan niya yon. Bata pa lang kami ay magkasundo na kami hanggang sa paglaki ay talagang magkasundo kami. Marami din nagtatanong sa amin kung kami ba pero siya ang unang sumasagot na mag bestfriend kami. Kaya asa pa akong magustuhan 'eh simula't sapul ay alam kong kaibigan lang ang tingin nito sa akin.

Naramdaman nyo na siguro yung pakiramdam na kausap mo siya pero ang taong gusto niya naman ang pinaguusapan namin. Pero pag ako nagsasabi na may gustong manligaw sa akin ay siya pa ang unang mambubusted doon. Kaya eto ako ngayon hanggang tingin na lang sa mga nagiging crush ko.

Ang hilig din nito manita na kahit pagbabasa ko ng mga libro ni Ate Max ay sinisita niya. Hindi niya siguro alam ang pakiramdam na ma-bash lang ng kahit kaunti ang idol ko ay daig ko pa ang pumatay ng tao pag gumanti. Puro na daw akong Maxinejeje na pinatid pa ko habang inaayo ko 'yung mga book ni Ate Max. Kaya ayon nasapak ko talaga siya ng malakas sa mukha saka tinignan ng walang emosyon.

Nakakatuwa lang na hindi na niya naulit ang ginawa niya nuon dahil mukhang natakot na siya sa ginawa ko. Sinasabihan ko lang din siya na magbasa pero ang bading daw tignan sa lalaki yon.

Welcome na welcome siya kwarto ko dahil kilalang-kilala na siya nila Mama at Papa kulang na nga lang 'eh dito na din siya tumira. Pano tuwang-tuwa din si Papa dahil may taga-pagtanggol na daw ako. At ang mas worst pa doon ay parang may Kuya na daw ako.

Hindi nila alam kung gaano kahirap sa amin na itago ang feelings namin sa tao. Sa totoo lang crush ko talaga siya dahil gwapo siya maalaga yung para talagang girlfriend ang datingan ko sa kaniya pero sa loob-loob niya parang kapatid lang pala ako sa kaniya.

Kaya lang mas nahulog na ang loob ko sa kaniya simula sa gumawa ako ng mga sign ko na may kinalaman sa He's Into Her. Hindi naman siguro katulad ni Aki to na ang laking paasa. Sarap sampulan ng mga ganong lalaki. Yung tipong babalian mo din ng leeg katulad ng ginawa ni Pein kay Christian.

Kung kasing galing ko lang si Pein bumasag ng mukha. Malamang sa alamang ako pa tinuri na parang ate nitong si John. Kainis kasi bakit kasi ang hilig mo pa ngumuso? Bata ka pa lang nguso ka na ng nguso talaga. Tapos mababasa ko pa na ganon na ganon din si Deib? King ina. Ilang taon ko na tong nilihim at mukhang ngayon na din sasabog.

*Tok, tok, tok.

Natanggal ang pag-iisip ko ng may kumatok sa kwarto ko. Nilo-lock ko na simula non dahil ayaw ko na siyang pumasok sa kwarto na pabigla-bigla. Iba-iba din ang naiisip ko katulad na lang ng nasa sofa kami. Parang may projector sa tv na larawan ni Max at Deib na nagpalampungan sa sofa.

"Mika.."

Narinig ko ang boses ni Mama kaya lumapit na ako sa pinto. Akala ko siya na naman dahil hindi ko talaga siya pagbubuksan ng pinto kung sakali.

"Ang cute-cute mo talaga Mikaehla."

Walang emosyon ko siyang tinignan habang nakapisil sa dalawa kong cute na pisnge.

"Ayaw mo na kasi akong pagbuksan pag ako tumatawag. Hehehe."

Napapahiyang nakanguso niyang tinanggal ang pagpisil sa dalawang cute ko na pisnge.

"M-may ginagawa pa-." Nauutal na sabi ko.

"Lagi ka ng may ginagawa kahit wala naman. Tapos pag tatanongin kita kung bakit ka umiiwas 'eh itatanong mo lang sakin pabalik." Seryosong sabi niya na kinagulat ko.

Buti na lang ay naglakad na siya sa kwarto ko at parang tamad na tamad humiga sa kama ko. Dahil kung hindi ay baka narinig na niya ang malakas ng pagtibok nito.

"Dito lang ako magpapahinga, gawin mo na ang gagawin mo. Hindi ako mang-sstorbo at aalis agad ako pag nabawasan na pagod ko." Nakapikit na sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit biglang may kakaibang kislot akong naramdaman. Para tuloy akong guilty sa pinag-gagawa ko na wala siyang makuhang dahilan sa mga sinasabi ko sa kaniya.

Ngayon ko lang ulit siyang nakitang sumeryoso na talagang mas kinabahan ako ngayon. Para tuloy akong si Max na pag nagtampo si Deib ay talagang mapapagalaw ako de-oras at masabi ko sa kaniya ang totoong dahilan.

"Uuwi na ako." Pagtayo niya.

Nakatayo pa din ako sa pinto ng kwarto ko at wala pa atang 1-minute siyang nakahiga.

"Kumain ka na maya-maya ha?" Na parang hangin lang ako na dinaanan sa harapan niya.

Pipigilan ko sana siyang umalis at gusto ko na sabihin ang loob-loob ko kung bakit umiiwas ako sa kaniya. Pero ang sakit pala pag alam mong iniiwasan ka niya.

Nagkulong ako sa kwarto at doon ko inilabas ang lahat ng sakit na naramdaman ko. Hindi din ako kumain dahil parang nabusog na ko sa sakit na nangyari kanina. Hindi ko pala kaya maging katulad mismo ni Taguro na sana'y na masaktan. Dahil duon pa lang ay ang sakit na sobra pano na lang pag sinama pa ang pamilya baka uminom na kong gold cleaner. Nang mag-hahating gabi na ay lumabas ako ng kwarto dahil matitiis kong bang hindi kumain? 'Eh parang mamamatay na agad ako pag hindi nakakain. Saka binantaan pa ko ng isa kaya paktay lang pag hindi talaga kumain.

Isang linggo ulit ang nakalipas pero wala na talagang paramdam si Sensui Babe ko. Inaatupag ko na lang tuloy sa pag-babasa ang ginagawa ko araw-araw. At na-eexcite din ako sa magiging book-signing ni Ate Max. Pero ang layo dahil sa manila iyon. 'Eh sa bocaue, bulacan pa ko at sana lang ay payagan ako ni Mama.

Isang-linggo ulit ang nagdaan at naguguilty na ko sa feelings ko. Eto na nga ba ang pinaka-ayaw ko sa lahat dahil babae ako. Kahinaan namin ang pagiging sweet, caring ng mga lalaki sa amin. Kaya eto ako ngayon, stop me!

Namimiss ko talaga yung kupal na yon. Harap bahay lang naman din ang amin bakit hindi ko pa puntahan? Bahala siya sa buhay niya dahil kaya kong magpaka-busy kakabasa ng iba't-ibang storya sa wattpad. At mas gusto ko pa ngang mag backread ng HIH kesa sa iba.

Pero habang nag babackread ako siya ding pumapasok sa isip ko ang mala-seryoso niyang salita. Nasa may scene ako ng HIH kung saan nagtatampo si Sensui. Sa scene na yon ay talagang hinanap pa ni Taguro kung saan nagpunta si Sensui pero kahit saan siya magpunta ay walang bakas na bading siya na nakita.

Hindi ko alam kung papaanong pag-aalala ni Taguro kay Sensui dahil inabangan niya pa sa bahay nila Sensui para lang makitang humihinga pa nga si Badinh. Pero ayon pa ang laking gulat ni Sensui ng makita si Taguro sa harap ng gate nila. Dahil parang nawala lahat ang inipon na tampo ni Sensui.

Napaisip tuloy ako na pagka-pinuntahan ko kaya siya sa kanila ay ganon din ang magiging reaksyon niya? Pero iling na lang din ang ginawa ko dahil asa pa ako.

Binalik ko sa lalagyan ko ng libro ang bina-backread kong chapter. Pinilit ko na lang din isipin na kung aminin ko kaya may magbabago ba? Ganon din ba ang nararamdaman niya sa akin kahit mukhang hindi naman? Asa pa ko talaga dahil bago mangyari ang mga sign ay nakakatext na niya yung gustong-gusto niya. Patay na patay pa kamo kaya din siguro ako natitiis na hindi puntahan.

"John, John, John. Tsk, tsk, tsk."

Sign (Maxinejiji)Where stories live. Discover now