S-2 (Maxinejiji)

2K 45 3
                                    


Chapter 2

Isang linggo pa ang lumipas kahit na parang hindi ako mapaniwala dahil bukas na agad ang last book signing ni Ate Max. Hindi ako mapakali sa sobrang pagka-excite dahil makikita ko na ulit ang pinakamamahal kong author sa tala ng buhay ko sa wattpad.

Pero sa isang linggo ang lumipas, king ina pa din non. Talagang tampo kung tampo? Tss. Naguiguilty tuloy ako. Hihingi na ba ako ng sorry? Pupuntahan ko na din ba siya? Magpapaka Maxpein pa din ba ako? 'Eh wala naman ako ginawa dahil sa lecheng feelings ko ang may kasalanan hindi ako.

Tinanggal ko na lang siya sa isipan ko kahit buwan pa ang umabot. Wala 'eh di hamak na bestfriend lang talaga ang turing niya sa akin. Ang sakit pala talaga pagka-friendship ang kaya niyang ibigay. Umiling na lang ako dahil hindi na ako makapag-antay para bukas.

Nakapag-paalam naman na ako kay Monmy pero kailangan daw may kasama ako na pumunta dahil malayo iyon. At saka isa pa ayoko talaga bumyahe mag-isa dahil baka saan pa ako mapunta. Kailangan ko na talaga kausapin yung kupal na yon at kapag tumanggi pa siya. Naku lang hindi lang sakal maabot niya sa akin.

Nasa may national bookstore ako dito sa mall dahil kailangan ko na mai-ready ang mga books na ipapa-sign ko. At sana may He's Into Her Book 14 na dahil last book-signing na ni Ate Max yon at pupunta na siya ng kuwait para gumawa ng bomba.

Ewan ko pero hindi ko na muna iniisip yon. Dahil nasasaktan lang ako at baka pag-inisip ko masyado 'eh maiiyak lang ako.

Nagiikot-ikot ako dito pero napako ang paningin ko sa isang lalaki na nakakulay black na damit. Naka sideview si kuya at nababasa ko ng books ni ate Max. Sa gilid ng damit niya mababasa yung Maxinejiji. Ewan ko   kung bakit nangingiti ako dito. Dahil 1st time kong maka-encounter na jijies at talagang jijiero pa.

Lumapit ako kaunti sa kaniya at kunwaring naghahanap din ng mga books. Hindi ako nagpapahalata na jijies din ako dahil baka saan pa mapadpad yung ngiti ko. Infairness gwapo siya kahit naka sideview at saka parang kilala kong lalaki na to.

"Jijies ka din ate??" Nakangiting tanong niya sa akin.

Hindi ko namalayan na hawak ko na pala yung book na gawa ni ate Max na maglaway ka man sa akin.

"Ikaw si??" Natutuwang tanong ko din.

Ewan ko pero parang kilala ko talaga to dahil active nito sa group at karamihan ng mga post niya ang nakikita ko.

"Si Oppa, hahaha." Nakangiting sabi niya na kita ang puti niyang ngipen.

Sabi na nga ba siya yon 'eh. Kakatuwa naman dahil si Oppa pa na feeling pogi ang naka-encounter ko sa dami ng mga jijies. Bakit kaya nasa bocaue pa to? Dahil pagkaka-alam ko taga manila pa to 'eh.

Nag ring ang cellphone niya kaya binalik niya yung book ni ate Max. Nginitian niya din muna ako at sumenyas na aalis na. Tumango naman ako at ewan ko ba kung bakit parang kinikilig pa siya sa kausap niya sa cellphone. Tss. Sensui lang??

Nalumbay naman ako dahil wala pang book 14 dito sa bulacan. Siguro naman meron bukas doon dahil sisisihin ko sarili ko kung di ako matirahan ng book 14 bukas. Sabi pa naman na meron na at available na daw kaya dumeretso agad dito.

Pagdating ko sa gate ng bahay hindi ko pa din mapigilan na mapangiti dahil naka-encounter ko pa yung si John Oppa ay sayang naman di ako nakapag papicture sa kaniya. Tsk-tsk.

Dumeretso naman ako kila John dahil kailangan ko talaga siya bukas kasi kung hindi masasapak ko talaga to. Kilalang kilala pa naman niya ko lalo na't kay ate Max gagawin ko lahat makita ko lang siya.

Nalumbay ako dahil wala daw siya sa kanila at saan naman siya pumunta? Sinubukan ko rin tawagan pero puro ring lang ang nangyari. King ina pag ako hindi naka punta bestfriend over ka na.

Sign (Maxinejiji)Where stories live. Discover now