S-3 Maxinejiji

1.7K 49 4
                                    

Ngayon na ang araw at huling booksigning ni Ate Max. Pero eto ako ngayon nakahiga lang sa kama at pilit na nagiging malakas dahil si Ate Max yon 'eh. Last na araw na makikita ko siya muli. At hindi ko na alam kung kailan pa ang susunod. Dahil gagawa na siya ng bomba sa ibang bansa.

"Mommy, aalis pa din po ako kahit wala akong kasama." Paalam ko na may kung anu-anong nakasabit na sa leeg ko.

"Hindi pwede at saka anong oras na." Sabi ni Mom na dederetso pa sa kwarto niya.

"Plss Mom? Si Ate Max yon 'eh mom 'eh si Ate Max." Mangiyak-iyak na sabi ko.

"Aalis ka ng ganyang itsura mo? At saka nilalagnat ka. Anong bang nangyari sayo?" Na hinawakan pa ang noo ko.

"Plss mom?? Plss.." Nahihikbi ko ng pag-mamakaawa.

"Hindi." Na dumeretso na sa kwarto niya.

Umiyak lang ako ng umiyak dahil wala na. Yung ilang linggo kong pinaghandaan. Yung ilang linggo na hindi ako makatulog ng maayos dahil sa sobrang pagka-excite. Na mapupunta lang pala sa wala.

Alas-dose na at pilit na binabagalan pa ang oras. Nakatitig lang ako sa orasan dito sa kwarto ko habang may tulo-tulo din sa dalawang mata ko.

*Tok, tok, tok.

"Kumain ka na ba? Teka ang init mo. Bili lang ako ng gamot."

Mas naiyak pa ako habang nakatingin pa din sa orasan dito. Ano pagkatapos ng lahat magpapakita ka pa din sa akin? Okay na ko. Napaglaruan mo na feelings ko. Ang sakit. Kahit wala namang sign. Oo gustong-gusto kita na kahit na parang batang babaeng kapatid kang tingin mo sa akin. Gusto pa din kita. Gustong-gusto.

Pinilit ko na lang ang mata ko dahil ayokong makita ko ulit siya.

"Kumain ka na muna Mikaehla.." Malambing na boses ang narinig ko kaya napadilat ako.

Napaiwas ako ng tingin at tinalakbong ang buong kumot sa katawan ko.

"Mikaehla, sorry na."

Hindi 'eh. Sorry? Kahit anong sorry pa yan. Tapos na. Nasaktan na ko. Sobrang nasaktan pa.

"Mikaehla.."

Plss. Lumabas ka na lang muna.

"Kainin mo na yan ha? Tapos uminom ka na din ng gamot. Babalik na lang ako pag naubos na yan." Malambing na sabi niya pa din.

Naramdaman ko ang paglock ng pinto kaya mukhang lumabas na siya. Napatingin muna ako sa orasan dahil hindi ko matanggap na hindi na talaga ako makakapunta.

Pinilit kong maupo ng maayos sa kama habang nakatingin sa dala niyang pagkain. Hapon na pala pero eto pa din ako na mukhang nalugi sa nangyari.

Bakit kasi bestfriend ko pa? Bakit sa kaniya pa ko nagkagusto? Bakit pinaglaruan pa niya feelings ko? Bakit? Bakit?

Naramdaman ko na naman yung init sa pisngi ko na kahit hindi ko pinipilit umiyak ay kusa siyang lumalabas.

Isang linggo ulit ang nakalipas at medyo nangayayat ako tignan. Daig pa broken hearted dahil sa hindi pagpunta sa last booksigning ni ate Max. Pero oo na double kill sa akin yon. Kaya triplekill yung sakit na naramdaman ko.

Sa isang linggo na dumaan. Sa kwarto lang ako. Oo kumakain kaso kaunti lang. Nag deac din ako ng facebook dahil ayoko makakita ng kung anu-anong pixture na maingget lang ako. Pilit ko na lang na binabackread ang hih dahil eto TagSen lang ang kaya makawala sa hinanakit ko. Mas naiiyak din ako lalo pag nasa scene na broken si Deib.

Ang sakit lang dama ko yung sakit niya. Napakasakit lang o sobrang napakasakit talaga. Pero mas nasasaktan ako para kay Max dahil ang hirap maging babae. Yung alam mo sa sarili mo na mahal na mahal mo siya pero hanggang paramdam ka lang.

*Tok.

"Mikaehla, magbihis ka aalis tayo."

Pinaningkitan ko lang siya ng tingin. Dahil sa isang linggo ang dimaan. Eto siya ngayon todo lambing, naging mabait. Hindi ko alam kung naguiguilty ba siya sa ginawa niya. Pero eto ako ngayon na kahit gustong-gusto kong iwasan pero hindi ko magawa. Pano mo iiwasan 'eh kahit anong pagtataboy ang ginagawa mo ay mas nagiging mabait siya lalo. Ayan diyan siya magaling yung por que alam niyang may galit sa kaniya yung tao siya din todo paglalambing niya.

Alam na alam niya kung ano kahinaan ko kahit na bestfriend pa lang turing ko sa kaniya. Dito wala eh pusong-puso ng babae to. Mabilis madala sa pagiging sweet ng tao. Sana ako na lang si Maxpein.

"Dalian mo na. Baka malate tayo."

Lumabas siya ng kwarto at don ko lang napansin na nakapang-alis na siya.

Hindi ko alam kung bakit kusang akong nagbihis. Siguro sa isang linggo ang nagdaan. Namiss ko din ang kalsada. Gusto ko tuloy pumunta sa lugar na mapuno dahil idol ko si Maxpein.

Isang oras bago ako nakapagbihis ng maayos. Ewan ko ba kung hinahantay pa niya din ako sa sala. Pero wala 'eh siya yon. Magkaayos lang kaming dalawa lahat gagawin niya.

Lumabas ako ng kwarto at napako agad ang tingin niya sa gilid ng mata ko na nakatingin sa akin.

"Tita, lalabas ko lang si Mikaehla ha?"

Tumango-tango lang si Mommy at hindi ko alam kung siya ba yung anak niya o ako 'eh.

Sumunod lang ako sa kaniya at hirap na hirap magpaka gentleman sa ginagawa niya. Sa loob loob ko napapangiti ako pero dahil sa beastmode ako ngayon ay titig lang na seryoso ang nabibigay ko.

Pinunta niya lang ako sa mall dito sa bulacan at hindi na ko nagtaka dahil sa national bookstore siya nag-aya.

Alam na alam niya at kilalang-kilala niya na talaga ako. Lahat gagawin para medyo mapatawad ko na siya. Pagnahuli niya akong napangiti wala. Gameover na alam na niyang pinapatawad ko siya. Kaya eto pa din ako beastmode sa mga pinaggagawa niya at pilit na tinatago ang pag-ngiti. Dahil hindi pwede yon magtiis siya.

Nagulat lalo ako sa kaniya dahil pinakita niya ang season 2 book 14 ng hih. Siguro napansin niya na medyo gumalaw yung bibig ko dahil sa pinakita niya. Nag-iwas agad ako ng tingin at pilit na tinatago ang tuwa.

Binayaran niya agad yon at pilit na binibigay sa akin. Ayoko naman tanggapin dahil baka ma gameover agad ako.

Wala tuloy siyang nagawa at kamot ulo lang at pagiling.

Akala ko uuwi na kami pero sa bus kami sumakay at hindi ko alam kung saan naman niya ko dadalhin. Basta eto lang ako puro sunod at pang ssnob lang ang binibigay ko sa kaniya.

Nakakainis lang dahil pag seryoso siya ay siya ding nagiging mas gwapo pa. Kaya pag nahuhili niya akong nakatingin sa kaniya ay iiwas agad ako ng tingin.

Hindi ko alam kung bakit nasa bus kami ngayon nakasakay. Wala talaga akong balak na magsalita kung saan kami pupunta.

Maya-maya ay nasa mall na ulit kami. Pero parang nasa manila kami ngayon. Dahil sa sobrang bagal ko maglakas ay pinatanong niya ang kamay niya sa balikat ko.

"Sorry ulit."

Nanginig ang kalamnam ko sa dahil sa bulong niya. Napastop naman ako dahil may nakikita akong mga jijiera dito. Hindi ko alam kung anong meron. Basta ang alam ko madaming jijies ang nandito.

Hindi naman ako nananaginip pero nagtataka ako kung bakit may mga jijies dito. Alam ko namang wala na si Ate Max kaya hindi na ako aasa na nandito si ate Max. Nasa tapat na kami ng phr sa sm. At kanina ko lang din nakita na nasa sm manila kami ngayon.

"Ahhhh!!

"Kyaaaaaaah!!

"Nyaaaaaaah!!

Napatingin ako sa pinagtitiliian nila at don ako mas kinalibutan sa nakita ko.

Itutuloy..

____

Epilogue na ito. Hahahahaha!

Sign (Maxinejiji)Where stories live. Discover now