Chapter 65

17.2K 379 2
                                    

DRAKE'S POV

"Sumama ka sa akin Genie, ipapasyal kita." Aya ko sa kanya.

"Sasusunod nalang." Sagot niya sa akin, minsan iniisip ko kung umuiwas ba siya sa akin, o galit ba siya sa akin.

"Bakit naman, ayaw mo bang pumunta sa amusement park?" Tumingin ang mga mata niya sa akin na parang kumikislap.

"Gusto ko, sige, sasama ako magpapaalam lang ako." Sabi niya pero hindi na niya nagawang magpaalam kasi binuhat ko agad siya palabas ng resort. Kung hindi ako nagkakamali may amusement park na  malapit dito.

Ilang oras na lumipas nakarating rin kami sa amusement park na hindi gaano kalayuan sa Resort namin.

"Anong una nating sasakyan Genie?" Tumingin-tingin siya sa iba't-ibang direksyon na parang naghahanap ng magandang unang sakyan.

"Drake you made it, akala ko hindi ka na makakarating." Biglang may nagsalita sa bandang likod namin. "Halika Hon, sakay tayo ng rollercoaster." Bigla naman akong hinila ni Kate papunta sa pila ng rollercoaster. Napa  buntong hininga na langako.

"Drake huwag kang magalala kay Lucy ayos lang siya, malaki na yun." Sabi niya habang hinihila niya ako.

LUCY'S POV

Manloloko! akala ko ipapasyal niya ako dito sa amusement park, dinala niya lang pala ako dito para makasama si Kate, kainis ganito ba sila, ginagawa ang lahat kahit masaktan ang isang tao para lang masunod ang gusto nila. "Kainis! Walang hiya ka Drake! Bakit ba ako umaasa!"

"Kanino ka umaasa?" Nilingun ko ang nasalita. "Kay Drake ba?" Nahuli na ako.

"Ano nga pala ginagawa mo dito Ace?" Numiti siya ng nakakaloko. Para siyang, ano, basta parang may masama siyang iniisip.

"I must say Lucy, you still look beautiful, iika ka maglakad." Kainis, kailangan ba ipahalata sa akin na nahihirapan ako maglakad.

"Nanglalait ka?" Inis kong sabi with matching taas sa isang kilay.

"Hahaha, no,no hindi kita nilalait I'm just telling what I see." Nagmamaang maangan pa. Inirapan ko siya. "Don't be like that, come I'll treat you maglalaro at sasakay tayo sa ibang rides." Bigla niya akong hinila.

Ang una rides na sinakyan namin ay yung marry-go-round naglaro rin kami ng, nakalimutan ko ang pangalan basta you tatamaan mo yung mga balloon.

"Ano ba yan, ang lapit na nga hindi mo parin matamaan kahit isang balloon lang." Heto nanaman itong si Ace nanglalait.

"Ikaw nga." Panghahamon ko sa kanya. Tignan natin kung makakaya mo ikaw manglalait na Ace.

"Here is your price sir." Binigyan siya ng isang stuff toy na bear. Ngiti niya itong tinanggap.

"Here, sa iyo na yan." Inabot niya sa akin ang bear na napanalunan niya. Ang cuteeeeee... ng bear.

"Salamat." Ngiti ko ring sabi ko. Nakakita ako ng ice cream stand kaya pumunta ako doon at bumili ng dalawa. "Heto o." Alok ko sa kanya, tinignan niya ako ng pagtataka.

"Ano yan?" Ayy kayaman-yamang tao hindi alam ang ice cream.

"Ice cream." Inalok ko ulit siya at lalong nilapit sa kanya.

"I don't eat dirty ice cream. At bakit mo ako binibigyan?" Ang arte nito, hindi naman talaga marumi ito.

"Ang arte, tanggapin mo na, pasasalamat ko kasi sinamahan mo ako sumakay sa ibang rides at maglaro. Kaya tanggapin mo na." Tinignan niya ako bago kinuha ang ice cream. Tinitigan niya lang ang ice cream.

"Aaaccceee..... humanda ka sa akin!" Bigla niya kasi akong pinahiran sa mukha ng ice cream.

"Hahaha...hahaha... yeah I really think so." Tumakbo siya ng tumakbo palayo sa akin. Kainis talaga magkaibigan nga sila ni Drake.

DRAKE'S POV

Hindi ko inasahan na nandito si Kate, ang plano ko sa araw na ito ay mapasyal si Lucy dito sa amusement park. Bakit nga pala nandito si Kate?

FLASHBACK

"Anong gagawin mo ngayon?" Tanong ko kay kate na nasa telepono.

[Aalis ako ngayon kasama kaibigan ko, ikaw anong gagawin mo ngayon?] balik niyang tanong sa akin.

"Hindi ko alam, aayain ko siguro si Genie I mean Lucy na pumunta sa amusement park."

[Ganun ba, asan nga pala kayo ngayon?] Tanong niya sa akin.

"Nandito kami sa Cristes Resort."

END OF FLASHBACK

Dumidilim na kaya napag desisyonan namin ni Kate na sumakay sa Ferris wheel. Habang pumipila kami nakita ko si Ace kasama si Lucy na pumipila rin dito.

"Ayan malapit na tayo." Nakangiting sabi ni Lucy.

"Oo nga, teka hindi kaba takot sa matataas?" Lumingo-lingo si Lucy.

"Hindi naman siguro bakit?" Tanong niya habang hinawakan ang mga mukha ni Ace. "Are you afraid of heights?"

"A-ako h-hin-d-i n-no-h." Nauutal niyang sabi.

"Hahahahahahahahaha si Ace takot sa matataa_" bigla namang tinakpan ni Ace yung bibig ni Lucy.

"Aaaaah! Bakit mo ako kinagat?" Inis na sabi ni Ace.

"Gusto mo hindi nalang tayo sumakay dyan? Upo na lang tayo sa bench." Tumango naman si Ace kaya umalis na sila sa pila.

Anong ginagawa ni Ace dito?

My Secret FianceWhere stories live. Discover now