Chapter 79

16.5K 330 10
                                    

LUCY'S POV

Nag-iisa ako sa loob ng classroom, kaya tahimik. Ang nag-iisang maingay ay ang cellphone ko na kanina pa receive ng received ng message. Hindi rehestrado ang number sa phone ko kaya hindi ko alam kung sino galing ang message.

Ang nakakainis hindi ako tinitigilan, nagsimula ang lahat noong Monday. After class, nagsimula na ang walang tigil na pag-iingay ng phone ko.

Ang palaging nakalagay ay hi, I reply and asked kung sino siya. Aba ang loko sinagot ako ng riddle, gusto pa yatang hulaan ko ang pangalan niya.

Im in the sky  ang una niyang clue para sa akin. Kaya nag isip ako ng pwede sagot. Pilot?

Sunod niyang clue ay I give light in your night . Mahirap ang isang ito, give light in my night. Flashlight, bulb, Florescent? Mali naman yata ang mga sagot ko.

"Luxy! Hindi ka paba uuwi?" Tanong sa akin ni Eunice. Tumango ako, gusto ko munang tumambay dito. "Mauuna na ako, nandito kasi ang babe ko sinundo ako."

"Sige." Tipid kong sabi, agad naman siyang umalis. I received another message.

2 Unknown number

[Your invited in my birthday party.]
Sikat ba ako? Bakit ang daming nakakaalam ng bago kong number. At pangalawa na rin itong natanggap ko na invitation.

1 Unknown number

[You try to reach me but you can't]

2 Unknown number

[You have to be their]

1 Unknown number

[Guess who I am.]

2 Unknown number

[ I'll be expecting you.]

Sa dami ng mga na received ko mismong ang inbox ko ang nag-surrender. At dahil naiingayan na ako sa cellphone ko, I switched it into silent.

Malapit na mag-gabi kaya napag pasyahan ko na umuwi na rin. Baka mag-alala sila mama sa akin kapag ginabihan ako ng uwi. Wala na rin akong nakikitang estudyante sa paligid.

Naglalakad ako palabas ng campus, when I saw a rose on the ground. I pick the rose. It's a blue rose, magsisimula na sana akong maglalakad ng biglang may tumigil na white Van sa harap ko. Bigla akong kinilabutan.

May lumabas na mga lalaki, hindi ko sila makilala dahil may mask silang suot. "Sumama ka." Utos sa akin ng isa sa kanila. Hinawakan nila ang braso ko ng mahigpit.

"Bitawan niyo ko!" Paglalaban ko sa kanila pilit kong makawala sa pagkakahawak nila sa dalawang braso ko.

"Huwag kang malikot!" Pero hindi ako nakinig sa kanila, pumipiglas parin ako.

"Ano bang gagawin niyo sa akin. Kung gusto niyo ng pera wala kayong makukuha sa akin!" Sabi ko at pilit na kumawala. Kaso, mukhang hindi pera ang gusto nila.

"Kailangan na natin itong gamitin." Sabi nung isa sa kanila, may nilagay siyang kung ano sa panyo. Tinabunan niya ang bibig at ilong ko gamit ang panyo. At unti-unti lumalabo ang paningin ko.

Ito na ba ang katapusan ng buhay ko? Kukunin ba nila ang kidney, lungs heart ko? Paano na sila mama kapag malaman nila ang nangyari sa akin? "Ipasok na siya sa loob ng Van." Yun ang huli kong narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay.

My Secret FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon