Chapter 13

3.9K 99 0
                                    

MABABANAAG ang lungkot sa mga mata ni Zack na nakatitig ngayon kay Andrea. "I guess, I wasn't the one."

"Zack, i'm sorry. Napakabuti mong kaibigan at ayokong magbago 'yon. Ayokong nakikita kang nasasaktan nang dahil sa akin."

"Andrea, it wasn't your fault." He's still trying to comfort her kahit ang totoo, mas kailangan iyon ni Zack. "Basta h'wag mo lang akong iwasan, h'wag mo lang akong layuan. Magiging maligaya na ko kahit sa gano'n."

"Zack." Halos pabulong nang saad ni Andrea.

Zack held his hands to Andrea upang tulungang tumayo ito.

Andrea gives him a sweet smile at tinanggap ang kamay nito. Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha. She was so thankful na napaka understanding nito. "Thank you Zack."

Pinahid ng binata ang mga luhang naglandas sa kanyang mga pisngi. "Crybaby. Halika nga dito." At saka siya nito niyakap. Napayakap na rin siya dito.

Pakiramdam ni Andrea ay nakahinga na siya ng maluwag.

KANINA PA pinipigilan si James ng mga kaibigan na lapitan sina Andrea at Zack na nag-uusap sa di kalayuan. Halos mamatay na siya sa selos nang makitang magkayakap ang mga ito.

"Fuck!" Napamurang saad ng binata nang makitang sabay na paalis na ang mga ito.

"Tol." Pang-aalong saad ni Carl at hinawakan ang isa niyang balikat.

Nag-ngangalit ang kanyang mga bagang na tinitigan niya ito ng masama.

Inalis ni Carl ang pagkakahawak sa kanya at bahagyang itinaas ang dalawa nitong kamay.

Naiwang napapailing nalang ang dalawa niyang kaibigan.

NAPAANGAT NANG tingin si Andrea sa kanyang binabasa nang masulyapang papasok na nang classroom si James. Nangunot ang noo niya nang makitang masamang tingin ang ipinikol nito sa kanya.

Napapitlag ang dalaga nang bigla siya nitong hilahin palabas ng kanilang classroom.

"James, ano ba? Sa'n mo ba 'ko dadalhin?" Bahagya nang napapangiwi ang dalaga sa higpit ng pagkakahawak nito sa braso niya ngunit hindi man lang nito pinansin ang sinasabi niya.

Humantong sila ng binata sa roof top ng building. "Ano sa tingin mong ginagawa mo?"

Napamaang siya. Hindi niya maintindihan ang pinagsasasabi nito.

"Pinaglalaruan mo ba kami ng lalaking iyon o pinagpipilian?" Galit na saad nito sa kanya.

"Ganyan ba ang tingin mo sa'kin?"

"Oo. Akala ko iba ka, pero wala ka ring pinagkaiba sa malalanding mga babae." Masakit na paratang nito sa kanya.

Andrea instantly slapped his face. "Yan ang gusto mo diba, ang lumaban ako!" Ayaw niyang magpakita dito ng emosyon o ang maiyak sa harapan ng binata. "Hindi ko kailangang magpaliwanag sa'yo, dahil wala namang tayo. And besides, you don't have the right to talk to me like that co'z you don't even think of your own girlfriend." She turned her back at him at tinungo na ang hagdan pababa sa lugar na iyon.

NATAGPUAN NI James ang sarili sa kanilang bahay. Nawalan na siya nang ganang pumasok.

"Napaaga ka ata ng uwi anak?" Puna ni Ginang Claire nang madatnan ang binata na nakaupo sa kanilang sala.

"Mom!" Lumapit siya sa ina at hinalikan ito sa pisngi. "I just don't feel like going mom."

"Son, is there something bothering you?" Puna nito sa anak.

Napabuga siya ng hangin. "I always end up hurting her."

"Si Andrea ba ang tinutukoy mo?"

Bahagya siyang tumango.

"Nagkausap na ba kayo ni Althea?"

"Yeah! And she gives me a time to think who my heart really wanted to. But I guess I wasn't only like Andrea. I felt deeper than that."

"I will not interlude on that matter son, coz this is for your own happiness. Wala akong itulak- kabigin sa kanilang dalawa. They both pretty and kind. They also have their own personality." Tinapik nito sa balikat ang anak. "Timbangin mo kung sino talaga ang mas lamang sa puso mo."

"Thanks ma!" At saka niyakap ang ina.

"HELLO!" Walang ganang sagot ni James sa kabilang linya.

"Tol, okay ka lang ba? Ba't 'di ka na pumasok?" Nag-aalalang tanong ni Richard. "May kailangan kang malaman." Dugtong nito sa sinasabi.

"Ano?" Tipid niyang turan.

"She dumpped him."

"What are you talking about?" Napaupo siyang bigla sa pagkakahiga sa kanyang kama.

"Andrea already dumpped Zack. Iyon ang narinig ko kanina sa locker room nang mag-usap si Zack at kaibigan nito." Pagbabalita nito sa kanya.

"Eh anong ibig sabihin ng nakita natin kanina? Y-yung magkayakap sila?" Pagkukumpirma niya.

"I guess it's just a friendly hug. No meaning at all."

"Seriously?"

"Umhmm." Kumpirma ni Richard sa kanya.

"Fuck!" Napamura siya. "Chad, i'll hang up. Thanks bro." Paalam niya sa kaibigan.

Sinulyapan niya ang oras mula sa wall clock na nakasabit sa ding-ding ng kanyang kwarto. "8:30 P.M. she's still at work."

Dali-dali na siyang nagbihis upang puntahan si Andrea.

"ANDREA, LUMABAS ka muna. Ako na muna ang bahala dito." Saad ng may-ari ng restaurant na kanyang pinapasukan.

"Po?" Naguguluhang aniya dito. "Pero bakit po?"

"Wala nang pero-pero. Sige na labas na."

Tumalima na ang dalaga sa utos ng amo at nagtatanong ang mga matang napalingon kay Tess.

Bumaling naman sa ibang dereksiyon ang kaibigan nang makitang tumingin siya dito.

Naguguluhan man ay tinungo na niya ang palabas ng pinto upang mabigla lamang sa kanyang nabungaran. Para siyang napako sa kinatatayuan nang makita si James na nakatayo sa gilid ng kotse nito. May hawak itong pumpon ng puting mga rosas. Naka long-sleeved ito ng puti na tinernuhan ng slacks. Sino ba namang anak ni Eba ang hindi mahuhumaling sa napaka-gwapong lalaking ito.

Isang matamis na ngiti ang ibinungad nito sa kanya. Nagsimula itong kumanta.

Sorry na kung nagalit ka, di naman sinasadya. Kung may nasabi man ako init lang ng ulo, pipilitin kong magbago pangako sa iyo. Sorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na, sa ugali kong ito na ayaw magpatalo at parang sirang tambutso na hindi humihinto. Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga. Hindi ako nag-iisip, nauuna ang galit. Sorry na talaga sa aking nagawa, tanggap ko na mali ako h'wag sanang magtampo sorry na.

Natutop ni Andrea ang sariling bibig. Bakit ba hindi niya magawang tikisin ang binata. Kasabay ng pagsilay ng ngiti sa mga labi ay ang pagpatak ng mga luha ni Andrea.

Sorry na huwag kang madadala, alam kong medyo nahihirapan ka. Na ibigin ang isang katulad kong parang timang na paulit-ulit kang hindi sadyang nasasaktan. Sorry saan ka pupunta? Please naman huwag kang mawawala kapag ako ay iwan mo mamamatay ako pagka't hawak mo sa iyong kamay ang puso ko.

Unti-unting lumapit ito sa kanya at iniabot ang hawak na bulaklak. Hinawakan siya ng binata sa kanyang magkabilang pisngi at masuyong pinahid nito ang mga luhang naglandas doon.

Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga. Hindi ako nag-iisip nauuna ang galit sorry na...

At masuyo nitong ginagap ang isa niyang kamay at kinintalan iyon ng halik.

My Innocent Distraction [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora