Chapter 25

3.7K 86 0
                                    

"ANG AKALA KO HINDI MO na itutuloy ang plano natin." Ani Althea kay Richard nang madatnan siya nito sa sala na hinihintay si Andrea upang sabay na silang pumasok sa unibersidad.

Matamang tinitigan nang binata ang kaharap. "You are not the same Althea na kilala ko. Look at your self. Dahil sa mga padadalos-dalos mong kilos, muntik nang ikapahamak iyon ni Andrea. At sa palagay mo hindi damay si James kung nagkataon? Baka mapatay pa siya ng lolo n'yo."

"What do you mean?" Naguguluhang tumitig ito sa kanyang mga mata.

Inilahad niya ang buong pangyayari sa dalaga. Nangilid ang luha sa mga mata nito at natutop ang sariling bibig. "I-i'm sorry.." Anito sa garalgal na tinig.

"Walang alam ang lolo ninyo sa nangyaring iyon. Just keep it to your self. Sinabi ko lang, baka sakaling magising ka."

Tuluyan nang umagos ang mga luha ni Althea, "I'm sorry." Tumakbo itong tumalikod na sa kanya.

MATAMLAY NA HUMARAP na si Andrea kay Richard. Halos wala siyang naitulog nang magdaang gabi sa labis na pag-iisip.

Napakaraming missed calls at text messages na ang natanggap niya mula kay James sa paghingi ng sorry at sa pagnanais na magkausap sila nito. Ngunit wala siyang maapuhap sa sariling isagot dito. Ipinasiya nalang i-off ang kanyang cell phone.

She smiled in front of him but her feelings can't hide the pain in her eyes.

May pag-aalalang nilapitan siya ni Richard at sinalat ang kanyang noo.

"Okay ka lang ba? Are you still feeling sick?"

Umiling siya. "Hindi mo na sana ako sinundo, sobra na pang-aabala ko sa'yo?"

Ngumiti ito sa kanya at masuyong ikinulong ang mga pisngi sa dalawang palad nito. "Kahit kailan, hindi ka naging abala sa'kin. At isa pa last week na natin ito then sem break na."

PARANG ITINULOS SA kinatatayuan si James nang makitang magkasabay na pumasok sina Richard at Andrea. Nag-uumpisa na ba itong paibigin ang dalaga? He could feel a stab of pain in his chest.

Lumapit siya sa mga ito at matamang tinitigan si Andrea. "Pwede ba kitang makausap?"

Bumaling ang dalaga kay Richard. "I'll just talk to him."

Humatong sila sa roop top ng building na kanilang pinapasukan. "Andrea."

ITINAAS NI Andrea ang isang kamay upang pigilan ito sa pagsasalita. Alam na niya ang sasabihin at ipaliliwanag nito. "Walang patutunguhan ang usapang ito. Sa tingin ko, hindi na natin pwedeng ipagpatuloy pa ang relasyon natin. I'm sorry. I love you, James. I still do, but it hurts."

Hinawakan siya ni James sa kanyang magkabilang braso. Nag-iwas siya ng tingin dito.

"You promised, sabi mo hindi mo 'ko iiwan." May pagsusumamo sa mga matang saad nito. "Bakit ganun-ganon ka nalang susuko?"

Inalis niya ang mga kamay nitong nakahawak sa kanya. "Masyado na tayong nagkakasakitan at may mga tao narin tayong nasasaktan. Good bye, James." She turned around and started walking away.

"You promised! Please Andrea, don't leave me." Pakiramdam ni James ay nagkapira-piraso na ang puso niya.

Saglit na huminto ang dalaga sa paglakad. "As saying, promises are made to be broken." Sinikap niyang huwag na itong lingunin. She closed her eyes as she forced herself to walk away from him. Bawat hakbang niya, pakiramdam niya ay ang sariling puso ang tinatapakan niya dahil sa sakit na nadarama niya.

Pigil ang mga luhang bumalik siya kay Richard. Nakaunawa naman ito.

Inakbayan siya nito. "Cry it loud Andrea, I hear it makes people feel better." Mahinang sabi nito.

Dahil sa sinabi ni Richard, tuluyan na siyang napahagulgol sa balikat nito.

MATAPOS ANG TAGPONG iyon ay hindi na pumasok si Andrea. Nagpahatid na siya pauwi kay Richard. Tapos na rin naman ang finals nila at resulta nalang ang hinihintay.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Andrea bago kumatok sa pinto nang silid ni Althea.

"Come in."

Marahan niyang pinihit ang door knob ng pinto nito. Bahagya pang nagulat ang pinsan ng bumungad siya sa harapan nito.

"Althea, i-i'm sorry. I'm sorry kung hindi ko man lang naisip ang mararamdaman mo. I'm sorry for being selfish."

Hindi siya nakahuma nang bigla siyang yakapin nito. "No, ako dapat ang mag-sorry sa'yo. I was too consumed with my own pain sa pagmamahal ko kay James. Ni hindi ko inisip ang mga paghihirap mo mula nang mawala ang mga magulang mo, ang mamuhay sa paghihirap na dapat sana'y pareho tayo nang tinatamasa. I was selfish kasi iniisip kong inagawan mo 'ko kahit wala ka naman talagang inagaw sa'kin. I guess, hindi lang talaga kami para sa isa't isa ni James."

Humarap si Andrea kay Althea. "You mean, hindi ka na galit sa'kin?"

Tumango ito at ngumiti sa kanya. "Dapat nga ay matuwa pa ako dahil may pinsan pala akong kasing ganda ko."

Lumawak ang ngiti sa mga labi niya at mahigpit niya itong niyakap muli.

"Ahm.. Althea, do you still love James?" Kapagkuwan ay naitanong niya.

"Yes, I still do. Pero tanggap ko na, na hindi na ako ang mahal niya and it's hurts. Napaka ipokrita ko naman kung sasabihin kong hindi ako nasasaktan. Pero i'll try to move on. I guess in time magagawa ko naman iyon."

Dahil sa narinig ay nakapagpasya si Andrea na sumama nalang sa lolo niya sa America. Tama ang lolo niya, mga bata pa sila. May tamang panahon para sa pag-ibig nila ni James. Kung, sila talaga ang para sa isa't isa. Dahil hindi naman niya maaatim na nasasaktan ang pinsan habang nagsasaya siya sa piling ng pareho nilang minamahal.

My Innocent Distraction [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon