Mama 3

2.5K 47 0
                                    


Ma alam mo bang nahimatay ako kanina sa school tapos pag-gising ko sumakit na naman yung ulo ko, tapos nagsuka ako bigla at hindi lang basta suka yun dahil dugo ang sinuka ko, Ma natatakot ako natatakot ako pero hindi ko masabi sabi sa inyo kasi baka tawanan mo lang ako at baliwalain.


Kaya nagkulong nalang ako dito sa kwarto ko. Naalala ko pa yung sinabi ng nurse ng school namin Ma sabi nya magpa-check up daw ako sa doktor dahil baka hindi lang yun simpleng pagsusuka.


Ma natatakot na talaga ako dahil may mga pasa narin akong nakikita sa mga hita ko hindi ko alam Ma kung bakit may pasa ako, dahil hindi naman ako nadudulas at hindi mo rin naman ako binubugbog. Nabubugbig mo lkang naman ako kapag wala ka ng pera at hindi ka pa naman nawawalan ng pera, dahil narinig ko kanina sa kapitbahay natin na may boyfriend kang mayaman nagaalala nadin ako sa inyo Ma dahil baka may asawa nayang boyfriend mo.



Pero okay nadin na may boyfriend ka para may kasama ka palagi kapag nasa school pa ako at nakikita naman kitang masaya Ma kaya okay na ako dun Ma... Mahal na mahal kita Mama.....

MamaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora