Mama 4

1.9K 32 1
                                    

Mama magiisang linggo na simula nang sumama ka sa nobyo mo.

Mama namimiss na kita Mama sana balikan mo na ako.Mama nahihirapan na ako habang patagal ng patagal lalong lumalala ang sakit ng ulo ko madalas narin akong magsuka ng dugo.

Mama sana maayos kalang, Ma sana masaya ka sa piling ng nobyo mo. Mama sana naman itext o tawagan mo naman ako kung maayos ka kahit yun lang sana Mama kahit hindi mo na ako uwian Ma okay lang, malaman ko lang na ayos ka Ma panatag na ako non.


Mama binabawi ko na yung hiling ko na sana hindi nalang ikaw naging Mama ko mahirap pala Ma.

Mahirap pala na hindi kita nakikita, mahirap pala na wala ka dito sa bahay. Pero kung masaya kana talaga sa nobyo mo, titiisin ko ang lahat malaman ko lang na masaya kana Ma...Mahal na mahal kita Mama.. Magiingat kayo palagi ng nobyo mo.

MamaWhere stories live. Discover now