Kabanata 5

455 10 2
                                    

Lovers lane xx Chocolate

At eto na nga umaga na..

Di nga pala sya makakapasok sa subj na'to. Mamaya pa sya sa susunod na subj makakapasok dahil susunduin nga nya mama nya.

Hay. Natapos din ang subj na yun.

Bakit kaya wala pa rin yun? Sabi nya papasok na sya sa pangalawang subject ah. Maitxt nga!

"Tapos na klase naten sa Major." Txt ko sa kanya.

"Ah sige, otw nako. Traffic pa. -_- "

Maya maya lang ay dumating na ang Prof namin sa Math. Shit! Si sir Arnold nandito na pero wala pa sya.

"Dito na si Sir san kana?"

"Baka di nako makapasok kay Sir kase sobrang late nako. Kita nalang tayo bigay ko chocolate mo."

Jusq po! Is this for real?! Sa di ko malamang dahilan ay di na ako mapakali at ramdam kong nag iinit na rin ang pisngi ko. Okay na sana kaso nung oras pala na yun ay may Quiz kami sa Math. Pero okay lang dahil open notes naman. Hihihihi! Di ko malaman kung ano irereply ko sa kanya. Aaminin ko kinilig ako at di ko malaman kung bakit nag reply ako agad ng..

"San tayo magkikita?" Ng nasend na tsaka ko naisip na para namang excited na magkita kami. Gosh! Wrong move.

"Sa Bsu nalang."

"Ah sige. Magpapaalam nalang ako ke sir na magwa washroom ako saglit."

"Sigesige. :) "

Napansin na yata ng katabi ko na si Queeney, ang bestfriend ko. Na kanina pa ako namumula at di mapakali.

"Oy Sis! Napapano ka?"

"Ahh wala. Parang masama lang pakiramdam ko."

"We? Di nga? Hmmm..."

"Pano kase sis, magkikita kami ni Akimbo mamaya. Ibibigay nya yung chocolate ko."

"We? Talaga? Omygosh Sis." Na gulat na gulat at halatang mas kinikilig pa kumpara sa akin.

"Oo. Hahaha! Wag ka na maingay."

"Hoy Anne! Gumawa kana nga dyan. Puro ka daldal." Sabat naman netong si Tombo na halatang pinarinig lang kay Sir at nang aasar lang sakin.

"Tse. Hoy tombo wag mo nga akong daldalin. Wala pa nga akong sagot." Bwahahaha! Paghihiganti ko sa kanya.

Maya maya lang ay may tumunog na, ang cellphone ko.

"Dito nako. Sa may maraming upuan."

"San? Magpapaalam nako ke Sir."

"Sa may madae nakaupo tapat ng Ac :) "

"Ah sa loverslane. Sigesige

At eto na nga bumubwelo na ako magpaalam kay Sir.

"Sir? Washroom lang po. " habang nakangisi ako na pinipigilan ang kilig.

"Osige. " Na halatang bakas sa mukha ni Sir ang pagtataka.

"Oy Anne! Bibili ka lang e." Sabat na naman netong Tombo na'to. Masasapak ko na talaga to hanggang mamaya.

"Mukha mo tombo lumubay!" Sabay dila ko pa sa kanya bilang pang-aasar.

Nagtatakbo na ako pababa sa hagdanan at hinanap sya sa Loverslane. At yown! Nakita ko syang nakatayo at naka bag pa. Napaka cool, at parang bango tingnan, kisig nyang tingnan at misteryoso nyang lalo tignan ngayon. Pero bago pa ako mag imagine ay tumakbo na ako papalapit sa kanya.

"Oyy. :)"

"Yep?" Matipid nyang sagot. Bastos na to!

Pero matapos nyang sabihin ang salitang Yep na yan ay may kasamang ngiting patagilid. Alam nyo yun! Jusq. Makalaglag panty! Char. Hahahaha.

"Yung chocolaaaate! Hahahaha"

"Malambot na, dapat kase bukas nalang e." Sabay hanap nya ng chocolate sa bag.

"Wala na nandyan na e. Hahaha"

"Pumasok ako para lang ibigay yan." Sabay abot nya ng isang Chocolate Bar. Jusq ka! Tigilan mo na pagngiti please lang. Baka malaglag na panty ko neto!

Nakaramdam naman ako ng hiya at nagpaalam na din agad sa kanya bago pa ako mahimatay sa kilig.

"Ahh..Pasensya na. Salamat ulit ha? Uhmm una na din pala ako sabi ko kase washroom lang tsaka may quiz kase tayo ngayon."

"May na-miss na naman pala akong quiz." Pabulong na sabi nya pero narinig ko pa din.

Buti pa yung Quiz. Charness Hahaha.

"Ahh. Oo! Hahaha." Yan nalang ang tangi kong naisagot sa kanya "Una na ako ha? Salamat ulit! :)" Sabay taas ko sa Chocolate bar at umalis na.

Trip Inlove or Fall inlove?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora