Kabanata 6

373 3 0
                                    

Umpisa ng Kalbaryo

Mabilis kumalat ang pagbibigay ng Chocolate ni Akimbo. Ewan ko kung sino ang nagsabi o nagkalat ng balita. Don ko napatunayan na tama ang sabi sabi na "may pakpak ang balita, may chismosa sa lupa" hahahaha joke. Pero wala na nangyari na.

"Besty! Totoo bang binigyan ka ni Akimbo ng Chocolate?" Pag uusisa ni Ahmad.

"Ha? Kanino at paano mo naman nalaman 'yan?"

Si Ahmad ang pinaka matalik kong kaibigan na lalaki sa room. Siguro dahil madaldal din sya, joker, at magaling makisama. Magaan din ang loob ko sa kanya. At tingin ko ay ganon din sya sa akin, dahil di naman sya magkukwento sa akin ng kung anu-ano kung hindi. Madami na din kami napag uusapan about sa pamilya, lovelife nya syempre sa kanya lang wala naman akong maikukwento sa kanya tungkol sakin sa love life hahahahaha, at ibang mga problema.

"Secret! Ikaw ha, besty di ka nagkukwento. Gara mo! Di nga totoo?"

"Oo na! Wag kana maingay. Di ka ba nya nabigyan? Hindi ba't kaibigan ka nya?"

"Hindi. Ayieee! Besty ikaw ha."

"Loko! Di nga? Di ka nabigyan?"

"Hindi nga. Ikaw lang. Ayieeee!" Pambubuska pa neto.

"Tumigil ka na nga dyan!'

Maya maya lang dumating na si Akimbo sa room namin sa English..

"Akimbo dito kana!" Pagtuturo ni Ahmad sa tabi nyang upuan. Ewan ko dito kay Ahmad kung nanadya ba o ano e. Bali nasa harapan ko si Akimbo at ako ang nasa likod nya. Naabutan nya din na binibigyan ko mga kaklase namin ng binigay nyang chocolate.

"Masarap ba?" Mygosh! Bigla syang nagsalita at nagtanong sakin. For the second time nag usap kami ng personal. Juskopo! Dahil ang una nung kinuha ko yung chocolate

"Okay lang. Oh! Kuha ka." Sabay abot sa kanya ng binigay nyang chocolate.

"Sige lang. Salamat! :) Binigyan mo pala sila?"

"Ahh. Oo! Hahahaha. Sila na nga din nakaubos. Hahaha"

"Sabi ko kase sayo ngayon ko nalang bibigay para di malambot. "

"Okay lang. Nakain naman na." Pagturo ko pa sa chocolate na saktong sinisimot na at dinidilaan pa ng isa kong kaklase.

Habang si Ahmad naman ay nakatingin lang sakin at ngingiti ngiti ng pasimple at paloko.

Pagtapos namin magkwentuhan saglit ay back to normal na naman ang lahat. Tahimik sa isa't isa. Walang kibuan. Nakikinig kay Sir dahil nag uumpisa na din ito magturo

Hangang sa nahulog ang panyo ni akimbo sa sahig at saktong pinulot ni Ahmad atsaka binigay ng pahitsa agad sakin ito.

"Ano gagawin ko dito? Kanino ba 'to?!"

"Yieee. Kay Akimbo yan! Ikaw wa kinukuha mo panyo nya." Mygahd! Tumingin sya sakin at iniintay nya yata na ibigay ko sa kanya ang panyo nya. Pero napahinto nalang ako at di ko alam ang gagawin dahil sa sobrang gulat.

"Ho-hoy! A-akimbo di totoo yun! Ikaw kaya naghagis sakin nyan ahmad! Kapal mo!" Mautal utal ako sa pagsasalita paano ba naman kalokohan ni ahmad. Sabay abot ko agad ng panyo ni Akimbo at tingin kay Ahmad na ngumingisi pa rin. Bwisit na yun!

Trip Inlove or Fall inlove?Место, где живут истории. Откройте их для себя