Kabanata 9

33 0 0
                                    

Siguro nagtatanong kayo kung sino si Abcde?

Si Abcde ay isa sa mga kaklase ko nitong kolehiyo. Kung itatanong nyo ang kanyang physical na itsura ito ay tall, dark and nevermind. Hahahaha!
Isa din ito sa mga sakit sa ulo ng mga professor dahil sa pag uugali nito. Naninigarilyo, nagka cutting sa klase at palasagot sa prof.

Naalala ko pa noon ng haltakin kami magkakaibigan ni Cath ng dumating si Abcde sa miniforest. At umamin samin si Cath noong nasa Miniforest kami na parang nagiging crush na nya si Abcde dahil lagi silang nagkakatxt ganon dahil si Cath ang aming presidente sa klase. Isang beses nagkaroon kami ng malalang tampuhan ni Catherine dahil di ko pa sya gaanong kakilala at kaclose ay pinayagan ko noon na manligaw ang isa sa mga crush nya. Tawagin nyo na akong masamang kaibigan pero di ko alam kung ano tinatakbo ng utak ko noon siguro dahil sa may pagka-isip bata pa ako noon at pinangunahan na ako ng galit. Pero may purpose naman ako kung ba't ko sya pinayagan gusto ko syang makatapos ng pag aaral bilang tulong na rin sa mga magulang nya. Nalaman ko kase na nasa ibang bansa pala ang tatay ni Abcde at sya pa ang panganay. Masyado kase syang nilamon ng mga computer games at billiards pati na rin ng mga bisyo nya kaya di ito madalas pumapasok. Oo na masama na ako para sa kaibigan ko noon dahil gusto sya ng kaibigan ko. Pero di naman din kami nagkaaway ni Cath ng malaman nyang pinopormahan ako ni Abc dahil meron ng matagal na boyfriend si Cath.

Nagpatuloy akong pormahan ni Abc, nagkakatxt kami ganon. Binigyan ko naman sya ng chance hinayaan ko manligaw. Baka kako mamaya matutunan ko rin naman syang mahalin. Pero niliwanag ko naman sa kanya na binibigyan ko sya ng chance para ipakilala o patunayan sarili nya sakin, pero wala pang Assurance kung talagang matututunan ko nga ba syang mahalin. Hindi ko agad sya nireject ng umamin sya na gusto nya ako. Mahirap kasi ma reject agad ng di ka man lang muna nakikilala. Hanggang sa unti-unti ko na syang nahihiwalay sa bisyo nya sa sigarilyo at alak. Pumapasok na rin sya sa klase madalas. Pero habang lumilipas ang buwan nagi guilty ako, binusted ko din sya. Kasi ramdam at alam ko sa sarili kong iba pa rin ang gusto ko talaga. Humingi ako ng paumanhin. Naintindihan naman daw nya, salamat na din daw dahil hinayaan kong ipakilala muna ang sarili nya. Tinapos lang nya ang 1st year 2nd Sem at lumipat na rin sya ng school dahil na rin di naman nya talaga gusto ang kursong napuntahan nya dito sa BulSU.

Trip Inlove or Fall inlove?Where stories live. Discover now