Chapter 2

901 30 4
                                    

✿*✿CHAPTER  2✿*✿

“I passed the exam!!!”

[Sharrah’s P.O.V.]

“'Di ba, gusto mong sundan ang childhood first love mo? Eto na ang chance mo. Mag-take ka ng exam na 'yon, at 'pag nakapasa ka, bukod sa scholar ka, makakapasok ka pa sa Soltero Academy't makikita mo na ulit ang kababata mong nagpatibok ng puso mo!”

 “Don’t tell me, nagdadalawang isip ka?”

Oo nga naman…pagkakataon ko na 'yon…

Pagkakataon na nga 'yon para makasama ko s'ya…

Pero, ba't parang…

nagdadalawang isip ako?

[SIGH] Ano'ng gagawin ko? Dapat ba'kong mag-take ng scholarship na 'yon?

Napatingin nalang ako sa Application Form ng scholarship exam ng Soltero Academy. Napa [SIGH] ulit ako. “Dapat ba akong mag-take? (napatingin sa picture frame) Gustung-gusto ko na kasi s'yang makita…”

Sumagi ulit sa isip ko ang sinabi sa'kin ni Thea…

“'Di ba, gusto mong sundan ang childhood first love mo? Eto na ang chance mo. Mag-take ka ng exam na 'yon, at 'pag nakapasa ka, bukod sa scholar ka, makakapasok ka pa sa Soltero Academy't makikita mo na ulit ang kababata mong nagpatibok ng puso mo!”

SNAP!!!

Tama! Kung gusto ko talaga s'yang makita, dapat ko nang sunggaban ang pagkakataong 'to!

Gagawin ko ang lahat!

I’ll do everything!

Gagawin ko ang makakaya ko!

I’ll do my best!!!

Makapasok lang ako sa Academy'ng 'yon at makasama ulit s'ya!!!!!

Two weeks later…

“O, ano? Handa kana?” tanong ni Thea sa'kin. Nasa tapat na kami ng classroom ng Grade 7 kung sa'n, actually, do'n ako mag-te-take ng exam.

“Ewan ko…” nasagot ko nalang. Siguro, sobra akong kinakabahan…WWWAAAAHHHHH!!! Nanginginig na'ko dahil sa kaba!!!! T________T Lord, help me naman po!

“Hoy, 'wag mo'kong sagutin ng ‘ewan ko’ bruha ka!” Thea said and pushed her pointfinger against my forehead na dahilan naman para mapaurong ako ng konti. “Ano ba, willing kaba o hindi?”

“Hindi naman sa gano'n…” sagot ko sa kanya. “Kinakabahan ako kasi…pa'no kung, hindi ako makapasa?”

“Ano kaba naman, Sharrah!!! In this once in a lifetime moment eh, magdadalawang isip ka?! Asa'n naba ang spirit mo, girl?” aniya.

“Nasa loob ng katawan ko, alangan namang nasa'yo?” aniko.

Napatampal s'ya sa noo n'ya. “Idiot.”

[SIGH]'Yun lang naman ang pinag-aalala ko…” sagot ko. “Pa'no kung, hindi ako makapasa sa exam? Hindi ko na makakasama ang kababata kong 'yon?”

Inakbayan ako ni Thea. “Kaya mo 'to, 'di ba?”

Napatingin ako sa kanya.

“Kaya mo 'to, 'di ba? Sagutin mo'ko. Kaya mo 'to, 'di ba?” tanong n'ya ulit. Parang nahulaan n'ya ang gusto ko sanang sabihin kaya nagreact s'ya agad. “'Wag mo 'kong sagutin ng hindi! Ano, kaya mo ba?”

Whew…seryoso s'ya… (-_-)v

“Oo.” nasagot ko nalang.

“Think positive?” tanong n'ya. She smiled.

She's into the Bachelors [On Hold and On-Edit]Where stories live. Discover now