Chapter 11

550 22 2
                                    

✿*✿CHAPTER  11✿*✿

“Nalaman n'ya!”

“Ā,-sō, anata wa, Ren-kun no osananajimi sa rete imasen ne? (*Ah, so, you’re Ren-kun’s childhood friend, aren’t you?)”

Natigilan si Sharrah. Dahil sa gulat ay bigla s'yang napatayo. “Si-Sino ka? Nasa'n ka? Magpakita ka! Sino ka?! 'Wag kang manakot o mag-trip trip ng ganyan dahil wala ako sa mood!”

Lumabas naman ang ‘root of that mysterious voice’. “So, you are…Ren-kun’s childhood friend…am I right?”

Nanlaki ang mata ni Sharrah. “I-Ikaw si…”

Umihip ang malamig na hangin habang gulat na nakatingin si Sharrah sa taong 'yon. “Ikaw si…Kawahara Tetsuya!”

Emotionless ang mukha ni Tetsuya. “Soo desu. (*Yes.)”

“P-Patay!” nabulong ni Sharrah. “Nalaman n'ya!”

“So, the reason why you’re here…is Ren, am I right?” tanong n'ya.

“EEEEEEEEEEEEEHHHHHHHHHHHHHHHH?????” react ni Sharrah. “Halaka, pa'no n'ya nalaman? Maliban lang kay Thea, walang ibang nakakaalam na si Ren ang dahilan para magsumikap akong makapasok sa Academy'ng 'to. Pero pa'no? Pa'no n'ya nalaman?”

Nakatingin parin si Tetsuya sa kanya.

“Pa'no mo nalaman na kababata ako ni Ren?” tanong ni Sharrah.

Wala paring emosyon na nilalabas si Tetsuya.

“M-Maliban sa kaibigan ko, wala naman akong ibang napagsabihan na…na kababata ko si Ren. At isa pa, unang beses palang kitang nakausap noh?!” ani Sharrah.

“Saisho... Hajimete? (*First…first time?)” he asked.

“Huh?” natanong ni Sharrah. (hindi-nakakaintindi-ng-Japanese mode.)

“It’s the very first time that…we have talked to each other?” tanong n'ya ulit.

“Oo naman noh?!” sagot ni Sharrah. “Hindi counted 'yung sa library. Hindi ko naman alam no'n na isa ka sa ‘The Bachelors’ noh?!”

Ayun, deadpan parin si Tetsuya…

“Teka, pa'no mo ba nalaman na, ako ang kababata ni Ren ha?!” tanong ni Sharrah.

Tinalikuran lang s'ya ni Tetsuya't agad na itong umakma paalis.

“Oi! Oi, Nihonggo (Japanese)! 'Wag mo'kong talikuran! Hindi pa tayo tapos mag-usap at 'di mo pa sinasagot ang tanong ko!” sigaw ni Sharrah na dahilan para matigilan si Tetsuya.

Lumingon lang si Tetsuya at 'di nalang s'ya sumagot.

“Pipi ata 'to eh.” Sharrah thought. “Hindi ata 'to nakakapagsalita ng ilang minuto!”

“Just forget it.” says he. “You don’t need to know how I knew that you’re his childhood friend.” then he walked away again.

“Na-Naku! Patay!” naalerto bigla si Sharrah. “Baka, sabihin n'ya kay Ren ang totoo! At baka, sabihin n'yang nandito ako! Naku, patay! Hindi pa naman ako handa na kausapin si Ren! Hay, kaasar! Kaasar talaga! Sharrah naman! Ang tanga-tanga mo!!!” agad naman n'yang sinundan si Tetsuya. “Tetsuya!”

Natigilan si Tetsuya at lumingon.

Natigilan sa paglakad si Sharrah. Grabe ang kabog ng dibdib na nararamdaman n'ya. “Pu-P-Pwede bang…'wag mong sabihin sa kanya ang tungkol dito? Pakiusap naman o!”

“Why?” tanong ni Tetsuya. “Why are you pleading such a thing? Remember, he’ll know it sooner or later. And the fact is, why will I do it? We’re never knew each other. We’re not close either.”

She's into the Bachelors [On Hold and On-Edit]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें