15: Leave

666 20 0
                                    

Tahimik lang kami ni Jelan hanggang sa makarating kami ng apartment. Hindi nya rin binibitawan ang kamay ko at ramdam na ramdam kong galit na galit rin sya sakin.

Huminto lang kami at binitiwan nya rin ang kamay ko ng tumapat na kami sa pinto ng apartment nya. Medyo nagulat pa ko at napatingin sa kanya. Seryoso? Papapasukin na ba nya ko sa apartment nya?

Papasok na sya at papasok na rin sana ko nang bigla nya kong hinarap.

"Intayin mo ko dito." Sabay pasok na nya at sinarado ang pinto.

Toinks. Akala ko pa naman makakapasok na rin ako.

Ano ba yan? Ano bang meron sa loob ng apartment nya at ni sumilip bawal?

Saglit nga lang sya sa loob at lumabas na rin kaagad. Tinanggal nya lang ata yung jacket nya dahil naka-white shirt na lang sya ngayon.

"Doon tayo mag-usap sa apartment mo."

*sigh

Hay naku. Sige pagbigyan na at bad trip na naman sya.

Pagkapasok namin sa apartment ko pareho kaming huminto sa may maliit na sala. Akala ko uupo pa sya sa sofa kaya didiretso sana ko ng kusina pero hinanglit nya kagad ang braso ko at iniharap sa kanya.

"Bakit kayo magkasama doon ni Jan Miel? At ano yung sinasabi nyang date ka nya ha?"

"Pwede ba.. kumalma ka nga muna Jelan.. magkaibigan lang kami ni Jan Miel... at niyaya nya lang ako doon para manood.. at isa pa.." medyo napatungo pa ako. Sasabihin ko ba? Baka naman lalo lang syang magalit.. pero baka naman maiintindihan nya pag sinabi ko.

"At isa pa ano?"

"Kutob ko na rin na magkaibigan kayong dalawa kaya sumama ko sa kanya.. kasi ano.." tumingin pa ko saglit kay Jelan pero dahil nakakatakot sya kung makatingin, tumungo na lang ulit ako. "Kasi gusto rin kitang makita.. gusto ko lang malaman kung.. saan ka ba lagi nagpupunta at anong ginagawa mo.."

"Wala ka bang tiwala sakin Anna?"

Doon na ko nagkalakas ng loob na tumingin na din sa kanya. "Ikaw ang walang tiwala sakin Jelan!"

Halata ko namang medyo nagulat sya sa sinabi ko pero saglit lang yon and back to glare na naman sya sakin. Mapapatungo na naman sana ko pero pinigil ko ng maipahalata sa kanyang natatakot ako, dahil nakakainis na talaga sya.

"Napakarami mong itinatago sakin.. at hindi ko alam kung bakit parang ayaw mong makialam ako o may malaman tungkol sayo.. tapos gusto mo pa ikaw parati ang nasusunod.. gusto mo palagi na lang ikaw ang tama.. lahat na lang.. yung gusto mo lang din dapat ang gawin ko.. ni minsan hindi mo ko tinanong kung anong gusto ko? At ni minsan.. hindi mo rin ako hinayaang makilala ka pa ng mas husto.. Jelan naman.. akala ko ba nagkakaintindhan na tayo? Pero bakit ganyan ka sakin?"

Napaiwas naman sya ng tingin saglit bago nya hinawakan yung mga kamay ko. Napahinga pa sya ng malalim bago ko tiningnan ng seryoso sa mga mata.

"Wala ka ng dapat pang malaman tungkol sakin.. hindi pa ba sapat sayo na malaman mong gusto kita?"

*sigh

Wala na talaga tong pag-asa.. Bakit ba ayaw nyang may malaman ako tungkol sa kanya? Ano bang pinakatatago nya at natatakot syang ipaalam sakin yun?

"Alam mo Jelan.." sabay alis ko sa mga kamay nyang nakahawak sa kamay ko. "Walang mangyayari sa ganitong set-up natin kung ganyan ka.. hindi pwedeng ako na lang palagi ang iintindi sayo.. sana naman kahit konti, maintindihan mo rin yung point ko.."

Nakita ko kung paano unti-unting naningkit ang mga mata nya habang nakatitig sakin, and instant.. kinilabutan talaga ko sa mga tingin nyang yon pero di ko lang pinahalata.

Oo. Gusto ko sya. Gustong-gusto ko sya kaya gusto ko ring malaman ang lahat-lahat ng tungkol sa kanya. Pero kung lagi nya ring ipagpipilitan ang gusto nya at puro gusto nya lang.. wala. Hindi rin kami magkakaayos at palagi rin kaming magkakaroon ng pagtatalunan.

"Ngayon ka lang nagkakaganyan Anna.. may sinabi ba sayo si Jan Miel?"

"O? Bakit napasok na naman sya sa usapan? Jelan.. magkaibigan nga lang kami at hindi ko sya gusto. Ikaw ang gusto ko kaya gusto kitang mas makilala pa.. Ano bang sikreto mo? Bakit ba ayaw na ayaw mong may malaman ako?"

"Mas mabuti pa nga sayong wala kang alam!"

Natigilan na lang ako nang bigla syang sumigaw. Hinawakan nya pa ko ng mahigpit sa braso at kitang-kita ko kung gaano sya nagagalit ngayon.

"Hindi mo ko pwedeng kwestyunin! At mas lalong hindi mo ko pwedeng utusan na sabihin sayo ang lahat ng gusto mong malaman!"

Ano bang~

"Gusto kita Anna! Gustong-gusto kita! Kaya hindi ako papayag na mapunta ka sa iba! At ito ang tatandaan mo.. ako lang ang magdedesisyon para sa ating dalawa! Ako lang! Dahil mas alam ko kung ano mas makabubuti para sa atin!"

Bat parang bigla na lang syang nagbago.. bat parang bigla syang sinapian..?

Hindi na ako nakasagot pa at gulat pa ring nakatitig lang sa kanya.

Bakit ka ba nagkakaganyan Jelan?

Tapos bigla na lang syang nagsmirk. Sobrang higpit ng hawak nya sa braso ko at parang wala syang pakielam kung masaktan man ako.

"Hindi ka makukuha ni Jan Miel o ng kahit na sino Anna.. akin ka lang.. akin lang!" Sabay hawak nya pa sa ulo ko at hinalikan ako ng mariin.

Bakit ganito? Hindi naman sya nakainom pero nagkakaganito pa rin sya?

Pinilit kong itulak sya palayo pero kagaya lang nung una, wala pa rin akong laban sa kanya.

Hanggang sa naitulak na lang nya ko bigla sa sofa. Tatayo pa lang sana ulit ako pero dinaganan din naman nya ko bigla.

"Jelan!"

Tuloy pa rin sya sa paghalik sakin at nasasabunutan na rin nya ko pero wala syang pake. Hanggang sa tuluyan na akong nanghina at hindi na nakapalag pa sa kanya. Napaiyak na lang ako ng tahimik habang tuloy pa rin sya sa ginagawa nya. Napunit na rin nya yung itaas na bahagi ng damit ko at sobrang sakit ng mga ginagawa nyang paghawak sa dibdib ko. Gusto nya pang alisin yung bra ko.. pero..

"Jelan.. tama na!"

Bigla rin naman syang napahinto ng sumigaw ako.

Tinitigan nya pa muna ko saglit bago sya umalis sa ibabaw ko at tumayo ng patalikod sakin.

Hindi ko alam kung ano namang iniisip nya ngayon pero isa lang ang nakumpirma ko sa sarili ko.. ayoko na. Ayoko na talaga.

Bumangon na lang din muna ko ng paupo sa sofa bago ko tiningnan ang sarili ko.

Kung ayaw nyang may malaman ako tungkol sa kanya hindi ko na sya pipilitin. Pero ayaw ko na ring makipagkita pa sa kanya. Gusto ko ng tapusin tong kung ano man tong meron kami.

"Umalis ka na Jelan.."

Napalingon naman sya sakin at sinalubong ko rin yun mga tingin nya.

Masasaktan ako sa desisyon kong to pero alam kong.. mas masasaktan lang ako kung itutuloyko pa to.

"Umalis ka na sa buhay ko.."

Anna Maria ✔Where stories live. Discover now