35: Goodbye

738 12 0
                                    

Kasalanan ko ang lahat ng to Eizen. Patawarin mo sana ko.. Pero maniwala ka.. Itinuring talaga kitang kaibigan.. Kapatid.. Siguro.. Ay hindi, sigurado.. Naging gago lang talaga ko noon at inagaw ko ang katauhan ng kababata mo para mapalapit sayo.. Para mapasama sa grupo nyo.. Para sumikat at palaging masunod ang mga gusto ko.. Patawad Eizen.. Patawad kung ginamit kita - kayo noon..

Si Nejiara Sano.. Sya si Lance Garcia, Eizen.. Ang liit talaga ng mundo no? Biruin mo yon, nagkita rin kayo.. Nagkita na kayo pero dahil sakin kaya hindi sya makapagpakilala sayo..

May isa pa kong sasabihin sayo Eizen.. Alam kong sa unang inamin ko baka di mo na ko mapatawad.. Lalo na dito sa sunod na aaminin ko..

Ang daya mo kasi.. Iniwan mo kami.. Iniwan mo ko.. Alam mo ba.. Nung time na umalis ka.. May nagawa akong napakalaking kasalanan na hindi ko alam kung paano ko pa pagbabayaran..

Nakilala ko na sya Eizen.. Si Mari.. Yung batang kinukwento mo sakin noon na kababata natin sa ampunan.. Nung umpisa ko pa lang syang nakita, nagkagusto na kagad ako sa kanya kaya di ko rin kagad sinabi sayo. Palagi ko syang sinusundan.. Ginawa ko ang lahat para makalapit lang sa kanya.. Kahit yung nakatira sa tapat ng apartment nya noon pinaalis ako. Nabaliw na ko sa kanya Eizen.. Pakiramdam ko mawawala sya sakin pag hindi ko sya pinaghigpitan.. Nagawan ko sya ng hindi maganda dahil sa kabaliwan ko.. At dahil doon kaya nya ko lalong iniwan.. At ngayong bumalik na sya.. Iniisa-isa na nya o ng kung sino mang tumutulong sa kanya ang mga kaibigan natin..

Eizen.. Kasalanan ko ang lahat.. Patawarin mo ko.. Patawarin nyo ko.. Kahit huli na ang lahat.. Pero alam mo, hanggang ngayon.. Mahal ko pa rin sya Eizen.. Mahal na mahal ko pa rin sya.. Si Anna Maria..

Parang walang buhay na nakarating si Eizen sa port. Sa dati rin nilang naging tambayan.

Hindi nya pa alam kung matatawa ba sya o ano dahil parang iniisa-isa nya lang puntahan ang mga naging tambayan nila noon.

Tumingin pa sya sa may gilid ng port kung saan sila madalas umuupo at tumatambay habang nakatingin sa malawak at payapang dagat.

"Siguro mga 6 o 8 years after.. Pagbalik natin dito graduate na tayo.." Panimula noon ni Raj. "Makukuha ko na ang mana ko at hahatian ko na rin kayong mga kumag kayo!"

"Sigurado ka dyan ha? Walang usapang gaguhan yan ha?" -Shun

"Oo naman!" -Raj

"Mm.. Siguro sa mga taon na yon.. Kasama ko na ang kapatid ko.. Sana.." Sabi naman ni Jan Miel.

"Ano ka ba? Syempre naman, tutulungan ka nga namin di ba?" Inakbayan pa sya ni Jayv

"A.. Ako.. Siguro may asawa na ko non!" Sabi naman ni Jelan.

"Asawa agad?" -Neji

"Oo! Agad-agad! Bakit ba?" -Jelan

"Tss. Ewan ko lang kung may papatol sayo.. Ako naman, for sure, ano pa nga ba, di doktor na ako nun malamang! Takot ko lang sa tatay ko pag di ko natupad yung gusto nya!" -Neji

"Ikaw Nichii? Anong nakikita mo sa future mo?" Tanong pa ni Raj.

"Sa future ko.. Sa totoo lang hindi ko alam.. Basta ang gusto ko.. Matupad yung mga gusto nyo at hanggang sa pagtanda, magkakasama pa rin tayo.. Magnininong na lang ako sa mga magiging anak nyo! Paramihan kayo ha para masaya!"

"Gago!"

"Ano namang kaululan yon?"

Napatawa na lang mapait si Eizen sa alaalang yon.

'Ano na? Nasan na yung future natin? Nawala na lang bigla.. Nawala ng dahil sakin..'

Napatungo na lang sya at pakiramdam nya'y maiiyak na naman sya ng wala sa oras. Magdidilim na rin at kitang-kita na nya ang papalubog na araw.

Pero sa pagtungo nya, doon nya lang napansin ang mga kamay at ang damit nya.. Puro dugo.. Puro dugo ng kaibigan nya..

At sa pagtingala nya para pigilan na naman ang sariling mapaluha ay napansin nya hindi kalayuan sa kanya sa may gilid ng port yung isang parang diving tower.

'Yan ba ang makakaalis sa sakit na nararamdaman ko ngayon?' Natanong na lang ni Eizen sa sarili bago nagtungo at umakyat doon hanggang sa pinakatuktok.

Mas maganda ang view sa taas. Mas kitang-kita nya ang sunset. Maaliwalas ang hangin pero hindi yon nakakatulong para mabawasan man lang kahit konti ang sakit na nararamdaman nya.

'Mahina ako.. Mali ang mga nagawa ko.. Annia patawarin mo ko..'

Napatingin pa si Eizen sa baba kung saan sila palaging umuupo ng barkada nya. Napangiti na lang sya ng mapait ng makita na naman nya ang mga kaibigan nya doon na nakangiti rin sa kanya.

"Bilisan mo Eizen!"

"Halika na rito!"

"Go Nichii!"

'At least.. Magkakasama-sama pa rin naman tayo.. Siguro di ba?' Sabay tingin na ulit ni Eizen ng diretso. 'I'm sorry Annia.. I'm sorry..'

Huminga pa sya ng malalim at tatakbo na sana sya bago tumalon ng biglang may sumigaw pa kaya napahinto sya.

"Eizen!"

Napalingon naman ulit si Eizen sa baba. Nadoon si Annia.. Umiiyak pa rin hanggang ngayon.. May bahid pa rin ng dugo ang suot na damit nito at iyon ang pinaka-ayaw makita ni Eizen, ang nasasaktan ang babaeng mahal nya.

"I'm sorry.." Halos pabulong na lang ang pagkakasabi non ni Eizen sa dalaga na umiiling naman sa kanya.

"Halika na dito! Bumaba ka na dyan!"

"I'm sorry Annia.. I'm sorry.." Sabay iwas na ulit ng tingin ni Eizen at ilang beses pa syang huminga ng malalim para pigilan ang sariling mapaiyak at mapalingon ulit sa dalaga. 'Nangako ako sayong tutulungan kita.. Aalagaan at poprotektahan.. Pero matapos ang lahat.. Pakiramdam ko kahit sarili ko hindi ko kayang tulungan.. Hinding-hindi ako makakalimot at baka maging pabigat lang din ako sayo.. Baka lalo ka lang mahirapan sakin Annia..'

"Eizen naman! Bumaba ka na!"

"Pakiusap Eizen bumaba ka na.. Umalis na tayo rito.. Papakasalan mo pa ko di ba? Umuwi na tayo ng Amerika Eizen.." Napagulhol na lang ulit ng iyak si Annia bago napaluhod. Alam nyang di sya naririnig ng binata pero wala na rin syang lakas pa para masigawan ito. "Patawarin mo ko Eizen.. Kasalanan ko lahat ng to.. Eizen I'm sorry.. Please.. Tara na.."

Pero natigil sa pag-iyak si Annia at muling napatingin sya kay Eizen sa taas ng sumigaw ito.

"Annia! Patawarin mo ko! Mahal na mahal kita!"

"Pero hindi ko na talaga kaya.. Goodbye Annia.." Dagdag pa ni Eizen na hindi narinig ni Annia kaya napatayo ito.

"Eizen tumigil ka! Bumaba ka rito!"

Pero hindi na muling lumingon pa si Eizen.. Ilang beses pa syang huminga ulit ng malalim para palakasin naman ang loob nya. At wala pang ilang segundo, tumakbo na rin sya sa board at tumalon sa dagat.

"Eizen!"

"Naisip nyo ba kung sino satin ang unang mamatay?" Natanong na lang bigla ni Neji isang araw sa mga kaibigan nya habang nakatambay sila sa itaas ng mga container ban sa lumang train station.

"Seryoso ka dyan dok?" Tanong pabalik naman ni Shun.

"Kanina kasi.. Sa hospital ni dad.. Narinig ko yung mga batang pasyente doon na pinagpupustahan pa kung sino ang mauuna at kung sino ang pinakamahuhuli sa kanila.." -Neji

"So, ano gagaya tayo?" -Jan Miel

"Basta ako ang pinakahuli! Ako kaya ang pinakagwapo satin!" -Jelan

"Wow, hiyang-hiya naman ako sayo Jelan! Halika dito at uunahin na kita! Ako na mismo ang papatay sayong gago ka!" -Eizen

"Hoy bumalik kayo dito!" -Raj

"Mahuhulog kayo mga gago! Baka mauna pa kayo!" -Jayv

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon