29: For Good

599 9 0
                                    

Eizen's POV

"Nagugutom ka ba? May gusto ka bang kainin o..

"Eizen.."

"Mm? May masakit ba sayo?"

"Bakit ka nagsinungaling sakin?" Napakunot naman ako sa itinanong nya. "Bakit di mo kagad sinabi sakin?"

Inihinto ko na lang muna ang kotseng sinasakyan namin sa may gilid ng karsada.

"Na nandito na ko?" Hinawakan ko pa yung isang kamay nya at hinalikan iyon. "I'm sorry Annia.. Nag-aalala lang talaga ko sayo e.."

"Talaga? Nag-aalala ka ba sakin o.. Sa mga kaibigan mo?"

Nagulat naman ako sa sinabi nya at mas napahigpit na lang yung pagkakahawak ko sa kamay nya.

"Paano mo nalaman?"

Napangiti naman sya ng mapait bago nag-iwas ng tingin.

"So wala ka pala talagang balak sabihin sakin na kakilala mo rin pala sila.."

"Hindi naman sa wala.. Hindi ko lang alam kung pano ko pa sasabihin.. Ayoko kasi na~

"Si Neji.. Sinabi nya sakin ang lahat."

Napakunot naman ang noo ko.

"Si Nejiara?"

Tumingin naman sya sakin bago tumango.

Bakit nya sinabi kay Annia ang lahat? Napag-usapan na namin to. Alam naman nyang hindi yon makakabuti kay Annia..

Ano pa bang mga ginagawa ni Sano na hindi ko alam? Bakit hindi nya tinutupad ang mga pinag-usapan namin?

Posible kayang..

"Alam mo ba ang mga pinaplano nya?"

"Huh?"

Umiling na lang ako bago ko hinalikan ulit ang kamay ni Annia.

"I'm sorry.. Umuwi na lang tayo.. Ipagluluto na lang kita.."

"O sige.."

Bumalik na lang ulit ako sa pagdadrive pero di ko na binitawan pa ang kamay nya.

"Eizen.."

"Mm?"

"Namiss kita.."

Tiningnan ko naman sya saglit at napangiti na lang din ako ng makita ko syang nakangiti sakin.

"Namiss rin kita.." Sabay halik ko ulit sa kamay nya.

"Ano na ngapalang nangyari doon sa graduation mo? Pano yung parents mo?"

"Wag mo ng intindihin pa yon.. Naasikaso ko na yon.. Tatapusin na lang natin ang nasimulan mo Annia.. Babalik na ulit tayo sa Amerika.."

"Huh?"

"Please Annia.. Doon na lang tayo magstay.. For good.."

Hindi ko sigurado kung okay lang ba sa kanya yon pero nung nilingon ko naman sya saglit, nakangiti naman sya.

"Kung saan mo gusto Eizen.. Doon din kami.."

Nginitian ko na lang si Annia kahit na hindi ko masyadong narinig yung huli nyang sinabi.

At least mapapanatag na rin ako na okay lang sa kanya na doon na kami.

Kailangan ko na lang din pala kumilos kagad mag-isa.. Mukhang di ko na maaasahan pa si Sano. Yung isang yon.. May ibang pinaplano na hindi ko alam.

Delikado rin sa kanya si Annia.. Hindi ko na rin sya pwedeng hayaan na lumapit pa sa kanya.

***

Anna Maria ✔Where stories live. Discover now