043

464 24 1
                                    

aubrey's pov

nandito ako ngayon sa library. wala natutulog ako eh. di ba naman ako pinatulog kagabi ni dodong dahil sa message niya kagabi?! ugh, ang weird lang rin kasi ang bilis bilis ng tibok ng puso ko.

bakit ganun, bakit.. bakit pati kay zaiden? tuwing kasama ko siya, ang bilis rin ng tibok ng puso ko.

possible bang magkagusto sa dalawang tao?

UGH ANO BA YAN.

"brey!"

"ay kokak" wengye kasi eh. napatingala ako para makita kung sino ang mokong na nanggulat sakin, si zaiden pala.

"bat ka natutulog dito? bawal kayang matulog dito, pag talaga nakita ka nung librarian lagot ka. buti na lang may kausap siya sa labas" sabay pout niya. eh bat ba kasi concern siya? yie gusto niya ba ko? HAHAHA ANG ASSUMERA KO TALAGA.

"ays lang yan" sabi ko pero di niya ko tinigilan, hinila niya ko sa wrist ko pataas.

"halika na, magt-time na oh! punta na tayo sa class natin."

- - -

thanks for zaiden, nakaabot rin kami dito sa class namin. kung hindi niya ko hinila paalis doon, siguro late na ako at nagka detention. ugh this is all dodong's fault!! di niya ko pinatulog kagabi!!

"okay class.. aalagaan niyo ang mga batang kinder." ang mga batang kinder pfft.

may nagreklamo namang isang lalake kesyo bakit raw ganon asus sabihin lang niya ayaw niyang mag alaga ng bata kasi bawas pogi points raw sa crush niya dito sa room namin! eh mas nakakadagdag points yun sa lalaki diba? ang cute nga eh.

maya maya naman ay tumunog ang speaker. pinapatawag na raw ang mga teachers kasi may meeting raw sila.

"okay kids," tawag ni ma'am sa mga bata, "kung sino ang gusto niyong maging mommy and daddy for now, lumapit na kayo sa kanila." sabay ngiti niya ng malapad at alis.

nagtilian naman yung mga classmates namin.

"owemji ang cuuuuute nilaaaaa!!!!"

so ayun, nagsitakbuhan yung mga bata sa gusto nilang maging parents or mag alaga sa kanila. tapos..

"pwidi ko fo kayo ba maging pewents?" omg ang cute cute niya magsalita! ang sarap pisilin ng cheeks niya parang siopao hehez. lumapit naman siya sakin, girl siya and halatang half korean siya tas ang puti niya pa. pwede ko ba siyang ampunin? ang sarap niyang iuwi sa bahay!

"sige! ^____^" may dumating namang asungot sa tabi ko sabay ngiti ng malapad. sino pa? edi si zaiden.

"yay!" sabay palakpak niya, di ko na napigilang ihug siya. bat ba? e sa ang cute cute niya eh!

lumapit na rin yung ibang mga bata sa gusto nilang maging parents. bigla naman akong napatingin sa dumating.

si qyler.

nagkatinginan kami pero umiwas rin ako ng tingin.

"sha win fo!" sabay turo niya kay qyler.

translation: siya rin po!

"huh?" sabi ko. bat si qyler pa?

"gutho ko rin fo shang maging appa!" tumango na lang si zaiden sakin, wala na naman kaming magagawa. kung aayawin namin siya, baka umiyak pa siya.

ngumiti yung qyler sa bata. wait, di pa nga pala namin alam yung name niya.

"what's your name?" nagkasabay pa kami ni zaiden.

"minjiu-imnida! ^ ^" HALA ANG KYOT AYOKO NA.

ginulo naman ni zaiden yung buhok ni minjiu. di na rin siguro niya napigilan, ang cute kasi eh.

"bakit may mga bata?" tanong ng walang kamuang muang na si qyler hahaha dejoke shempre di niya alam kasi nag restroom siya.

si zaiden na ang sumagot, "activity raw, ewan."

napatango na lang si qyler.

"aubrey..." tawag ni qyler sakin pero di ako tumingin sa kanya.

"hm?"

"yung nangyari nung isang araw.. ano.. sana kalimutan na lang natin yun." this time, napatingin na ko sa kanya.

i smiled, "okay."

"ano yun?" chismoso.

"wala." sabay naming sabi ni qyler.

"aish duga." sabay pout naman niya.

- - -

2:31pm na pala ngayon.

nandito kami ngayon sa grass field, halos lahat kaming class pumunta dito kasi gustong maglaro ng mga bata.

"gustu ku pu nang ays kwim!" sabi ni minjiu. naka upo siya sa lap ko, bale nakakandong(?) siya sakin huehue.

"ha? pero.."

"bibilhan kita" sabay na sabi ni zaiden at qyler kaya pareho kami ni minjiu na napatingin sa kanila. sabay pa talaga?

"sige ikaw na lang bumili, qyler." sambit ni zaiden. naningkit mata ni qyler.

"ayaw mo?"

"ngayon, ayoko na" tas napangisi si zaiden. uh..?

tinignan ng mariin ni qyler si zaiden at napa shrug na lang, sumulyap si qyler sakin sabay salita, "bili lang akong ice cream. what flavor do you want, minjiu?"

"oreo *0*"

HALA ANKYOT TALAGA EH SAMPALIN NIYO NGA KO.

"haha okay." sabay gulo ni qyler sa buhok ni minjiu at ngiti sakin.

ngumiti na lang ako ng pabalik sa kanya, nang makaalis na siya, nakita ko si zaiden na masama ang tingin sa kanya.

"HAHAHA NAGSESELOS KA BA" hinampas ko si zaiden sa braso niya ng pabiro. nag pout naman siya.

"pano kung oo?"

"HAHAHA NANIWALA KA NAMAN" sabay gulo niya sa buhok ko. hmp paasa hehe joke.

"yes, wala ng asungot." sambit ni zaiden. ano raw?

kinuha niya yung phone niya sa bulsa niya, "picture tayo! ^o^"

"one.. two.. three!" naka smile kaming tatlo sa una, sa pangalawa naka wacky, tapos yung pangatlo...

"ayieeeeeeeeee ang tweet (sweet) nina eomma and appa!!"

KINISS. LANG. NAMAN. AKO. NI. ZAIDEN. OKAY.







dodong。Where stories live. Discover now