9:38pm
abigail: hello dodong :)
9:40pm
dodong: hello rin
abigail: alam kong dyosa ako na may slight na loka loka
abigail: pero susubukan kong magseryoso alang alang sa best friend ko
abigail: oha oha first time ko to kaya please lang magseryoso ka na rin
seen 9:46pm
dodong: okay
abigail: kilala mo na ba si brey dati pa?
dodong: oo
abigail: ay taray straight to the point
abigail: childhood?
dodong: kind of
abigail: ano ka sa buhay ni brey?
dodong: why are you asking me? di naman ako si brey
abigail: ANO BA. KAYA NGA KITA TINATANONG DIBA.
abigail is typing...
abigail: pero ang weird lang rin kasi ang pagkakaalam ko, si brey yung naging una mong friend.
abigail: i mean, hello? andaming mga babae sa facebook eh bakit siya pa yung pinili mo? panget nun ako dyosa
abigail: pero uy charot lang ha! joke lang yun. dyosa talaga si brey
dodong: tapos?
abigail: aba sungit mo na ha, di bagay sayo.
seen 9:48pm
abigail: so yun nga, pano mo nalaman facebook ni brey?
dodong: di ko alam eh
abigail: NICE ANSWER
abigail: err isa pang push
abigail: kung nahanap mo yung facebook ni brey, edi kilala mo na nga siya dati pa.
dodong: alam mo na naman pala eh. bat mo pa tinatanong sakin?
abigail: HAY EWAN KO SAYO
abigail: K I GAVE UP
dodong: pfft
abigail: basta eto lang ang masasabi ko...
abigail: di ko kilala kung sino ka, di ko alam kung ano ka sa buhay ni brey, pero please lang hangga't maaga pa, magpakilala ka na agad sa kanya. magsisisi ka sa huli. bahala ka ikaw rin.
seen 9:52pm