069

397 25 5
                                    

brey's pov

"brey!" teka, is someone calling me? whatever.

"brey!! please pansinin mo naman ako!!" i just rolled my eyes and went inside my dad's car. pinaandar na ni daddy yung car tsaka umalis na kami.

while driving.. nagsalita siya, "princess, someone was calling you---"

"hayaan mo na po yun." cold kong sambit. nakatingin lang ako sa window ng kotse at inisip ko na naman si zaiden. di ko talaga kayang tanggapin na iisa lang pala sila, si zaiden at si dodong. what the heck is he doing ba? trip niya ba ko? is he playing with me? playing with my feelings? tangina, hindi niya ba alam na nakakasakit na siya?!

"why are you crying, princess?" nakatingin na pala si daddy sakin. he stopped the car kaya napatingin ako sa labas. di ko napansin na andito na pala kami sa mall. oo eh gutom kasi ako, pero nawalan agad ako ng gana sa naisip ko. pero nagugutom talaga ako eh.

"kasi... gutom na po ako." palusot ko sabay pahid ng luha ko. good thing, wala akong uhog.

lumabas na ako tapos sabay kami ni daddy naglakad. papasok na sana kami ng---

"BREEEEEEEEEEEEY SAGLEEEEEEEEEEEEET!!!" gusto kong mag face palm pero di pala kami bati. tama, galit pala ako dapat sa kanya. i hate him.

i didn't turn back. pumasok lang ako ng entrance. pagkapasok namin, nagtanong na naman si daddy, "kanina pa yun ah. sino ba yun?" napakunot na siya ng noo. napaka curious naman niya eh!

"fan ko lang po."

"weh?" parang di pa siya makapaniwala. nag pout na lang ako.

"daddy naman eh!" we both laughed and went inside jollibee. oo eh gusto ko sa jollibee, papalag?

nag order lang ako ng chicken joy with rice, large fries at sundae. oo marami ako kumain pero di naman ako tumataba, bleh!

"nakakainggit ka naman princess, kahit eating monster ka, sexy ka pa rin." nagbabakla baklaan pa si daddy kaya natawa ako.

"bakit daddy, sexy ka nama---"

"BEYBEH BREY!" may sumulpot na lalakeng hingal na hingal sa table namin. naupo siya bigla sa tabi ko tapos humarap sakin, malapad yung ngiti niya na halos tumalon na siya ng building sa tuwa. parang may butterflies sa stomach ko.

diba kinikilabutan lang naman ako?

"beybeh... brey?" natawa si daddy. ugh eto na naman tayo, "ay nako, bakit di mo sinabi sakin na siya pala boyfriend mo? nakakaistorbo na yata ako princess. what a cute couple. bye bye na princess," he stood up and kissed my cheeks.

"daddy! mandiri ka nga sa sinasabi mo!" napatingin ako saglit kay zaiden, "siya? boyfriend ko? HA HA HA are you even kidding me?!" naiinis na talaga ako. bakit ba kasi siya andito?! at sinundan niya pa talaga kami ha!!

"son-in-law, nako ganyan lang talaga si princess, pero mabait yan!" tinaas baba pa ni daddy yung kilay niya. watda- "take care of her. wag munang gagawa ng baby ha? hehehehe." bago pa man ako sumigaw, nakatakbo na si daddy palabas ng jollibee. alam kong namumula na ko ngayon.. sa galit.

"ang cool ng magiging future dad k---" tinulak ko siya patayo. nagulat naman siya sa ginawa ko.

"pwede bang umalis ka na?" kalmado lang ako, i mean, nagpipigil ng galit.

"ha?"

"bingi ka ba?" nairita na ko. hindi ba halata na ayaw ko na siyang makita? tapos pumunta pa siya dito?! di na nahiya!

"hindi po." sabay pout niya. ang--- ew kadiri!

"bati tayo? ha? bati tayo?" inirapan ko siya, "umalis ka na dito habang nagtitimpi pa ko." inubos ko na yung fries ko.

"LQ?" ngumisi siya. namula ako... sa inis. tumayo na ko tsaka siya tinulak.

"kung ayaw mong umalis, ako ang aalis." cold kong sambit sabay alis na doon. narinig ko pang tinawag niya ko pero di ko na lang siya pinansin. bat ba ang kulit kulit niya? tell me nga!

ohmy---

hory shet, nalimutan ko pala yung pera ko! huhuhu. wala akong masasakyan! umalis na si daddy, bakit niya ba kasi ako iniwan kasama tong mokong na to?! wala pa kong pera, andun sa kotse kasama yung backpack ko. pano na ko makakauwi niyan?!

eh kung kay z---

LUL IN HIS FACE! NO WAY!!

nabigla ako ng may humawak sa braso ko, "ano ba zaiden?! di mo ba talaga ako titigi---"

"aubrey, ako to." napalingon ako sa likod, si qyler pala.

"ikaw pala.."

"aubrey!!!" napalingon kami sa likod namin. sino pa ba?

lumapit siya samin---

"HOY QYLER! ANG KAPAL NG KALYO MONG AKBAYAN SI BEYBEH BREY KO!!!" parang gusto pa niyang sugurin si qyler. neither me, nagulat rin ako sa ginawa ni qyler. bakit niya ba ko inakbayan?

ngumiti lang si qyler sabay tingin sakin. yung tingin na sumakay-ka-na-lang.

umiling ako, di tama yung ginagawa niya, "don't ever do that again. aalis na ko." bago ako naglakad paalis, sumulyap ako kay zaiden. nakita kong dinilaan niya si qyler at parang inaasar pa. napailing na lang ako nang umalis ako.

i suddenly smiled.

dodong。Where stories live. Discover now