Part 4:Ang cute cute mo!

64.6K 1.6K 41
                                    

"but one thing is prohibited...

do not fall inlove with me, and I'll do the same."

he whispered.

Bigla nalang akong napaharap sa kanya after nyang sabihin yun.

ewan ko ba. It kinda hit me!

Feeling ko hindi  naintindihan yung sinasabi nya nung time na yun.

pagkaharap ko sa kanya ay tumayo na din sya sa pagkakaupo nya dun sa damuhan.

"let's go." he commanded at saka naman naglakad na. kaya naman agad na din akong tumayo para sundan na sya.

Bumalik lang kami sa Campus grounds.

And there, pinagtinginan nanaman kaming dalawa.

yung iba mga nakakumpol kumpol pa.

tapos yung iba naman nagbubulungan.

pinagtitinginan lang nila kami...

tingin na akala mo may balak pang tunawin kami.

"Sh*t." he whispered habang sabay pa kaming naglalakad dun sa Corridor.

halos lahat  na ata kasi ng tao dun nakatitig, as in mga lalaki, babae, tomboy at bakla.

Pinag uusapan na kami!

pero nagulat nalang ako nung bigla nalang nyang hawakan yung kamay ko, style nung pangholding hands pa.

sa di kalayuan naman nakita ko si Amber na nakatiitig samin.

Okay!  kaya naman pala nya hinawakan yung  kamay ko eh!

"don't mind them." bulong sakin ni Alexis.

habang tuloy tuloy pa kami sa paglalakad.

As he said, hindi  ko nalang sila pinansin at dirediretso na kaming naglakad, hanggang sa makarating kami ng Classroom.

pero hanggang dun puro chismisan pa yung naabutan namin.

GANGSTER HIGH (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now