Chapter 5: ":)"

339 4 2
                                    

Dedicated to laurinoshane24 :) Thank you:) See you again! :)

---

Chapter 5: ":)"

Umuwi ako sa bahay na lumong-lumo. Grabeng kahihiyan ang inabot ko kay Yumi. Kapatid niya pala yung Ely! Bakit ko ba kasi naisip agad yun? Pero may point nga naman. Hindi porket nag-ailove you, boyfriend na agad. Sweet lang talaga sila siguro ng kapatid niya. Ugh! Ethan!

Buti na nga lang hindi na ko pinilit ni Yumi pumasok sa bahay nila kasi talagang hindi ko na kakayanin ang hiya ko. Maybe next time, basta wag nung gabing yun. Pagtatawanan lang ako sigurado ni Yumi. Baka nga ngayon alam na ng kapatid niya yung tungkol sa pag-aakala kong siya boyfriend ng ate niya. Bawas pogi points agad!

Well, kahit na ganun. Nung bago ko matulog, napag-isip-isip ko ang lahat at nawala na din ang hiya ko. Narealize ko na walang boyfriend si Yumi. Wala naman palang magbabawal sa kanya at pwede ko siyang kaibiganin. Oo, tama. Kaibigan. Kaibigan muna. 

Dumating ang Lunes at may pasok na naman. Tulad ng dating gawi, lagi kaming magkakatabi ng mga kabarkada ko. Ano pa nga ba at may long quiz kami ngayon. Dikit na dikit ang mga mokong sa amin ni Lee. Pinagitnaan pa talaga kami. Ako naman, tinitingnan-tingnan ko ang upuan ni Yumi. Wala pa kasi siya. Hindi naman nalelate yun.

"Ano ba yan, ang aga nitong si Sir." Mahinang sabi ni Louie. Siya ang katabi ko at si Ken naman ang nasa gilid ni Lee.

Napatingin ako sa prof ko na nagmadali yatang umakyat ng hagdan. Pawis na pawis kasi. Buti na lang hindi kami late kasi masungit to at nambabagsak ng estudyante.

"Are you ready for your quiz?" Sabi ng prof namin habang nag-aayos ng gamit niya sa table. Hindi siya tumitingin sa klase niya. Madaling-madali talaga.

"Yes sir."

"Pass the papers.." Inabot niya agad sa kaklase kong nasa harapan niya. Tumayo na agad siya para magpamigay.

E teka. Wala pa si Yumi. Tumingin ako sa pinto pero wala pa ring Yumi na pumapasok. Aabsent kaya siya? Hindi pwede, dahil hindi nagbibigay ng special quiz tong masungit na prof na to. Malaking kawalan yun sa grade niya. At once na magstart nang magquiz, hindi na pwedeng kumuha. Ganto kastrikto to. Mas strikto pa kay Severus Snape.

Kailangan kong gumawa ng paraan. Baka sakaling late lang si Yumi. Wala naman kasi akong number niya kaya hindi ko siya matext o matawagan.

At oo nga pala. Bakit wala pa kong number niya! Not good, Ethan.

Nagpapamigay pa rin ng papers at nakuha ko na yung akin. Hinihintay na lang namin ang signal ni Sir kung magsisimula na. I have to do something quick..

"S-sir!" Nagtaas ako ng kamay nang hindi nag-iisip. Good luck na lang sakin.

Napatingin sakin ang prof ko at nakakunot pa ang noo. Kailangan ba talagang laging mukang galit pag nakikipag-usap sa estudyante? "Yes Mr. Santos?" Naabala ko yata siya sa kung anong inaayos niya sa table niya. Hindi na siya natapos dun a.

"Uhm.." Binaba ko na ang kamay ko. Lagot na. Isip, Ethan. Isip. "A..e.. Sir.." Ang hirap namang mag-isip pag biglaan!

"Yes?! What's the problem, Mr. Santos?"

"Ahhh...ehh.." Tumingin ako sa pintuan pero wala pa rin si Yumi. Ang tagal-tagal naman niya. Nangingisay na ko dito. "Uhm.. Sir.." And then out of the blue.. "Nagbreakfast na po ba kayo sir?" Aasa na ko sa tres. Wag lang singko, sir. Wag singko.

Napalingon na sakin ang mga kaklase ko at yung iba natatawa. Siniko ako ni Lee. "Huy ano bang sinasabi mo dyan.."

Hindi ko na siya tiningnan, dahil miski ako hindi ko alam kung bakit iyun ang nasabi ko. Sana man lang tungkol sa mga nireview ko. Ano ba tong pinasok ko.

My Love is HereDonde viven las historias. Descúbrelo ahora