Chapter 18: Intramurals

224 5 3
                                    

Chapter 18: Intramurals

Lamang ang kalaban ng isa. Pursigido ang team na manalo. Sana hindi mawalan ng saysay lahat ng pagod namin nitong mga nakaraang practice. Nagconcentrate ako sa paglalaro.

"Go number 20!!!"

Kahit halos pagod na pagod na ang mga binti ko at puno na ng pawis ang katawan, pinilit kong ayusin ang pagsipa sa bola.

Four..three..two..one...

Saktong nakagoal! Sa wakas. Isang goal na lang, may mananalo na.

"Waaaah! Go Ethan!!!"

Dinig ko ang hiwayan ng mga tao. Di ko maiwasang hindi mangiti. Hininto muna ang timeclock at nagsiupo na kami sa bench.

Nakipag-apir sakin si Rob. "Galing, pare."

Ngumiti ako. "Tsamba lang."

"Ganun pa rin yun." Natawa kami pareho.

Sa kalagitnaan ng tawanan namin ni Rob, napatingin siya sa likod ko. Kumunot ang noo niya. Napalingon tuloy ako. Nakita kong may ambulansyang papunta sa court sa kabila.

"May naaksidente?" Tanong ni Rob.

"Baka.."

"Tingnan ko lang pre. May 5mins pa naman."

Tumango ako. "Osige.." Sinundan ko siya ng mata habang papalayo. Medyo curious din ako kung anong nangyaring aksidente.

One minute na lang halos nang nakabalik si Rob. Nakaupo kami lahat sa bench at iniinstruct ni coach. "Sir sensya na late."

"San ka ba nanggaling? Umupo ka na." Buti hindi mainit ang ulo ni coach kahit tight ang laban.

Umupo si Rob sa tabi ko.

"Anong meron dun?"

"Ah, oo.. Kaya pala may ambulansya, may hinimatay na babae dun. Sa doubles, badminton."

"H-ha?" Sh*t. Bigla akong kinabahan. "Saang college galing? Ano pangalan.." Sana hindi tama ang hinala ko.

"Hmm.. College of Science? Saka number 5 ang jersey. Yun lang naaalala ko. Bakit pre? Kilala mo?"

Yumi... Tumayo ako ng walang paliguy-ligoy at naglakad paalis sa lugar na yun.

"Ethan!" Narinig kong sigaw ni Rob. Di ko siya nilingon. Kailangan ko nang mapuntahan agad si Yumi.

"Ethan!" May humawak sa braso ko kaya napalingon ako. Nakakunot ang noo ni coach na nakatingin sakin. "Saan ka pupunta? Start na!"

"Coach.. Sorry di ako makakalaro.. sorry.."

"Anong sinasabi mo?! Get your ass out there now!"

Umiling ako. "Sorry coach.." Hinila ko ang braso ko sa hawak ni coach at tumakbo palabas ng field.

Nagmadali akong pumunta sa hospital ng school. Medyo malayo sa field na pinanggalingan ko kaya hingal na hingal ako pagdating ko doon. Lumapit agad ako sa nurse station. "Kay Yumi Martinez po."

"Hmm.." Tiningnan niya ang logbook niya. "Room 209."

"Salamat.." Umalis na ko agad at nagmadaling pumunta sa kwarto ni Yumi sa second floor. Hindi na ko nag-elevator dahil ang tagal. Naghagdan na lang ako kahit hinihingal na ko.

Pagdating ko sa room 209, bukas yung pinto ng kaunti. Di na ko kumatok. Nagtuluy-tuloy ako ng pasok. Nakita kong nakahiga si Yumi at nakapikit. May mga nakatusok na sa kanya, at inaasikaso siya ng nurse. Naramdaman ng nurse na may pumasok kaya napatingin siya sakin. "Sir, sino po sila?"

"Ethan po.."

"Uy Ethan."

Napalingon ako. Nakita ko si Marian, yung kadouble niya.

"Bakit nandito ka? Diba may game kayo?"

Tumango ako, saka hinarap ko na ulit yung nurse. Tumango siya sakin at hinayaan akong lumapit kay Yumi. "Marian, ano bang nangyari?"

"Di ko rin alam.. baka dahil sa pagod kaya di na kinaya ng katawan niya."

Napabuntung-hininga ako. Ngayon ko lang kasi nakitang ganito si Yumi. Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama ni Yumi at hinawakan ang kamay niya. "Kumain ba siya kanina?"

"Oo, nakailang kain din kami saka ilang inom don ng energy drink.. saka okay naman siya kanina. Ang sigla-sigla pa nga niya. Bigla na lang hinimatay."

Ayaw pa umuwi ni Marian hanggang di pa nagigising si Yumi. Kaso gabi na, kaya pinilit ko siyang umuwi na. Tinawagan ko na din si Ely, pero di ko sinabing naospital ang ate niya para di siya mag-alala. Sasabihin na lang namin pag-uwi.

9pm na halos nang nagising si Yumi. Mukang nagtataka pa nga siya na nasa ospital siya. "Baby.."

Napatingin siya sakin. Napaupo din siya bigla. "Ethan.."

Umupo ako sa tabi niya. "Buti nagising ka na. Alalang-alala ko sayo."

"A-anong nangyari?"

"Di mo ba naaalalang hinimatay ka? Kanina daw sa court. Huli na nang malaman ko kaya pumunta na agad ako dito."

"H-ha?"

"Oo baby. May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo?" Hinawakan ko ang pisngi niya.

"O-okay na ko.."

"Kumain ka naman daw kanina. Saka ang sigla mo pa."

"Uhm.." Umiwas siya ng tingin sakin. "D-di ko alam.." Nalungkot ang itsura niya. "Disqualified na kami nyan.."

"Baby wag mo na isipin yun. Mas importante health mo. Di na kita papayagang maglaro ulit kesa nagkakaganyan ka."

Tumingin siya sakin at tumango. "Sorry.. naabala kita."

Pinisil ko ilong niya. "Anong abalang sinasabi mo dyan."

"T-teka.. diba may game ka rin?"

"E pano ko itutuloy yun kung nalaman kong nandito ka?"

"Ha? Pero.."

"Wag mo na isipin. Nanalo naman sila eh."

"Pero dapat hindi mo ginawa yun.." Umiwas na naman siya ng tingin. At ngayon naman parang malungkot na siya. "Kung para lang naman sakin.."

"Baby."

"Totoo naman."

"Tara nga dito.."

Napatingin siya sakin. "Hmm?"

Hinilig ko ang ulo niya sa balikat ko. Hinimas-himas ko ang buhok niya. "Kahit anong mangyari.. tatandaan mo.. kahit ano, iiwan ko para sayo. Tatandaan mo yan Yumi. Mas importante ka sakin kesa sa kanila."

Naramdaman ko ang pagtango niya. Yumakap siya sakin at niyakap ko rin siya.

"Sabi nga pala ng doktor bumalik ka daw bukas. Sasamahan kita."

Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin. "H-ha? W-wag na.. ako na lang."

"Sigurado kang kaya mo na?"

Tumango siya.

"Osige. Basta bukas wag mo kalimutan."

"Opo tay." Natawa ako sa sinabi niya at hinilig ko ulit ang ulo niya sa balikat ko.

Yumakap siya sakin at hinalikan ko ang gilid ng ulo niya. "Pasalamat ka mahal kita."

Hindi ko inakalang bilang na pala ang oras na makakasama ko siya.

- to be continued -

by Leah. September 28, 2013.

My Love is HereOù les histoires vivent. Découvrez maintenant