Chapter 13: First Date
Take all of your wasted honor
"Ethaaaaaan!!! I love you!"
Every little past frustration
Nakatingin ako sa entrance ng bar. Panghuling kanta na namin pero di pa siya dumadating. Isang oras na nakakaraan. Sabi niya on the way na siya. Ano na ba nangyari sa kanya? Hindi ko maiwasang hindi mag-alala.
Take all of your so-called problems,
Better put 'em in quotations
Wala na tuloy ako sa mood kumanta, pero tinago ko na lang sa sarili ko.
Say what you need to say
Say what you need to say
Say what you need to say
Say what you need to say..
"Pakiss Ethan!!!"
"Pare pakiss daw."
Natawa ko ng bahagya sa sinabi ni Louie sa likod habang tumutugtog. Nilakasan niya para marinig ko. Buti na lang walang mic na kaharap kundi maririnig nung babaeng nagsabi.
Walking like a one man army
Fighting with the shadows in your head
Living out the same old moment
Knowing you'd be better off instead,
If you could only . . .
Nakatingin na naman ako sa pintuan at wala pa rin siya.
Say what you need to say
Say what you need to say
Say what you need to say
Say what you need to say
Di nagtagal, iniwas ko na din ang tingin ko. Napapatingin na kasi yung mga babae sa harapan sa may pintuan din dahil doon ako tingin ng tingin. Bahala na nga.
Have no fear for giving in
Have no fear for giving over
You'd better know that in the end
Its better to say too much
Then never say what you need to say again
Pero paano ko maiiwasan? Tumingin na naman ako. At buti na lang, dahil saktong pasok niya. Kitang kita kong basa ang buhok niya at nakayakap sa sarili niya. Nanginginig pa. Napakunot ang noo ko. Umuulan pala sa labas?! Sumugod siya sa ulan?!
Even if your hands are shaking
And your faith is broken
Even as the eyes are closing
Do it with a heart wide open
Say what you need to say..
Nang matapos namin ang last song, bumaba agad ako at pinuntahan ko siya. Nakakunot lang ang noo ko hanggang makalapit ako sa kanya. Sa gilid lang siya ng bar counter at nanginginig. Medyo basa ang buhok pa. Naramdaman niyang may lumapit sa kanya kaya napatingin agad siya sakin. Napansin ko din na may mga nakatingin na sa aming mga mata ngayon.
"Uhm.."
"Wala ka bang payong?"
"N-nakalimutan ko kasi.." Napakamot siya sa batok niya. Pero ibinalik agad niya ang mga braso niya sa pagyakap sa sarili niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/3463361-288-k977656.jpg)