Lazy Lady

4 0 0
                                        

February 22, 2016
Monday

53 of 366

"Good morning! Sorry late txt. Late na naman ako. Sarap ng tulog ko kagbe. Miss na kita.

Ingat sa pagpasok :*
I Love you~"

- EJ

It's quite interesting to ride an FX bound to Guadalupe. Mind you, 15 pesos lang ang pamasahe. I tried and it was incredibly hassle free. Sa Panay Tinapay ako bumaba at nag tricycle na rin ako on my way to school.

As to what I've heard, there were problems happening right now. Ang flavor of the month? Ang Calamba Branch. Nagpa film showing daw. Ang issue, hindi educational ang movie. The teachers had the children watch 'Beauty and the Bestie' starring Vice Ganda and Coco Martin. Gasps.

Medyo nakakatamad nga ngayong araw dahil sa dami ng na accomplish ko nung Saturday. Kaya ayun, browse lang ng browse sa Facebook. At... Ang trending ngayon? Si Carrot Man. A man carrying a basket of carrots capture in Sagada. Yung hair niya maka Korean pop star. Tapos meron siyang dimples mala Alden Richards. Kaya ayun. Sikat siya ngayon.

*****

Dreb: "6k daw yung bayad sa jeep."
Me: "mahal nman. so kung ibebreak down sa mga kasama?"
Dreb: "baka pwede yung sa inyo ma hire?
hindi kasi nagrereply si tonyo."
Me: "hmm... tanong ko pa kung pwede yun private hire."
Dreb: "sige, tapos kung pwede, patanong na din kung magkano sa maragondon, cavite."
Me: "teka.yung sa march 5 muna."
Dreb: "Ano yun?"
Me: "san nga ulit and what time? dayhike lang naman diba."
Dreb: "Uu. Day hike lang."
Me: "yun ba yun? maragondon, cavite."
Dreb: "Yup. 3am sana meeting time. 3-4am."
Me: "wohoo. aga. haha. Sige."
Dreb: "hahahaha yup. malayo kasi."
Me: "tanong ko muna mamaya pagkauwi."

****

Nakakatawa. Nagreply kasi ako sa message ni Elsha sa Messenger (na late kong na realize na nung February 4 pa pala). It was when I posted something about the dead kitten incident.

This was Elsha's message: "Ok ka lang Pril?" (I didn't reply to her at that time. But I just did today. LOL.)

Me: "whoa? kets?"
Elsha: "Nung sinauna pa yan pril."
Me: "Hahahaha. Sowee. Ngayon ko lang nabasa."
Elsha: "Hahahahaha. Busy ka eh nuh?hahaha. Balita kay claire ? Sila na ?"

At ayun, di na naman ako nagreply sa last part ng message niya. :D

When I had the chance to exchange texts with EJ about his day, this was our conversation:

EJ: "Tumatawag ako sayo kanina pot. Cannot be reached ka daw. Anyway, Im home na din. Ako makapagtxt kanina kasi nagloloko tong phone. Pag inoopen ko messenger, nagkacrash sya. Nakakapagod sobra. Diko alam gagawin ko~"
Me: "Kauuwi ko lang."
EJ: "Nakakain ka na? Nagpabili akong sisig sa 7eleven kay james. Naubusan ako food. Dami kasi namin activities this week. *sigh."
Me: "Matatapos din yan. Tsaka malapit na tayo pumunta ng Baguio."
EJ: "Heehee :) Kaya ngae. Gusto lang kita makita. Yun lang ok na ko."
Me: "Wusus. Bumabanat. May kelangan pala kong sabihin sa'yo."
EJ: "Why pot? Sabihin mo na lang pot. Pinapakaba mo ko."
Me: "Mahal na mahal kita~"
EJ: "MAHAL NA MAHAL DIN KITA :)"
Me: "Hahaha. Naibigay ko na pala yung paunang bayad kay Kuya Fred kahapon."
EJ: "Sa thursday bibigay ko. Or if you want, Bukas?"
Me: "Wag na. Sa Thursday na lang. Maha hassle ka pa kapag bukas."

Random Days of AprilWhere stories live. Discover now