I'm Not Enough

9 0 0
                                        

March 9, 2016
Wednesday

69 of 366

After magtanong ng mommy ni Vito (thru text) about us having the kids watch movies and what activities we have during PE and FID - nagkaroon naman bigla ng incident. Pero mild lang naman. Teacher Maya entered the Faculty with the two Grade 1 pupils: Vito and Jadon. Tapos may mahabang scratch si Vito sa arm niya. He said he was pushed by Jadon and bumped into Eion's chair. Nag sorry naman daw si Jadon sa kanya. I asked Vito to go with me in the clinic so we could clean his wound.

💩💩💩

EJ nagpost:

"Yung mga tropa mong kotse na yung iniisip na bilhin, samantalang ako nagiisip anung susunod na bibilhing laro sa Data blitz. /GG"

Ako nagpost:

"Yung boyfriend mong nag iisip kung anong susunod na bibilhing laro sa Data blitz samantalang ako nag iisip kung paano makakabili ng bahay na matitirhan namin in the future? /GG"

Mga nag comment:

Raymond: "kami ni ghie parehong pinagiisipan kung anong laro ang bibilhin haha."

Robert: "Pokemon sun/moon para sa 3ds great sequel for pokemon fans."

Mag sama-sama kayo. Pakingteyp. Kayo na gamers. Kayo na walang pakelam sa future. Nakakag*g* lang.

This effing reality continues to ruin my life.

Malapit na kong mag 25. Gusto ko ng mag settle down. Gusto ko ng magka-anak. Gusto ko ng mag pamilya. Ang daming sinasabing pangarap ni EJ para saming dalawa pero wala naman siyang ginagawang hakbang para matupad. Hindi ko alam kung paano ko matatanggap na hindi siya ideal husband. Na wala pa sa isip niya ang parenthood o responsibilidad being an adult. Kaya nga siya si Peter Pan kasi ayaw niyang ng mature. Ayaw niyang tumanda. Pero hanggang kailan ba yun? Habang buhay? Paano kapag nagpakasal kami? Paano kapag may mga anak na? Marunong naman akong umunawa pero meron din akong hangganan. Sana marealize niya naman na magkaiba ang wants vs. needs. Siguro tanggapin ko na lang na hindi ako sapat para makontento siya at maging masaya dahil hindi lang ako ang nag iisang pangarap niya. Maraming mas higit pa sakin. I was never enough.

Pero na realize yata nilang I was really pissed and irritated so Robert took it seriously by commenting again.

Nagkaroon daw ng partial solar eclipse. 🌘 I didn't witness it with my own eyes. Pero hindi naman pala talaga makikita yun dito sa Manila. It was only seen in some provinces here in the Philippines.

Random Days of AprilWhere stories live. Discover now