Chapter 3

49.6K 849 107
                                    

Xandra's POV

"AAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!" I covered my face when I realized that HE'S HALF-NAKED!!! >^<;!!! Ang mga inosente kong mata...Lord tulong ayaw ko pong makakakita ng live show ngayon!!! Pwedeng bukas na lang?? Dejoke lang. XD

"Kung makasigaw ka para kang babae na ngayon lang nakakita ng katawan." Susko kung alam mo lang..

"Aba't... Sira ulo ka pala e. Nakakalalaki ka na. Anong gusto mo suntukan na lang oh?" tinaas ko yung sleeves ko at pumorma ng parang manununtok. Please 'wag mo kong patulan with crossed fingers.

"Tss. Hindi ako pumapatol sa patpat na katulad mo." Tae. Okay na sana e. Hindi na nya ako papatulan eh bakit kasi kailangan pa nyang manabi ng patpat. Hindi kaya ako patpat sadyang sexy lang ako kumontra mukhang kulugo. "H-HOOY!!! B-bakit mo tinatanggal yan?!" tatanggalin na sana nya yung twalyang nakakabit sa beywang nya nang bigla syang huminto at tumingin sa akin. Tsk. Sayang yun dapat hindi ko na lang ako sumigaw. ECCHOS!!! Ano ba yan bakit biglang naging malumot ang utak ko.

"Magbibihis ako bakit ba?" medyo iritang sabi nya. Shet. Magbibihis sya? Sa harap ko? EMEGED. IM-SO-EXCITED!!! Shet. I mentally slapped my face. Nahahawa na ako kay Kambal.

"Bakit hindi ka nalang sa CR magpalit? May CR naman dyan." lumapit sya sa akin at tinitigan ako sa mata. Nagulat ako sa sunod nyang ginawa.. His face is just inches away from mine.. and he's looking straigthly on my eyes... 

"Gusto ko dito magbihis. Bakit may problema ba?" Shet. I can smell his strawberry-mint breath. 

'WTH? SNAP OUT OF IT XANDRA!! You're supposed to push him you dummy!!' my subconscious hollered. 

With my full-force I managed to push him. Take note, pati hinliliit ko sa paa nagamit na ang lakas."S-sige bahala ka. L-lalabas lang ako may tatawagan nga pala ako." napansin kong nakatulala lang sya at parang namumutla?? Ay ewan hindi ko na hinintay ang sagot nya at dali-daling lumbas ng pinto. Nagpunta ako sa pinakadulong hallway. Agad kong kinuha yung cellphone ko at tinawagan si Kambal. Matapos ang limang ring sinagot na nya yung tawag ko.

[He--]

"PAKYU KA!!! SABI MO AKO LANG MAG-ISA SA ISANG KWARTO E BAKIT MAY KASAMA AKO DUN!!!" mukha namang walang tao kayo okay lang na magsisigaw ako. May nakita akong fire exit kaya nagpunta ako don. Pagbukas ko ng pinto muntik pa akong malaglag sa hagdan. Putcha naman mga isang hakbang nalang gugulong na ako sa paikot na hagdanan na 'to. Mula dito matatanaw mo na yung kabuuan ng school. Masarap sa pakiramdam. Presko ang hangin. Masakit man sa balun-balunan aaminin ko maganda ang eskwelahan nila Kambal parang nawala yung galit ko nang makita ko yung view. Kaya lang bigla akong nagising sa pagmumuni nang bigla sumigaw si Kambal. 

My Perverted Gay Roommate!!Where stories live. Discover now