Part 2

134 12 0
                                    

Flashback


My mom died because of a car accident, my dad died because of a disease. My siblings were killed by an unknown guy.

Lahat sila, nasaksihan ko ang pagkamatay.

I was driving my mom's car, she is on the passenger seat. I don't know how to drive, but I am trying. Gustong gusto ko kasi ang pagmamaneho. Tuturuan daw ako ng mommy ko.

So she did. I was so happy ng mapaandar ko ang sasakyan. Nasa isang mahabang daan kami.

Masaya kaming nagkwekwentuhan tungkol sa mga corny na joke ni Daddy, hanggang sa...

Isang truck ang sumalubong sa amin. Nakaiwas ako, pero dahil sa sobrang kaba, himbis na ang break ang tapakan ko, mas lalong bumilis ang andar ng kotse.

140km/h

Nataranta ako, hanggang sa magising ako, nakabunggo ang kotse namin sa poste.

Blood is all over my mom's body.

I. Cannot. Move.

Umiiyak lang ako ng umiiyak, wala akong magawa kundi tignan ang nanay ko. Hindi humihinga, walang buhay.

Hanggang sa marinig ko nalangang ambulansya, at wala na akong ibang maisip.

Pinatay ko ang nanay ko. Ako ang dahilan ng pagkamatay niya.

Ilang araw lang matapos mailibing ang nanay ko, sumunod naman si Daddy. Ni hindi pa ako nagsasalita noon.

Bigla na lamang siyang bumagsak, at wala akong ginawa. Ni hindi ako gumalaw. Tinignan kolang siya, habang hawak hawak ang dibdib, humihingi ng tulong.

Umiyak lang ako ng umiyak.

Habang nakaburol ang tatay ko, isang lalaki naman ang nagpadala ng isang sulat.

'Babagsak ang pamilya niyo. Mamamatay kayo.' Yan ang nakasulat doon. Wala akong pakialam. Bumagsak na ang pamilya namin. Namatay na ang dalawang pinaka importanteng tao sa buhay ko.

Nang mailibing si Daddy, habang nasa labas ng bahay ang mga kapatid ko. Nakarinig ako ng putok ng baril, paglabas ko.

Nakahiga na ang apat kong kapatid. Duguan. Wala akong ibang naramdaman. Naging manhid ako. Gamit ang natitira naming pera, inasikaso ng kapit-bahay namin ang pagpapalibing sa kanila. Sa mga kapatid ako.

Iniwan nila ako. Mag-isa.

Isang araw, may dumating sa bahay namin. Hindi ko kilala. Sinabi lamang niya na pirmahan ko ang isang papel. Wala akong ibang maisip, pinirmahan ko ang papel. Kinabukasan nun, kinuha nila ang kotse namin, ang bahay, ang pera at lahat lahat.

Ako lang ang natira at ang mga damit ko.

Napagdesisyonan kong tapusin na ang buhay ko. Wala na din naman itong silbi. Siguradong mamamatay din naman ako, dahil sa gutom at sa kung ano pa. Walang gustong kumuha sakin, baliw daw ako.

Kinuha ko ang isang lubid, isang upuan. Itinali ko ito sa isang puno, tumungtong ako sa upuan. Ngunit bago ako masakal ng lubid, may isang taong bumuhat sa akin. Tinanggal niya ang lubid sa punp at maging sa leeg ko. Wala akong nagawa.

Jasper...

Iniligtas ako ni Jasper. Binigyan niya ako ng bahay. Isang maliit na bahay na para sa isang tao lamang.

A Piece of LifeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant