Last part

146 12 5
                                    

Bigla kong naalala ang sinabi ni Jasper, 'Hindi ko kayo papabayaan.'

Ayan ang pinanghawakan ko. Ngunit ngayong inalis ko na siya sa buhay ko, kailangan ko na ding tapusin ang bagay na dapat sa simula palang ay wala na.

Buo na ang desisyon ko.

Tatapusin ko na ito.

"Kylie, ito na si baby Kyper." Sabi sa akin ng mama ni Jasper. Ang asawa ng demonyong iyon. Tinanguan ko lamang siya bilang tugon. Sinara ko na ang pintuan pagkaalis na pagkaalis niya.

Nilapag ko ang bata sa sahig. Tinignan ko siya ng masama. Wala na si Jasper kaya wala ka na ding dahilan pa para mabuhay. Wala ng mag aalaga sayo, wala ng magmamahal sayo. Mas mabuti pa na habang maaga ay tapusin ko na ang buhay mo. Dahil doon din naman patungo ang buhay mo. Mamamatay ka din kahit na anong mangyari. Mas mabuti pa na habang maaga pa ay wakasan ko na ang katangahang ito. Tatapusin ko na ang buhay mo para hindi ka na maghirap.

Pumunta ako sa kusina at kinuha ang isang kutsilyo. Bago ako pumunta sa batang iyon, ginawa ko muna ang dapat kong ginawa. Ginawa ko na ang gusto kong gawin. Nagawa ko na, hihintayin ko na lamang ang susunod na mangyayari.

Mabagal akong naglakad papunta sa batang iyon. Dala dala ko ang kutsilyo habang nakahawak sa tiyan ko.

"Kyper, dapat kang magpasalamat sa akin." Sabi ko sa kaniya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Hindi ko siya maaalagaan kaya dapat lang na ito ang gawin ko.

Hiniwa ko ang pisngi niya, agad naman siyang umiyak. Isang malakas na iyak.

Nginitian ko siya, ngayon lang naman niya ito mararamdaman. Ngayon niya lang mararamdaman ang sakit. Pagkatapos nito, mawawala na iyon, kasabay ng pagkawala ng buhay niya.

Sunod kong hiniwa ang malambot niyang braso. Itinutok ko ang kutsilyo sa dibdib niya. Dahan dahan ko itong ibinaba.

Wala ng kwenta ang buhay niya.

Napunit ang damit niya ng itinusok ko ito sa dibdib niya. Malakas na pagiyak ang nangibabaw sa bahay namin. Napatulala ako at may biglang bumulong sa utak ko.

Kaya mo bang patayin ang anak mo?

Yan ang narinig ko. Bigla akong nagdalawang isip kung ididiin ko ba ang pagkakasaksak ko. Nakalapat palang ang kutsilyo sa dibdib. Itutuloy ko ba ito?

Oo, dapat kong ituloy.

Huminga ako ng malalim bago ko ituloy ang gagawin ko ngunit...

Biglang bumukas ang pintuan, napalingon ako dito.

Jasper...

Agad siyang lumapit at kinuha ang kamay ko. Marahas niyang tinanggal ang kutsilyo sa kamay ko.

"Kylie." Nanginginig niyang sabi. Nabitawan niya ang kutsilyo dahil dito. Agad niyang nilagay sa braso niya ang sanggol. Napatulala na lamang ako at napahawak sa tiyan ko.

"Kylie, bakit mo ito ginawa?" Tanong niya sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Mahina kong sabi. Binigyan ko siya ng isang masamang tingin.

"Kylie, buhay ko ito at ako ang magsasabi kung aalis ako sa buhay mo! Hindi ako pumayag kaya wala ka ng magagawa!" Sigaw niya sa akin. Ramdam ko ang galit niya sa akin.

"Tignan mo ang ginawa mo sa anak mo! Muntik mo na siyang patayin! Nababaliw ka na ba?!" Sigaw niyang muli. Kung hindi siya dumating, malamang, wala na din ako.

Itinayo niya ako at niyakap. Sa gitna namin ay ang umiiyak na bata na may sugat sa pisngit at braso.

"Kylie..." Nanlaki ang mata niya ng makita niya ang kalagayan ko. Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko na naliligo na sa dugo. Oo, sinaksak ko ang sarili ko bago ako lumabas ng kusina.

Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti. Isang totoong ngiti.

Mabuti naman at napagdesisyonan ni Jasper na wag umalis sa buhay namin. May magaalaga parin kay Kyper.

"Kylie!" Iyon na ang huli kong narinig.




*×*×*

Nagising ako at sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Jasper.

"Napaka kulit mo talaga. Sabi ko naman sayo, diba? Hindi ko kayo papabayaan." Nakangiti niyang sabi. Napaiyak na lamang ako.

"Bakit ka ba ganito, Jasper?" Umiiyak kong sabi.

"Kasi Kylie mahal kita. Mahal na mahal kita." Mas lalong tumulo ang luha ko. Matapos ang halos tatlong taon, ngayon ko na lamang naramdaman na may nagmamahal sa akin.

"Mahal ko kayo ni Kyper." Napangiti ako sa sinabi niya. Napunta ang atensyon ko sa anak ko. Oo, sa anak ko. Bakit ko ba iyon nagawa sa kaniya?

"Kylie, malapit ka ng umalis sa cage mo. Sabi naman sayo diba? Tutulungan kita." Nakangiti niyang sabi. "Jasper, akin na yung anak ko." Mas lalong lumawak ang ngiti ni Jasper.

Binigay niya ito sa akin. At sa unang pagkakataon, niyakap ko siya. Niyakap ko ang anak ko.

"Sorry, Kyper. Sorry." Sabi ko sa kaniya habang umiiyak. Naramdaman ko nalang na niyakap din kami ni Jasper. Isang mahigpit na yakap.

"Kylie," Napatingin ako sa kaniya. May inilabas siya mula sa bulsa niya.

"Kylie, matagal ko na itong gustong itanong. Nung isang taon ko pa ito pinaghandaan." Bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

"Kylie, pwede ba akong maging tatay ni Kyper?" Biglang bumalik sa isipan ko ang lahat ng nangyari sa buhay ko.

Nagkamali ako.

Binulag ko ang sarili ko sa katotohanan. Pinaniwala ko ang sarili ko na wala namang dahilan kung bakit pa ako nandirito. Ngunit meron pa palang dahilan kung bakit hindi ako hinayaan ng Diyos na mawala.

Kasi gagawa pa ako ng sarili kong pamilya.

Ngunit,

"Jasper, pero kapatid mo siya." Mas napaiyak ako. Ang hirap. ang hirap hirap na naman ng pinag dadaanan ko. Hahayaan ko bang maging ama ng anak ko ang kapatid niya? Hindi. Bakit ba ngayon lamang ito pumasok sa utak ko.

"Kylie, kapag um oo ka, hindi na. Hindi ko na siya kapatid, ako na ang magiging ama niya. Wala akong pakialam kung kapatid ko si Kyper, gusto kong maging ama niya at yun ang mangyayari. Magiging tatay ako ni Kyper, diba?" Umiiyak niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Diba Kylie? Hahayaan mo akong maging tatay ni Kyper?" Nakangiti niyang sabi habang umiiyak.

Isang bagay na matagal ko ng inaasam ang naramdaman ko.

Ang kasiyahan.

Now, hindi nga ako isang tao na nageexist lang. Masasabi ko ngayon na may karapatan na akong mabuhay. May dahilan na kung bakit ako nabubuhay. May dahilan na kung bakit kailangan ko pang mabuhay.

"Oo, Jasper. Ikaw na ang tatay ni Kyper simula ngayon." Nginitian ko siya. Dahil sa saya, bigla na lamang niya akong hinalikan. Isang mabagal at puno ng pagmamahal na halik.

"Kylie, will you marry me?" Sabi niya ng humiwalay siya sa akin. Inilabas niya ang isang singsing. Isang napaka ganda at mukhang mamahaling singsing.

Binigyan ko siya ng isang ngiti.

"Oo Jasper, I will."

A Piece of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon