ONE

49.3K 400 32
                                    

“Karissa Pauline Fuentes!! Bilisan mo naman dyan. Kung ayaw mong ma late.” Sigaw ng Kuya ko, kanina pa nya ako pinagmamadali.

“Yes Kuya!! Andyan na nga ohhh!!” Sagot ko sakanya. Nag mamadali tuloy akong bumaba. Bakit ba naman napaka taas nitong bahay namin tapos wala pang elevator. Ako lang yata ang maarte sa pamilya namin. Well ganito talaga ako!

“Karissa! Anu ba!! Bilis na sabi. Iiwan kita dyan.” Galit na ang Kuya ko.

“Relax Kuya!! Andito na ako oh" Tingnan mo yun! Nag mamadali na naman. If I know excited lang makita yung girlfriend nyang mukang hipon. hindi man lang ako pinagbuksan. Nilakasan ko nga ang pag sara ng pintuan ng sasakyan nya. Kainis ahh. Tiningnan nya lang naman ako ng masama.

Ako nga pala si Karissa Pauline Fuentes. 4th year student ako sa isang kilalang University dito sa Cavite. BS Physical Therapy yung course ko. Kasi sabi ni Daddy mas maganda daw yun na pang pre-med! Ano pa nga bang magagawa ko? Kayo ba naman magkaroon ng both parents na mga Doctor. Iba ang gwapo kong Kuya. Hindi kasi sya nag pauto sa parents namin kaya ayan 5th year Engineering student na sya sa pareho kami ng University pero magkalayo kami ng Campus dahil nasa medical field ako, kaya naman mas malapit kami sa Hospital habang ang campus nila ay mya 10-15mins drive away samin. Graduating na ang Kuya ko. Nakakalungkot! Sa lahat yata ng tao sa mundo ako lang ang malungkot dahil graduating ang kapatid. Paano na ako? Wala na bang maghahatid sakin araw-araw sa school?

“Baka gusto mong bumababa. Akala ko ba exam nio ngayon?” Nagulat ako nung nagsalita si Kuya.

“Ang bilis. Andito na pala tayo.” Hinatid nya ako sa loob ng Campus namin.

"Oo. Pano kanina ka pa yata natutulog dyan na nakadilat yang mata mo.” Sabay tawa. Lalo tuloy nagiging gwapo ang kapatid ko pag tumatawa sya.

“Ang sama mo talaga. Sige na, aalis na ako. Bye.” Pero bago ako bumaba nag kiss muna ako sakanya.

Sige! Goodluck sa exam nyo. At pakisabi nga pala kay Samantha I love you.” Sinamaan ko lang sya ng tingin. Tapos ginulo nya pa ang buhok ko. Kaya pag baba ko ng sasakyan inaayos ko ang buhok ko. Naka tayo lang ako habang pinag mamasdan ang papalayong sasakyan ni Kuya.

Papasok na ako sa Wang Building ng maalala ko na 8am na pala. OMG! Punuan na naman sa elevator. Kailangan maunahan ko yung mga Nursing student na mga taga 3rd and 4th floor lang naman. Nakikisiksik pa sa elevator. Kawawa naman ako pag nag stairs ako sa 6th floor pa ako.

“WAIT!!” Sigaw ko nang malapit na mag sara yung elevator. Bigla namang nagbukas ulit. Thanks Lord. Bigla namang tumunog ang elevator. Ibig sabihin overload na.

"Badtrip naman oh! Overload na naman!" Bulong ko sa sarili ko. Kung kelan nag mamadali pa ako. Pababa na sana ako ng elevator ng biglang nag salita yung isang guy.

“Sige ikaw na Miss. Ako na lang ang bababa” Napatingin ako sakanya. Ang gwapo naman nito. Ang tangkad, medyo singkit yung mata, maputi, bago pa mag close yung elevator nakita ko yung name plate nya Monteverde, Jasper Nicholas. Hindi ko na nakita kung anong course nya. Pero ang gwapo talaga.



Pag pasensyahan nyo na po. Medyo jejemon days ko pa ito sinulat. (2013) Tinatry ko pong i-edit ang mga susunod na chapters.

- Jes

Kuya, I Lust You ✔Where stories live. Discover now