Chapter 1.. Yesha Kwon

14K 186 13
                                    

"Alright class, dismissed"

Sa wakas makakauwi na rin. dahil sabado na bukas makakapag aral pa ako ng mabuti at makakapagshopping pa kami nila steff kasama ang mga kaibigan ko.

Teka makapunta nga muna sa cafeteria bigla ako nagutom.

bago ang lahat magpapakilala muna ako sa inyo ako nga pala si Yesha Kwon "Ice" ang tawag nila sakin kasi pinanganak ako sa korea at yung time na yun umuulan ng snow.. half korean half filipina ako. 18yrs old na ako ngayon at nag aaral sa University of *** ******.

Simple lang naman ako pero maganda at may pagka lokaloka minsan, matalino? Hihihi. charot! pero yun ang sabi ng mga prof ko matalino daw ako..

Andito na ako ngayon sa cafeteria at may nakita ako'ng tao na hindi ko na gugustuhin pang makita. Psh!

Ang lalaking ubod ng yabang at wala sya'ng ginawa kungdi bully'hin ako at sirain ang araw ko.

Ang lalaking kinaiinisan ko ay walang iba kung di si "Denver Blake Lim" sayang pa naman siya gwapo sana kaso nung nagsabog ng kasamaan ang Hudas sinalo niyang lahat..

Buti nalang at hindi ganun si Shawn Dela Cruz..

Siya lang naman ang pinaka gwapong nilalang sa paningin ko.. super crush na crush ko kaya siya. Ayie..

Nung nagsabog ang Diyos ng kagwapuhan at kabaitan sa mundo sinalo nya lahat.. kyaah! ang gwapo niya talaga lumingon siya sakin.

"Easy! Alam kong gwapo ako kaya huwag mo na ako paka titigan pa at baka matunaw ako!"

Biglang nagising ang diwa ko sa isang boses na nagsalita.. hindi ko na pala namalayan na nakatitig pala ako kung san sila nakapwesto sa kanilang tambayan.

Yung mala- cloud 9 na feeling para'ng naging delubyo ng marinig ko'ng magsalita yang mayabang na si Blake.. T-teka ano nga ulit sinabi nya? sinamaan ko lang siya ng tingin sabay sabing. "Wag kang Feeling hindi ikaw ang tinitignan ko. ang kapal mo talaga!" sabay irap ko rito.

Grabe ang kapal niya ah!

"Eh kanina pa kita nikikita na nakatitig ka sa akin, sige nga kung hindi ka sa akin nakatingin sino ang tinitignan mo?" sabay ngisi niya ng nakakaloko..

Bigla ako'ng nakaramdam ng pagkahiya na nagdulot ng pagka-pula ng mukha ko. hindi pwedeng malaman ni Shawn na siya ang tinitignan ko..

"See! ako talaga naman talaga yung tinignan mo. Ano bakit hindi ka makapagsalita dyan? Alam mo Ice kung gusto mo ko pwede mo naman sabihin sa akin ng hindi ka na mahirapang pagmasdan ako araw-araw!" sabay nagtawanan ang mga kasama ni blake habang nakatingin lang sakin si Shawn.

Langya naman! ang kapal talaga ng mukha ng lalaking yun -__-

"Hoy! kung ikaw rin lang naman ang magugustuhan ko, hindi bale nalang! maka alis na nga!"

Wala na, ok na sana ang araw ko kaso sinira nanaman ng Blake na yan. Makauwi na nga lang!

Nang makarating ako sa bahay sinalubong ako ni yaya at nakita ko sila Daddy at Mommy sa sala na may bisitang kausap.

"Anak andyan ka na pala! halika rito at batiin mo sila tito Dave at tita Veronica mo!"

Kahit hindi ko sila kilala lumapit sa kanila at para batiin at halikan sila sa pisngi.

"Mom, punta po muna ako sa room ko magbibihis lang po muna ako." Paalam ko sa kanila

"Sige anak."

"Siya nga pala balae kelan ba gaganapin ang kasal ng----"

Hindi ko na narinig yung sinsabi ni tita veronica. teka kasal? sino naman ang ikakasal? at bakit balae tawag ni tita Veronica? Hay! hayaan na nga.

Dali-dali akong pumunta sa study table ko para i-open ang Facebook ko, isa isa ko sila tinignan pati profile ng mga kaibigan ko, syempre para i-like ang mga post nila. hanggang sa i-check ko ang profile ni Shawn.

Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]Where stories live. Discover now