Chapter 24 The Wedding Day

4.9K 101 2
                                    

Third Person' s POV

Eto na ang pinaka hihintay nila na sila ay maging isa. At eto na rin ang pinaka magandang mangyayari sa buhay nila Blake at Yesha.

Habang ang lahat ay abala sa pag aayos para sa kanilang kasal, hindi naman mapakali si Blake, Halos hindi na siya makatulog dahil sa sobrang kaba at excited.

"Sir Blake ang aga niyo naman po bakit nakabihis na po agad kayo? kukuhaan pa po kayo ng video at pictures!" Sabi ng wedding coordinator namin.

"Kuhaan niyo na ako ngayon na! I can take it any longer ang tagal tagal kasi." Utos ko sa kanya

"Sir, relax ka lang po eto na po!" Sagot naman ng coordinator.

"Anak! Okay ka lang? ang aga mo naman magbihis baka mainip ka lang ka kakahintay sa simbahan niyan!" Sabi ni Mom habang inaayos niya yung necktie ko.

"Mom, kahit maghintay pa ako ng ilang oras basta alam kong darating si Yesha." Sagot ko kay Mom

"Mom, kinakabahan ako paano kung mag backout siya paano kung---"

"Calm down Son, hindi mangyayari yun! huwag ka ngang paranoid diyan!"

"Hindi kasi sumasagot si Yesha kaninang umaga tinawagan ko siya ngayon hindi ko na macontact! Damn it!" Inis kong sabi habang gigil ako sa cellphone ko

"Alam mo nakakatawa ka anak! Kumalma ka nga diyan, syempre busy na ngayon si Yesha aayusan pa siya. Alam mo ganyan na ganyan ang Daddy mo noon nung araw na kinasal kami wala siyang ginawa kundi tumawag ng tumawag. Ang aga niya din sa simbahan mga dalawang oras siya naghintay pero never ko narinig na nagreklamo siya. Nung nakita niya akong dumating kulang nalang magsisigaw pa siya sa tuwa!"kwento ni Mom sa lovestory nila ni Dad.

"Mom, ganito ba talaga pag ikakasal? Hindi ko maipaliwanag yung saya na nararamdam ko. Excited na kinakabahan na natatakot na masaya! para na akong baliw nito Mom."

"Ganyan talaga Anak, pero eto lang sana ipangako mo sa akin, sana kahit anong problema pa ang pagdaanan niyo ni Yesha dapat dalawa palagi kayong haharap at lulutas sa mga problema niyo at mahalin niyo ang isa't isa." Payo ni Mom sa akin.

"Sure Mom, I'll promise." Sabay niyakap ako ni Mom ng mahigpit

Namiss ko ang mga yakap niya.

"Hey, anong kadramahan yan?" Siingit ni Dad sa amin

"Yung baby ko ikakasal na nagmatured na talaga ang anak mo!" Maluha luhang sambit ni Mom

"Hon, mag aasawa lang ang anak mo ano ka ba, Masisira ang make up mo niyan." Awat niya kay Mom

"Hey Son! gusto ko panganay niyo lalaki ikalat mo ang lahi natin." Sabay tapik niya sa balikat ko.

"Ikaw talaga Dad wala pa sa plano namin yung magkaroon ng baby, hindi pa nga kami nakakasal eh, Teka Dad bakit hindi ka pa nakabihis?" Tanong ko.

"Ang aga aga pa kaya, alam mo ba para kang Mommy mo noon ang aga aga sa simbahan." Sabi ni Dad

"Huwag kang maniwala sa Daddy mo anak, siya kaya yung maaga sa sobrang excited!" Apila ni Mom

Arranged Marriage with Mr. Yabang [Complete] [Under Revision]Where stories live. Discover now