2: Hello Los Angeles!

6.1K 152 1
                                    

Dahil baguhan ako sa pagsakay ng eroplano ay mayroong pagkakataon na nahihilo ako dahil minsan ay tumatagtag iyon. Natatakot din ako dahil baka bigla iyong magcrash katulad sa mga napapanood ko sa pelikula.

Halos dose oras ang flight mula Pilipinas hanggang LA. Sa wakas ay nakarating din ako. Katulad ng ibang pasahero ay bumaba na ako ng eroplano, kinuha ang bagahe ko. At kung anu-ano pang checkpoints ang pinagdaanan ko. Mas matindi ang checkpoint sa Amerika. Hindi katulad sa Pilipinas, may laglag/tanim bala. Buti na lang at hindi ako nabiktima. Pagkatapos ng checkpoint sa akin at sa bagahe ko ay naglakad na ako palabas ng airport. Nakakapanibago, halos lahat ng tao na nandoon ay hindi na tagalog ang salitang ginagamit kundi english na. Ano Ayesha? Shunga lang? Nasa Amerika ka malalang kaya wala gaanong nagtatagalog dito. Kahit naninibago pa ako ay pinilit ko ang sarili ko na maging normal. Kaya mo ito Ayesha! Wag kang mag-alala kung mapahiya ka. Walang nakakakilala sa iyo dito. Pagkalabas ko ng airport ay huminga ako ng malalim.
HELLO LOS ANGELES!
Ito ang unang beses na makakatapak ako sa isang banyagang bansa. Isang bansa kung saan tinitingala ng ibang bansa dahil sa modernisasyon. Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat. Kahit summer ay malamig pa din ang hangin. Ibang iba sa Pilipinas. Dito ko na tutuparin lahat ng pangarap ko.
Pumara na ako ng taxi, mayroon namang huminto kaagad. Tinulungan ako ng driver na buhatin at ilagay ang bagahe ko sa compartment niyon. Pumasok na ako sa loob.

"Where are we heading miss?"
Sabi sa akin ng driver. Ay taray! English speaking si koya! Malamang! Nasa Amerika ka na di ba?

"Uhm, here's the address."
Binigay ko ang isang papel na naglalaman ng address ng manpower na inapplyan ko. Sabi kasi ng recruiter ko na dumiretso ako doon. Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang mamangha sa nakikita ko. Makaganda ng LA, parang dati ay tinitingnan ko lang iyon sa internet. Naglalakihan at nagtataasan ang mga building, magkakatabi pa ang mga iyon. Parang Makati lang ng Pilipinas, ang kaibahan lang ay walang traffic sa LA. Halos iduldol ko ang mukha ko sa salamin ng taxi sa sobrang pagka amaze.

"Let me guess miss, this is your first time here in LA?"
Sabi sa akin ng driver. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Yes, you're right."
Sagot ko naman.

"Just have fun here in LA, we have a lot of beautiful places here."
Sabi nya pa. Tumango ako.

"Yeah, I'll keep that in mind."
Sagot ko. Ngumiti na lang ang driver sa akin.

Huminto na ang taxi. Halos kalahating oras din ang byahe namin.

"We're here miss."
Sabi nya.

"How much the fair?"
Sabi ko.

"That's 13 dollars."
Sabi nya. Kinuha ko ang pitaka ko. Kumuha ako nh 13 dollars doon. Hay! Ang mahal naman. >_<
Mukhang mapapasubo ako neto. Kailangan magtipid sa susunod. Binigay ko ang bayad sa driver. Binaba nya ang bagahe ko mula sa compartment at sumibad na. Kinuha ko ang bagahe ko. Tumingin ako sa paligid ko. Marami-rami ding tao sa lugar na iyon. Tiningnan ko ng papel na may address. Nagsimula na akong maglakad at hinanap iyon. Pero wala akong makitang PhilNoy Man Power Agency.

"Asan na ba iyon? Dapat nandito lang iyon eh. Dito ako binaba ng driver eh."
Sabi ko sa sarili ko. Napagdesisyunan ko nang magtanong sa isang news stand doon. Lumapit ako at nagtanong sa lalaking nandoon.

"Uhm, excuse me. Can I ask some direction please."

"Yeah sure."
Sang-ayon naman nya. Pinakita ko ang papel na hawak ko.

"Do you know where this place is? I couldn't find it. It supposedly here but I don't see any manpower here right?."
Sabi ko.

"Oh?! This manpower is already closed, it was demolished last month. It's supposedly there."
Sabi sa akin ng lalaki at tinuro ang isang isaradong establisyimento. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Pinasalamatan ako ang lalaki at naglakad papunta sa saradong manpower. May nakalagay na evicted sign doon. Parang gusto kong maiyak. Kinuha ko ang cellphone ko. At sinubukan kong tawagan ang recruiter ko pero naalala ko na wala na palang signal ang phone ko dahil nakalinya iyon sa Pilipinas. Tuluyan na akong naiyak. May mga taong dumadaan na tumitingin sa akin, pero hindi ko iyon pinansin.

"Ano nang gagawin mo Ayesha? Naloko ka pala ng isang illegal recuiter?"
Sabi ko sa sarili ko. Napaupo ako sa hagdan nandoon at umiyak. Napakabobo Ayesha. Naniwala ka kaagad sa bwisit na recruiter na iyon. Paano ba namanh hindi sya maniniwala, napakaganda ng mga pangako nito sa kanya. May mga benefits benefits pang nalalaman.

"No Ayesha. Iiyak ka na lang ba? Kailangan mong umisip ng paraan."
Sabi ko sa sarili ko. Pero hindi ko pa din mapigilang umiyak. Pinunasan ko ang luha ko. Biglang may pumasok na ideya sa isip ko.

"Alam ko na."

Personal Assistant (Pete Wentz/Fall Out Boy Fanfic) [TAGALOG VERSION]Where stories live. Discover now