44: Meet The Family

2.5K 73 1
                                    

Nang matapos ang tv guesting ay namayani na naman ang katahimikan sa loob ng bus, pinapatuloy nila ang paglalive Q&A sa fans nila. Habang ako ay nanonood lang ng tv.

"Ayi, you want to use my lappy?"
Tanong ni Andy sa akin. Ngumiti ako.

"Really? Can I?"
Paniniguro ko. Tumango naman sya. Binigay nya iyon sa akin.

"Thanks Andy!"

Binuksan ko ang fb ko. Buti na lang online si Amy. Chinat ko sya na buksan nya ang Skype nya. Pumayag naman sya. Nag-online na ako sa Skype. Wala pang ilang minuto ay nakareceive na ako ng call mula kay Amy.

"ATEEEEEEEEEEEE!!"
Sigaw nito. Napangiwi naman ako.

"Amy! Ang ingay mo."
Natatawa naman ako.

"MA! PA! TONYO! SI ATEEEEE!"
Sigaw ulit nito. Natawa na lang ako.

"Kumusta na kayo dyan?"
Tanong ko. Nagsidatingan na sila mama, papa, at Anthony. Nagsisiksikan sila. Hindi ko tuloy mapigilang mapaluha.

"Ma! Pa! Miss ko na kayo."
Naluluha kong sabi. Pinunasan ko ang luha ko.

"Anak! Yeye! Miss na miss na miss ka na namin."
Sabi ni mama na naiiyak na din.

"Oo nga anak. Sobra."
Segunda naman ni Papa.

"Pa! Wag kang umiyak. Di bagay sayo."
Biro ko. Natawa lang sila.

"Ikaw talaga! Kumusta ka na pala dyan? Nakakakain ka ba ng maayos? Mabait ba ang amo? Hindi ka ba pinapabayaan dyan?"
Sunod-sunod na tanong ni mama.

"Okay lang po ako ma. Okay na okay."
Sabi ko.

"Mabuti naman."
Sabi ni mama.

"Ate!!!! Yung nike na sapatos ah!"
Sabi ni Anthony. Binatukan ito ni Amy.

"Ano ba Tonyo! Dapat kinukumusta mo si ate, hindi yung kung ano ano ang hinihingi mo."
Saway ni Amy.

"Joke lang no! Syempre miss ko na si ate."
Sabi ni Anthony.

"Miss na miss ko na din kayo sobra."
Sabi ko. Maging sila mama ay naiiyak na din.

"Hay! Tama na ang drama! Corny na."
Sabi ko. Nagtawanan naman kami. Napatingin ako sa direksyon nila Patrick, nakatingin sila sa akin at nakangiti. Nagpatuloy pa ang kulitan namin, hindi naman ako ginulo ng tatlo. Teka? Asan pala si Andy?

"Hey Ayi! Where do you think I can put my new tatoo?? Here on my torso or on my back?"
Biglang lumabas sa bunk si Andy at pumunta sa likod. Halos lumubog ako sa kinauupuan ko. Napatingin si Andy sa monitor ng laptop nya.

"Oh sh*t! I'm sorry Ayi!"
Bigla itong tumakbo sa direksyon nila Patrick. Binatukan naman ito ni Pete.

"Ate! Si Andy Hurley ba yun?"
Di makapaniwalang sabi ni Anthony. Dahil katulad ko ay fan din ito ng Fall Out Boy.

"Andy Hurley?! As in?!"
Sabi naman ni Amy.

"Teka? Sino ba iyang tinutukoy nyo? Eh sino ba iyon Yeye? Bakit nakabubad at puro tattoo pa? Parang galing ng bilibid."
Sabi ni papa.

"Yung totoo anak, kanino ka ba talaga nagtatrabaho? Panay sabi mo na okay ka lang dyan, halos hindi makatulog dito sa gabi kakaisip kung anong nangyayari sa iyo dyan. Magsabi ka nga ng totoo."
Sabi naman ni mama. Huminga muna ako ng malalim.

"Okay. Una sa lahat ay totoong maayos ang kalagayan ko dito sa America, kung hindi sa isang mabuting tao ay baka kung ano nang nangyari sa akin, pero saka ko na idedetalye lahat kapag nagkaroon ako ng oras na makauwi dyan, makapagbakasyon man lang. Hihingi muna ako ng permiso sa employer ko. Pangalawa, alam kong mahirap paniwalaan ito, pero wag sana kayong magugulat, lalo ka na Anthony."
Sabi ko.

Personal Assistant (Pete Wentz/Fall Out Boy Fanfic) [TAGALOG VERSION]Where stories live. Discover now