Chapter 7

3.9K 87 0
                                    

Hi..hindi..

Hindi nga?

Siya ba?

Pero bakit?

"Hindi ba sabi kong bawal gawing bedroom itong clinic ko! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Naiinis na sabi ng Nurse.

"Sa Inaantok ako! Bakit ba?" Bumalik ito sa pagkakahiga at hindi man lang pinansin ang presensya ko.

"Aba! Baka nakakalimutan mong nasa school ka at wala sa bahay." Parang wala ako sa loob nitong clinic para magbangayan sila. Walang sabing piningot nito ang tainga ng lalake.

"Aray! Aray! Ate! Aray ! Masakit! Ano ba?" Reklamo nito. Ah. Ate niya pala.

"Ehem." Hindi naman sa ini-enterrupt ko sila sa moment nila pero mang iinterrupt na ako. Sabay pa silang napalingon sa akin. Nakita kong napaayos ng tayo si Nurse. Tinanggal na din niya ang pagkakahawak nito sa tainga nung lalake.

"Harmo.."

"Ate?" Reklamo nito.

"Ahm.. Oo nga pala. Sino ka nga ulit?" Tanong nung nurse.

"Kitarah po. Nandito po ako para isauli itong uniform." Iniabot ko yung hiniram kong uniform.

Hindi ko maiwasang tingnan yung lalake na katabi ng Nurse. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.

Siya nga ba yun?

"K!" Napalingon ako sa likod ko dahil sa boses na papalapit sa amin.

Katulad nung lalake, nakahood din ito. Katulad ng hood na suot ni Kuyang Gangster.

Hala...

Paano to? Parehas sila ng hood. Sino sa kanila yung tumulong sa akin.

"Oh.. Wow. Nandito ka.." Syempre wala ako doon. Tss. Siya yung pumigil kay Quinie kahapon. Lumapit siya kay Kuyang Gangster at may binulong. Tumingin pa ito sa akin ng masama.

"Let's go." Sabi nito at hindi man lang kami pinansin. Kung sa bagay. Di naman kami close. Tss..

"Ahm.. Kitarah right? " Napalingon ako kay Nurse at tumango.

"Halika sa desk ko. Kailangan mo kasing pumirma sa record book para sa pagsauli mo nitong uniform." Sumunod naman ako sa kanya at may pinirmahan.

"Ok na. Salamat. Pwede ka ng bumalik sa room mo." Sabi nito.

Maaga pa naman para pumasok ano kaya kung makipagkwentuhan muna ako?

"Ah..nurse. Maaga pa kasi, pwedeng dito muna ako?"

"Bawal kasi tumambay dito.."

"Ang totoo, hindi ako tatambay, may gusto lang talaga akong malaman." Nakita kong lumikot ang mata ni Nurse at napabuntong hininga.

"Pwede ko bang malaman kung Ano or Sino Ang Knife? Wala kasing gustong makipag usap sa akin sa room e. Wala akong mapagtanungan na iba. Na-OOP na nga ako sa kanila.Please Nurse? Kahit Konting trivia lang." Nakaplease sign pa ako. Tumayo siya at binuksan ang pinto.

"I'm sorry pero ayokong maki alam sa buhay ng Kapatid ko. Kung may gusto kang malaman about him, siya nalang ang tanungin mo." Whut? E hindi nga kami close nun tsaka tinitrip pa ako tapos ako pa ang magtatanong ? No!!

"Miss Sanchez, baka malate ka. " Wala na akong nagawa kung hindi ang lumabas ng clinic.

Naglakad lakad na ako papuntang room. Sa ngayon ay wala pa namang ng ti-trip sa akin. Hindi tulad kahapon, hindi na naka sara yung pintuan ng room kaya malaya akong nakapasok kahit yung mga mata nila ang lalagkit ng tingin sa akin.

Hindi ko nalang sila pinansin at patuloy sa paglakad patungo sa upuan ko.

"Pfft!" Narinig kong may tumawa. Lumingon ako kung sino yun. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Inilapag ko ang bag ko sa desk ko at hinila ang upuan bago umupo.

Oopppsss!!! Wrong Move.

Nanlaki ang mata ko. May naramdaman akong malamig sa pwetan ko.

"Ahahahaahahaha!!!" Napuno na naman ng tawanan ang room. Tumayo agad ako at tinignan ang inupuan ko.

"So Stupid. Haha. " sabi nung isa naming kaklase. Napakuyom nalang ako ng kamao ko.

May naglagay lang naman ng ice cream sa upuan ko. Chocolate flavor pa. Mukha tuloy akong pumupo sa palda ko.

Pumikit ako sandali at bumuntonng hininga.

"Sino ang naglagay ng chocolate ice cream sa upuan ko?" Tanong ko sa kanila ng may panggigigil.

Hindi sila sumagot sa tanong ko ng may pumasok sa room. Si Kuyang Gangster habang kumakaen ng ice cream.

Aha! Hindi na nila kailangang sagutin pa ang tanong ko dahil alam ko na ang sagot. Naningkit ang mata ko. Hindi ko na siya hinayaang lumapit sa kinauupuan niya dahil nilapitan ko siya at niliparan ng isang malakas na suntok sa mukha niya. Natapon niya pa yung ice cream niyang hawak.

Nakita kong nagulat ang lahat lalo na siya. Di niya ata inexpect na gagawin ko yun.

"Ano bang nagawa ko sayo para gawin mo ito sa akin? Ha? Ano?!" Pasigaw kong Tanong sa kanya. Nararamdaman kong gusto ng kumawala ng luha ko pero pinipigilan ko dahil ayokong may makakita sa akin na umiyak ako.

"Kahapon ka pa! Naiinis na ako! Ganyan ka ba talaga? Pasikat?! Lahat ng tao kaya mong utus-utusan at mapasunod sayo? Bakit? Diyos ka ba? Wala akong paki alam kung ano ka pero respeto naman! Sabihin mo sa akin kung ayaw mo akong maging kaklase hindi yung bubulihin pa ako ng ibang tao. Nakaka Bwisit!" Hindi ko na siya hinayaang makapagsalita dahil nag walk out na ako.

Nakakainis!

Ang aga-aga, nakakabeastmode! Arrgh!!

Mabilis akong naglakad papalayo at naghanap ng pwedeng tambayan. Yung tahimik at malayo sa mga teachers baka madetention nga ako. At hindi ako nabigo dahil may nahanap akong abandonadong gusali na may Rooftop. Umakyat ako papuntang taas. Doon nalang muna ako. Siguradong walang makakakita sa akin dito. At nang marating ko ang itaas, tanaw na tanaw dito ang lawak at laki ng school na pinapasukan ko.

Pumikit ako at huminga ng malalim. Baka sa kaling matanggal ang stress ko dito.

Ngayon lang ako nakaranas ng gantong pambubully. Masakit pala. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Napapahikbi nalang ako. Ok lang naman. Wala namang ibang tao.

"Dito na ba ang puntahan ng mga taong iyakin?" May narinig akong nagsalita.

Dub dub Dub dub

A Gangster's First Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now