Chapter 12

4.4K 96 0
                                    

Oh my..

Di na virgin yung lips ko!

Huhu..

Reserve ko pa naman ito sa taong mamahalin ko pero siya pa ang nakauna!

Kainis! Grrr!! Nakakagigil talaga yang Kiefer na yan!

Nandito ako sa C.R. at pilit na hinuhugasan yung labi ko gamit ang tubig sa lababo alangang gamitin ko yung tubig sa bowl. Tss.

Kainis! Kainis! Kainis!

Kung binigay nalang kasi niya edi wala ng problema. Narito na rin lamang ako sa banyo, iihi muna ako bago pumasok sa room.

Pagkatapos kong umihi ay lalabas na sana ako ng cubicle ng may narinig akong nag uusap. Hindi naman sa chismosa ako pero makiki chismis na din.

"Kawawa naman si Ivan."-girl 1

"Yung sa section 4? Why? What Happen?"-girl 2

"Nabugbog lang naman siya ni King Kiefer kahapon dahil sa paglagay niya ng chocolate ice cream sa upuan nung transferee nilang classmate."-Girl 1

"Really? Bakit naman niya ginawa yun?"-girl 2

"Yung transferee kasi sinuntok niya ang King Kiefer natin dahil napagkamalan niya itong siya yung naglagay ng ice cream sa upuan niya at ayun hinanap niya kung sino ang may salarin at umamin naman si Ivan kaya ginawa siyang basahan na pamunas sa upuan nung transferee. Tss.. Nakakaawa."-Girl 1

Ivan? Baka si Reyes yun kasi napansin siya ni Maam na madumi yung damit niya.

Ibig sabihin, walang kasalanan si Kiefer. Naku naman!

"What? Sinuntok niya ang King Kiefer natin? Huhu.. Ang sama niya!" -Girl 2

Aaishh! Ang arte ah?!

Bwisit!

Maya maya ay narinig kong tumunog ang pintuan. Siguro umalis na sila. Lumabas na din ako ng cubicle at ako nalang ang tao doon.

"Tss..masama? Ako pa? Tingin nila sa sarili nila mabuti? Kapal!" Lumabas na ako ng C.R. at pumunta sa room at sa kamalas-malasan naman, nandun na si Ma'am.

Haay..

Detention, mahal mo yata ako ano?

"What's your excuse now?" Mataray nitong sabi. Bakit ba lagi siya yung naabutan kong teacher pag nale-late ako?

"Nag c.r. lang po." Kainis! Kung hindi kasi tinapon ng alipores na yun yung bag ko hindi naman ako magkakaganito ngayon e!

Nakakabeastmode lang!

"Tss.." Narinig kong may nagganun sa likuran ko at tuloy-tuloy na pumasok sa room. Si Kuyang Gangster pala.

"Ms. Sanchez, here's your form and go to detention room, now." Utos ni ma'am sa akin. Bumuntong hininga ako bago ako nagsalita sa harapan ni ma'am.

"I will accept this form ma'am if and only if kasama ko sa detention room si Mr. Trinidad." Wuy! Wag kayong ano jan ah? Baka akala nyo gusto ko siyang makasama. Hindi ano! Ang gusto ko lang ay maging fair sila.

Hello? Late din kaya siya. Ano? Papasok lang siya anytime niya gusto?

Nagulat ang lahat sa sinabi ko. Napatingin naman siya sa akin ng salubong ang kilay.

"What?" Bingi lang ma'am?

"Kung bibigyan niyo ako ng detention form dapat lang din siguro na bigyan niyo si Mr. Trinidad ng detention form." Nakita ko yung iba't-ibang reaksyon ng mga kaklase ko.

A Gangster's First Love(COMPLETED)Where stories live. Discover now