Chapter 36

3.4K 70 0
                                    

Pumila muna kami at nagbunutan. Yung nabunot namin ay ang kabibilangan  naming grupo. Sa isang grupo ay sampo dahil madami kami
Syempre, kailangan ng teamwork para mapabilis yung activity namin.

"Ok. Class. Go to your designated group." Sumunod naman kami at nagpuntahan sa grupo grupo namin. Group 5 ako.

"Jiro! Magkagrupo tayo?" Tumango siya. Yass! Ang saya naman. Napatingin pa ako sa paligid.

Ay? Ka-grupo ko si Quinie at ang dalawa niyang alipores. Tinaasan lang ako ng kilay. Hindi ko nalang pinansin. At si Errol ay kasama din namin.

Nakita ko naman sa mukha ni Kiefer ang pagkakadismaya. Nasa ibang grupo kasi siya. Kasama niya si Fabio. Samantalang si Inigo at Nico ay magkaiba din ng grupo.

"Kung saang group kayo ay doon na. Walang magrereklamo at magpapalipat understand?"

Sinimulan na namin yung una naming activity.

"Class, reminder ko lang. Nasa gubat kayo kaya be careful. May mga bagay bagay na hindi natin inaasahan sa gantong lugar and better yet, may kasama or mag sama-sama kayo para hindi kayo mawala o madisgrasya." Pahabol na sabi ni ma'am bago kami hinayaang gawin yung activity.

Ginawa naming leader si Jiro dahil siya ang top 1 ng klase kaya siya na. Hehe.

Binigyan niya ako ng task para sa activity.

"Sabi ni Ma'am, kailangan may kasama. Wag mag iisa. " nagulat naman ako sa pagsulpot ni Errol. Ngumiti lang ako.

"Oo nga. Medyo delikado pa naman dito." Sabi ko.

"Ma'am. Please? Ilipat niyo na ako sa group 5." Narinig kong kinakausap ni Kiefer si Ma'am.

"Mr. Trinidad. Hindi pwede. Unfair sa iba."

"Ma'am, baka nakakalimutan niyo na kami ang may ari .. Ah! Aray! Aah!" Pinuntahan ko lang naman siya at piningot. Nagulat nga si ma'am sa ginawa ko. Pinagtinginan pa kami ng ibang studyante na hindi pa nakakapagsimula sa activity.

"Pwede ba? Wag ka ngang pasaway!" Binitawan ko na siya kasi alam kong masakit talaga ang mapingot.

"Aish! Gusto ko kasing kasama ka! Baka may mangyari sayo dito na hindi maganda! Ayokong mag alala sayo! At wala akong tiwala sa mga kagrupo mo!" Geez!

"Ano ba Kiefer! Walang mangyayaring masama sa akin. Wag ka ngang Over Acting diyan. Kung gusto mong pansinin pa kita sumunod ka sa rules and regulation sa activity nato." Bigla siyang natahimik at bumalik sa kanyang mga kagrupo.

Nag excuse na din ako kay ma'am para puntahan yung mga kagrupo ko.

"Wow. Napapasunod mo na talaga siya ha. Ang tagal ko ng hindi nakikita yung Kiefer na ganun." Komento ni Errol.

"Naa-under mo na Kit." Sabi naman ni Jiro.

Hindi ko din alam. Bigla na lang siyang naging ganyan.

"Alam niyo, mas mabuti pang gawin na natin yung activity. Baka abutin pa tayo ng dilim dito." Sabi ko sa kanila.

"Oo nga. Errol, pwedeng samahan mo si Kit?" Tumingin ako kay Jiro.

"Alam mo, kahit hindi mo sabihin, sasamahan ko naman talaga ito." Ngumiti siya sa akin.

"Ha? E, ikaw? Hindi mo ako sasamahan?" Tanong ko kay Jiro.

"Nag groupings na ako for our group para mas mabilis matapos ang activity kasi ipre-present pa natin yan kay ma'am. Kaya, kayo nalang." May magagawa pa ba ako?

"Tara na kit. Simulan na natin." Sabi ni Errol. Tumango lang ako at pumunta na nga kami sa kagubatan. Madali lang naman yung pina assign sa amin ni Jiro. Parang mag dodocumentary lang kami. Kukuhanan namin ng picture yung halaman na nakalagay sa list na binigay nya. Dapat gandahan namin ang kuha.

Habang yung iba kukuha ng sample at kung ano-ano pa.

"Heto Errol oh!"  Si Errol kasi ang may hawak ng Camera kaya siya na ang photographer.

"Ok ba ang shot?" Pinakita niya sa akin yung kinunan niya na halaman.

"Ayus. Pang professional." Ginala ko pa ang mata ko para hanapin pa yung mga halaman na nakalista sa akin.

"Kit." Tawag niya sa akin dahilan para mapalingon ako. Bigla niyang kinlick yung Camera.

"Ayus! Ganda ng nakuhanan ko oh?!" Aish! Talaga naman oo.

"Puro ka kalokohan! Baka mamaya puno na yan ng picture ko ha?"

"Paano mo nalaman?" Sabi pa niya.

"Hoy. For documentaries natin yan hindi pang model. Haha." Sabay tawa ko.

Hahakbang sana ako papunta sa gilid ng madulas ako. Buti nalang at nasalo ako ni Errol sa pagkakadulas.

Ilang segundo din akong nakatitig sa mata niya at  nakahawak sa may batok niya sa posisyong ganun.

"Kit, I miss you." Napatayo ako ng sabihin niya iyon.

A moment of silent please.

"Alam mo Errol.."

"Don't worry. Wala akong balak manggulo sa relationship niyo ni Kiefer. Actually, I'm slowly moving on. "Ngumiti siya sa akin habang sinasabi niya iyon.

"Alam ko namang wala akong panama sa katulad ni Kiefer. Iba siya. Ibang-iba." Ngumiti ako.

"Wag kang mag alala, makakahanap ka din ng magmamahal sayo at mamahalin mo."sabi ko sa kanya.

"Tama. Pero sa ngayon, hanapin muna natin yung mga nakalista diyan para hindi tayo gabihin." Sabi niya kaya hinanap na namin.

Matapos naming hanapin yung mga halaman na iyon ay nagyaya na akong bumalik na kami sa place namin.

"Kit. Basta, kapag nasaktan ka, wag kang magdalawang isip na puntahan ako. Malapad ang balikat ko para iyakan mo." Sabi niya. Tumango ako at naglakad na kami pabalik sa place namin. Medyo dumidilim na din kasi.

A Gangster's First Love(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon