Wattpad Original
Mayroong 12 pang mga libreng parte

Chapter 1

271K 5.1K 239
                                    

Chapter 1

"Aki, can you help me solve this problem?" Mika asked, obviously flirting with Akiro, and placed her purple notebook on his desk.

Mahina kong itinuktok ang ballpen sa sariling desk habang pinanonood sila. Maingay ang room at may kani-kanyang pinagkakaabalahan ang lahat. Walang professor kaya para silang mga nakawala sa kural. Tsismisan dito, tsismisan doon. Ang iba naman ay walang ginawa kundi ang magharutan.

Akiro scanned the writings on Mika's notebook and smiled at her. "Just a piece of cake, Mika!"

Napairap ako.

Tumingin ka rito, Aki! Baka hindi ako makapagpigil at sabunutan ko ang malanding babaeng iyan!

"Really?" A kittenish smile crept across her face.

Sanay na ako sa mga panlalanding tulad nito kay Akiro. Ang nakaiinis lang ay ang sobra niyang kabaitan to the point na iniisip ng mga babae na nakipaglalandian din siya.

"'Di ka kasi nakikinig sa prof, ayan." He flipped the notebook to its next page. May mga sinabi pa siya pero hindi ko na iyon naintindihan dahil sa mas tuminding pagkainis ko.

Tumayo ako at akmang lalapitan sila nang may humawak sa braso ko.

"Lalapitan mo?" Umupo ang lalaki sa desk ko at seryoso akong binalingan.

Alam kong ang nangyayaring pagbubulungan ay dahil sa akin, hindi ko man ilibot ang tingin. Swerte ako sa paningin ng mga kaklase ko dahil kinakausap ako ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Iyon ang alam nila. But they were wrong, I was not lucky at all.

"Napag-usapan na natin 'to, 'di ba?" Kumunot ang noo ng lalaki.

Iginala ko ang tingin at nagtama ang mga mata namin ng best friend kong si Hera. She shook her head and mouthed, "Don't make a scene!"

"Gosh, ang hot talaga ni Reid!" Reena said, a classmate who was sitting behind me. Isa siya sa mga babaeng patay na patay sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Deretso ng uwi mamaya. Mabuti nang nagkakaintindihan tayo." Umalis siya sa pagkakaupo sa desk ko at naglakad patungo sa pintuan.

Pinanood ko siya at kinagat ang aking ibabang labi.

He was the guy who could get a lot of attention, especially from girls. A guy who could get everything he wanted. At isa na ako roon. Isa ako sa mga nakuha niya.

Umupo ako nang napansing ako na lang ang nakatayo. Tahimik ang lahat pero ang atensyon nila ay nanatiling nasa akin.

Dumating ang sunod naming professor, tanda na pwede na akong huminga nang maluwag.

"'Di na siya pumasok," pansin ni Hera.

Sabay kaming lumabas ng room. Hindi ko inintindi ang sinabi niya.

"Ikaw naman kasi! Lapit ka nang lapit kay Aki. Pinagbawalan ka na, ah?"

Nilingon ko siya. "Pwede bang manahimik ka na lang? Hindi ka nakatutulong."

"Bakit? Sa tingin mo ba may magandang maidudulot 'yang balak mong pakikipagkita sa Akiro na 'yon?" Tumigil siya sa paglalakad at kinuha sa bulsa ang panali ng buhok.

Huminto rin ako. "Ilang buwan siyang nawala, Hera. Pitong buwan! Kaya nga nagbago ang buhay ko—" Hindi ko na tinapos ang sasabihin dahil sa mabilis na pagsakit ng lalamunan ko. Suminghap ako at nagpatuloy sa paglalakad, nagmamadaling umalis doon.

"Hoy! Saan ka pupunta?" malakas niyang tawag sa akin.

Tumakbo ako hanggang sa nakarating ako sa likod ng isang building. Nadatnan ko si Akiro na nakasandal sa malaking puno. Agad siyang napaderetso ng tayo nang nakita ako.

Don't Make The Bad Boy MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon