Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter 7

212K 3.4K 255
                                    

Chapter 7

I followed him to the living room. The way he walked was screaming runways and fashion. Dalang-dala niya pa rin ang sarili kahit uniform lang ang suot.

"Bakit hindi ikaw ang magluto? Marunong ka, 'di ba?" tanong ko.

Pasalampak siyang umupo sa sofa at nilingon ako. His eyes were emotionless, putting me through discomfort. Bumagsak ang tingin niya sa kamay ko na natalsikan ng mantika. Itinago ko ito sa likuran ko.

Hindi niya ako sinagot.

"Fine! 'Wag tayong kumain!" Umupo ako sa tapat niya at dinampot ang remote. I turned the television on. "Papaa-paalam na aalis, hindi naman pala. Hindi na lang kumain sa labas. Magtatanghali na—"

"I really have a photoshoot in Zambales," he said, cutting me off. "Manang is not here so I had to drop by at school to make sure you've had breakfast."

Umangat ang tingin ko sa kanya. His eyes were fixed on the TV screen, while his hand was massaging his nape.

Napailing ako. "Concerned ka sa akin?"

"Nope. It's just a husband's duty." Nilingon niya ako at walang emosyong tumingin sa mukha ko.

Ramdam ko na meron pa siyang gustong sabihin dahil sa bahagyang pagbuka ng bibig niya pero pinigil na niyang magsalita.

Tumahimik na lang din ako. I guessed we both didn't have breakfast. Hindi niya ako paglulutuin kung nakakain na siya.

Nag-isip ako pero isa lang talaga ang madaling gawin, ang bumili sa labas. Tumayo na ako at hindi na nagpaalam sa kanya. Palabas na ako ng gate nang biglang may bumuhat sa akin na para akong sako ng bigas.

"Reid! What the hell are you doing?" I shouted. "Put me down!"

"Ang tigas ng ulo," bulong niya pero narinig ko pa rin. "I told you not to leave the house! Why can't you listen, huh?"

"Ano bang ikinatatakot mo? Iniisip mo ba na makipagkikita ako kay Aki?"

"Don't mention that bastard!"

Hinampas ko ang likod niya. "Ibaba mo na muna ako! Nakahihilo!"

Kumabog ang dibdib ko nang dapat ay papasok kami sa bahay pero lumiko siya sa area na iniiwasan kong puntahan simula pa noong lumipat ako rito.

Patuloy ko siyang hinampas sa likod at nagsisigaw pero parang wala siyang naririnig. "Reid, please! Put me down!"

Hilong-hilo na ako at hindi ko na magawang magmulat ng mga mata. "You're really evil!"

"I know."

Tumigil siya paglalakad. Wala akong ideya kung saan niya ako mismo dinala, kung sa garden ba o sa parteng iyon.

"You keep on mentioning his name. Hindi yata talaga sapat 'yong ginawa ko sa food court." His arms tightened around my thighs. "I hope you'll wake up this time."

Napigil ko ang paghinga nang naramdaman ko ang pagbagsak namin. Sandali pa nang lumubog na ako sa ilalim ng tubig. Iginalaw ko ang mga kamay at paa ko. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga.

I felt two hands hold my waist, and then pulled me up. Umuubo ako nang yakapin niya ako, saka ako dinala sa hagdan para iupo. Ilang minuto akong tulala at hindi makapagsalita. I didn't move an inch and was just staring into space.

Tumulo ang luha sa pisngi ko at muli niya akong niyakap.

Mahina ko siyang hinampas sa likod, nanginginig ang buong katawan ko. "I... I'm scared," I said, my voice trembling. "Please... take me away from this place."

Itinayo niya ako at inakay papasok ng bahay. My hand was trembling as I pointed to the bathroom. Pumasok ako roon at pagkasarang-pagkasara ko ng pinto ay dumausdos ako sa sahig. Niyakap ko ang sarili ko, hindi matigil sa pag-iyak. I clenched my fists as I remembered everything.

"Allison, I'm sorry," he said from outside the bathroom door.

"Do you want to kill me?" I asked, almost a whisper.

"I'm sorry..."

It was the first time I heard him say those words.

Nanatili ako sa ganoong pwesto hanggang sa nanumbalik sa isip ko ang lahat nang mas malinaw. Pati noong kinasal kami hanggang sa mga paghihirap na nararanasan ko hanggang ngayon.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang mukha niya. We stared into each other's eyes and his were apologetic.

Hinablot ko ang kwelyo niya at hinigit siya papasok ng bathroom. Gamit ang malayang kamay ko ay isinara ko ang pinto at itinulak ko siya sa pader.

"Kiss me," utos ko.

Bumakas sa mukha niya ang magkahalong gulat at pagkalito. Tumingkayad ako at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa kwelyo niya. Both of my hands were gripping on his collar, and our faces were just inches away.

Napasinghap ako nang pagbaliktarin niya ang pwesto namin at itinuon niya ang kanang kamay niya sa ulunan ko.

He kissed me roughly, demandingly as if he really wanted to do it even without my permission. I hooked my arms around his neck and kissed him back.

Ilang sandali pa ay binuhat niya ako at mas idiniin ang pagkakasandal ko sa pader.

Ang daming nagbago sa akin simula noong ikasal kami. Halos bawat kilos ko ay pakiramdam ko binabantayan niya o kung hindi naman, may nagbabantay. He was controlling my life and I couldn't live with it forever. Kaya bakit nga ba hindi ko baliktarin ang sitwasyon?

Kahit ano namang gawin ko ay hindi niya ako magawang pakawalan. Mas mabuti pa ngang makipaglaro na lang ako.

Kung hindi dahil sa pananakot niya ay hindi naman ako mapupunta sa ganitong sitwasyon. Why would I live a life I didn't deserve? It was him who should suffer, not me.

Napasabunot ako sa kanya nang pumasok ang dila niya sa bibig ko. Nakipaglaban ako sa halik niya. The kiss quickly changed into a fiery and wild one.

Hinawakan niya ang batok ko at mas idiniin pa ako sa kanya. He sucked on my tongue and got me moaning. Our tongues swirled inside each other's mouth in rhythm.

Humanda ka, Reid. Sisiguraduhin kong mahuhulog ka sa akin hanggang sa hindi mo na kakayaning mawala ako sa 'yo. Gagawin kong impyerno ang buhay mo katulad ng ginawa mo sa akin. 

Don't Make The Bad Boy MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon