Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Chapter 9

189K 3.3K 244
                                    

Chapter 9

I was in front of Reid's room for almost an hour, thinking of how I would talk to him.

I kept reminding myself that I could do it. I knocked three times, biting my bottom lip. Bumukas ang pinto at bigla na lang umurong ang dila ko. He was looking at me with no emotion at all.

"What is it?" he asked.

Pinaglaruan ko ang mga kamay sa likuran ko. Kumunot ang noo niya.

"Can we talk?"

Lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo niya. Inalis niya ang tingin sa akin at bumuntong-hininga.

"Come in." Nilakihan niya ang bukas ng pinto.

I tried acting natural. Mabuti na lang at hindi siya nakatingin sa akin dahil nauuna siya sa paglakad.

My eyes slowly roamed around his room, and I was amazed seeing how organized it was. There were only two colors seen—black and white—and it looked so masculine, which was beyond my imagination. Akala ko ay magulo ito dahil sa personality na meron siya. Mga damit na mailagay lang kung saan, gamit na nagkalat, at magulong kama. Pero kabaliktaran siya noon.

He turned around to face me, and I met his eyes. Mabilis din naman itong naputol dahil isinenyas niya ang kama. Umupo ako rito at bumagsak ang tingin ko sa mga kamay ko sa kandungan.

Paano ako magsisimula na magmumukhang totoo ang sasabihin ko?

"What's the matter?" he asked.

How could he act like nothing happened between us earlier? We kissed like a real couple, for Pete's sake! O baka sanay lang siya dahil sa dami rin ng mga babaeng naikama na niya?

Kung saan-saang bansa siya nakapupunta at iba't ibang tao ang nakikilala. Kaya nga baka ganito siya kasi hindi big deal.

I looked up at him, seeing him stare at me in the face. "Can we work things out?"

Hindi siya nagsalita at nanatili lang na seryoso ang mukha.

"Kanina pagkatapos ng nangyari, napag-isip-isip ko na bakit nga ba hindi natin ayusin ang pagsasama natin?"

Hindi pa rin siya kumibo. I heaved a sigh and reached for his hand. Nakatayo lang siya sa harapan ko, at hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya.

"I know my mistakes and shortcomings. Matigas ang ulo ko, ginagawa kung anong maisipan. You know how hard it is for me to accept our situation, but I want to try now and we should help each other."

Bumitaw siya sa akin at umupo sa tabi ko. Nilingon niya ako at nginisihan. Matagal bago siya nagsalita.

"What made you change your mind? The kiss?"

Kailangan ko siyang mapaniwala kaya dapat kong sakyan lahat ng sinasabi niya. I averted my gaze from him and put on a fake shy smile on my face.

"You're being lewd. Hindi porke kasal tayo—"

"I'm just asking you, and there's nothing wrong with it, since we're married. We can even do more than that."

Kumalat ang init sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Hinampas ko siya sa balikat at doon siya natawa, katulad kanina. I believed that it was a real laugh.

Napatitig ako sa mukha niya. His eyebrows were thick, and naturally groomed that made him more attractive and it emphasized how beautiful those dark hooded eyes were. His well-defined strong nose was also his asset, plus his upper part lip that was not so full and perfect bottom lip. All in all, napakagwapo niya nga.

Hinawakan niya ang baba ko at marahan itong hinaplos. Pinigil ko ang sarili na lumayo.

"Let's do it then."

Hinawakan ko ang braso niya at ngumiti.

"So, we're okay now?" I asked.

Hindi siya sumagot at bigla na lang akong hinila palapit sa kanya. Kinabahan ako sa biglang pagyakap niya sa akin.

And it was unexpectedly warm and comforting.

Lumayo rin siya agad at tumayo. Lumakad siya palapit sa pinto at binuksan niya ito para sa akin. I went out of his room, and gave him a peck on the cheek before turning my back to him.

Hindi ko na tiningnan ang reaksyon niya dahil din sa kaba ko. Papasok na ako ng kwarto ko nang tumikhim siya.

"I'm a good kisser than that guy, right? I heard he has a bad breath."

Don't Make The Bad Boy MadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon