Chapter 9

4.6K 123 13
                                    

Chapter 9

Hanggang ngayon, di ko alam kung bakit bumilis ng ganun ang tibok ng puso ko. First time kasi na nangyari yun eh. Nakakapanibago. Di kaya may sakit ako sa puso? Wag naman sana Lord. Mababawasan ng panget na nilalang ang mundo.

Nye? Nagawa ko pang magbiro sa lagay na to ah. Pero seryoso na, ano ba talaga yun?

“Hayy.” Napabuntong hininga na lang ako at napakapit sa dibdib ko. Naglalakad ako sa hallway ngayon papuntang classroom.

“Good Morning Franky!”

 

“Ayy, panget ka!!”

 

“Oi Franky! Kailan pa ako naging panget, ha? Kaw nga tong panget eh. Hahaha.”inakbayan niya ako at napatingin naman ako sa kanya. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa dibdib ko.

DUG.DUG.DUG.DUG.DUG.DUG.

Eto nanaman tong puso ko. Bumibilis nanaman ang tibok. Pero ba’t parang mas lalong lumala? Di na ako makahinga ng maayos.

“Huy! Hangin ba kausap ko?” winave naman niya ang kamay niya sa harap ko.

“Eh?” Waaaaa. Mas lalong lumalala! Di na ako makapagsalita! Ano na ba tong nangyayari sa akin??

“Franky, ayos ka lang ba? Ba’t ka namumula? Huy! Magasalita ka naman!”

 

“Ha-a-ano Mi-Migs! Hehe. CR lang muna ako ah.” Tumakbo ako agad at iniwan siyang nakatayo dun sa hallway.

***

“Chesssssskkaaa!” tumakbo naman agad papalapit sa akin si Selena paglabas na paglabas ko ng classroom at niyakap ako ng sobrang higpit.

Lunch time na kasi kaya papunta na ako ng canteen. Nakalimutan ko kasing magbaon. Sabagay, manok lang rin naman ang ulam nun eh. Lagi naman. Gusto ata siguro ako ng tatay ko na mamatay sa Allergy. Kulang na lang nga maging manok na ako eh.

“I miss you! Kamusta ka na?” sabi niya nung humiwalay na siya sa yakap.

“Eto, ayos lang. Buhay pa.” yun na lang ang nasabi ko sa kanya. Gutom na ako. Gusto ko na kasi kumain.

“Oh, anyway, may dalawang good news ako sayo! Anong gusto mong mauna, yung number 1 or yung number 2? “ Ayy. May ganun? Ano naman kaya ang news na yan? Kitang kita kasi sa mukha niya ang excitement.

Ayos nga eh. Walang bad news.

“Uhhm. Yung news 1 na lang muna.”

 

“Dito na ako mag-aaral sa Dindleford!!”napatili na lang kami habang nagyayakapan na tumatalon talon pa. Hihi. Para nga kaming nanalo sa lotto eh. Gawain lang talaga yan ng mga taong masaya kaya pabayaan niyo kami. :P

Ugly Duckling's Makeover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon