Chapter 13

4.3K 91 6
                                    

 

Chapter 13

Tatlong raw na ang nakalipas simula nung gabing yon. Tatlong araw ko na ring di nakikita si Migs. Absent eh. Pag pumupunta ako sa bahay nila, lagging wala, pag pumupunta naman ako sa computer shop na pinaglalaruan niya ng DOTA, wala rin. Kahita nga dun sa basketball court na lagi naming tambayan, wala rin siya. Ni anino nga niya, di ko na nakikita ng tatlong araw. Kulang na nga lang iisipin ko na pinafieldtrip muna siya ni Satanas, pabuya dun sa ginawa niya sa akin nung acquaintance party. Pshh.

 

“Oh ano anak, nakita mo na ba?” tanong sa akin ni Paps pagkapasok ko ng bahay.

“Wala pa rin po.”

“Yaan mo na. baka busy lang.” Eh? Busy? Wala namang kinabubusyhan yun eh. Tamad yun.

 

“Baka nga.” Matamlay ko na sagot saka ako umakyat sa kwarto ko.

Kasi naman. Nakakapanibago pag wala siya. Wala ng kumukulit sa akin. Kahit naman, pinapatay ako nun ng mga panlalait niya, si Migs pa rin yun. Bestfriend ko pa rin siya.

Humiga ako sa kama saka tinignan ang cellphone ko. Inaasahan kong may darating na text sa kanya kaso wala. Matext na nga.

 To: Migs Sobrang Gwapo <3:

Pst. Buhay ka pa? Paramdam din ha. Nakakakilabot kasi .

Sent.

Nakatingin na langa ako sa kisame habang hawak hawak ang phone ko. Sana naman magreply na yung mokong nay un.

*bzzt*

Napakurap ako nang biglang magvibrate ang phone ko. Excited kong tinignan ang srceen at…

8888?!!

From: 8888

Naexpire na ang iyong combo 15. Magregister ulit sa 8888.

*bzzt*

From: Migs sobrang gwapo <3

Mas nakakailabot ka.

Bastos kang 8888 ka!! Bat nagyon ka pa naexpire?! Wala na tuloy akong load. T____T

Gusto kong magpaload kaso sirado na yung tindahan sa may kanto. Pero nakalimutan ko pa lang wala na akong pera. Wow. Ma sa ya. T__T

Paano ko na marereplyan si Migs?!  Haistt. Makikita ko naman siguro siya bukas. Makatulog na nga lang.

***

“Class, I’m giving you ten minutes to change into your PE uniforms. We’re playing softball today.” Sabi ni Ma’am na nakatingin sa amin.

Ugly Duckling's Makeover [COMPLETED]Where stories live. Discover now