Chapter 28

2.7K 72 7
                                    

Chapter 28

"Like what happened to her? Mukha siyang namatayan." walang buhay akong umupo sa upuan ko at isinubsob na lang ang mukha ko sa desk.

Ni hindi ako nag-atubiling mag-ayos ng sarili ko papuntang school. Wala akong lakas. Wala akong gana.

Umiyak lang kasi ako buong gabi.

Pagkatapos nung nangyari kahapon, hindi na ako lumabas ng kwarto. Hindi na nga ako kumain o kahit man lang bumababa man lang sa sala. Katok ng katok si Paps sa pintuan ko nun. Ang sinabi ko lang, gusto kong mapag-isa.

Di rin ako nakatulog. Iyak kasi ako ng iyak. Hindi man lang ako napagod. Nakatulala lang ako hanggang sa namalayan kong umaga na pala. Maaga akong naligo at nagbihis. Di na rin ako nag-umagahan. Diretso na lang akong pumasok sa school.

Ayokong makita ako ni Paps na ganito. Panigurado, mag-aalala yun. Mas lalong ayokong makita ako ni Frances. Siguro, masaya na siya ngayon kasi sira na kami ni Migs.

Hindi ako galit sa kakambal ko. Kaso, kapatid niya ako. Di ko lang matanggap kung paano niya nagawa sa akin to.

"Cheska, are you okay?" naramdaman kong may humawak sa likod ko kaya napatingin ako dun sa nagsalita.

"Oh my gosh. Are you sick, Cheska? What happened?" tinignan ko lang si Selena habang tanong siya ng tanong. Nakita kong nag-aalala siya kaya ngumiti na lang ako sa kanya at sinabing okay lang ako.

"No, hindi ka okay. May nangyari ba?"

"Wala. Hindi lang ako nakatulog kagabi." yun na lang ang naidahilan ko. Ayokong madamay ang ibang tao dito kaya mas mabuti nang sarilihin ko na lang ang lahat ng to.

Magsasalita pa sana si Selena nang biglang dumating si Zeke. Nagkatinginan sila at nakita kong nag-iba ang itsura ni Selena. Para bang nahihiya na nasasaktan? Ewan. Epekto ata to ng walang tulog.

"Ahm, sige Cheska. Magc-CR muna ako. Kung gusto mo ng kausap, just let me know." with that, umalis na siya. Nakita ko naman ni sinundan siya ng tingin ni Zeke.

Matagal lang din siyang nakatitig sa dinaanan ni Selena. Nung napansin niyang nakatingin ako sa kanya, iniwas na niya ang tingin niya sa akin.

"Nag-away ba kayo?" tanong ko

"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong niya.

"Pwede ba. Wag mo ako sagutin ng isa pang tanong. Ako nauna kaya sumagot ka." napabuntong hininga na lang siya at napaupo na lang sa tabi ko.

"She confessed her feelings to me noong isang araw." sabi niya na diretsong nakatingin lang sa blackboard.

"And I told her na may gusto na akong iba." dagdag pa niya. Ngayon naman, napakamot na lang siya sa batok niya. Sa nakikita ko, mukhang frustrated siya.

Ugly Duckling's Makeover [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon