Prologue

373K 8.2K 310
                                    

PROLOGUE

"UMALIS ka na!" Malakas na sigaw sa kanya ni Ryxer pero dahil mahalaga ito sa kanya kaya hindi siya umalis sa tabi nito. Nasa loob sila ng opisina nito sa Race Inc.

"Gagamutin ko ang sugat mo alam kong masakit 'yan."

"Hindi ka doctor."

"Wala naman akong sinabing doctor ako Ryxer, pero kaya ko naman bigyan ng paunang lunas ang sugat mo ha."

Nabangga kasi sa poste ang isang sports car nito, hindi naman sobrang malala ang pagkakabangga hindi lang agad kumagat ang preno. Mayroon lang itong gasgas sa noo. She hates blood pero para kay Ryxer ay pipilitin niya na lang na gustuhin ang dugo.

"Ang kulit mo Charlton sinabi ko na ngang umalis ka na at kaya ko ang sarili ko."

Alam niyang nababadtrip na ito. Kinuha niya ang alcohol at bulak na nasa gilid ng lamesa. Dahan-dahan niyang idinampi iyon sa noo nito.

"Ouch."

Nakangiwing reklamo nito habang hawak ang kamay nya. Gusto nya sanang alisin ang kamay na nakahawak sa kanya dahil nagaground sya, para bang may electricity na bumalot sa katawan nya.

"Saglit lang ito tiis-tiis lang." Ani nya at iniihip-ihipan ang gasgas. "Betadine na lang ang ilalagay ko Ryxer para hindi ka na masaktan."

Pumunta sya sa isang maliit na cabinet doon at kinuha ang iba pang first aid kit na pwede nyang magamit.

"Patingin ulit." Sabi nya ng makabalik.

Nagtetext kasi ito, inangat naman nito ang mukha at inumpisahan nya ng dampian ng betadine.

Napalingon sya sa may pintuan ng opisina ni Ryxer ng biglang bumukas iyon at muntik na syang matumba ng hawiin sya ng babae at mabilis na yumakap sa binata.

"Darling, what happened to you? Masakit ba?" Tanong ng babae habang sinisipat ang noo ni Ryxer.

"I'm fine, don't worry."

Parang nanikip bigla ang dibdib nya ng makita ang paghahalikan ng dalawa sa harap nya pero wala naman syang karapatan mag selos kasi girlfriend ito ni Ryxer. Pero bakit parang nasasaktan sya sa nakikita? Nakakandong pa sa lap nito ang babae. Nakayuko na lumabas sya ng silid at dumeretso sa restroom. Tumapat sya sa salamin at tinignan ang itsura nya.

Ang sabi sa kanya ng mommy nya mas kamukha nya daw ang kanyang daddy pero ang mahinhin na kilos nya ay sa mommy nya nakuha. Ayaw yata ni Ryxer ng mahinhin, gusto ng nito ay mga wild na babae katulad ng mga nagiging kasintahan nito.

Inilagay nya ang hintuturo sa kanyang labi. Ano kaya ang feeling kapag hinalikan sya ni Ryxer? Ano kaya ang magiging reaksyon nya? She's never been kiss, masyadong istrikto ang parents nya pero naiintindihan nya naman ang mga ito. Ni hindi pa nga sya nagkaka boyfriend, ang gusto nya kasi si Ryxer ang maging first and last boyfriend nya para ito din ang mapang-asawa nya balang araw. Isiniksik nya na sa utak nya ang bagay na 'yon.

Ewan nya nga kung bakit gustong-gusto nya ang binata. Sabay-sabay silang lumaki kasama pa ang iba pa nilang mga kaibigan kaya lang mas matanda sa kanya si Ryxer ng ilang taon. Graduate na ang mga ito pero sya ay gagraduate pa lang. Malapit na ang graduation nila pati na din ang debut nya.

Sinagot nya ang tawag ng tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello kuya, bakit?"

"Nagpunta ako sa University pero wala ka. Where are you?"

"Pauwi na din ako kuya Cassidy nandito ako sa RACE." Tukoy nya sa malawak na lugar kung saan nangangarera ang kapatid pati na din ang iba pa nilang kaibigan.

"Okay, mag-ingat ka sa pagdadrive."

"I will, bye." And the line was cut off.

Bumalik sya sa office ni Ryxer para magpaalam baka kasi hanapin na sya dahil bigla na lang syang nawala kahit naman masungit sa kanya ang kababata ay alam nyang nagcacare pa din ito sa kanya.

"Ahhh, Ryxerrrr!" Narinig nyang sigaw ng babae, sigaw ba iyon o ungol?

Kahit nasa tapat pa lang sya ng pintuan ay rinig na rinig nya na ang iba't-ibang klaseng tinig mula dito. Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto para malaman kung ano ang nangyayari sa loob baka kasi nag-aaway na ang dalawa.

She entered the room and was welcomed by a very heart melting scene, 'yung nakakatunaw ng puso sa sakit hindi sa saya. She felt like her heart was torn in to pieces while watching Ryxer pleasuring the woman.

Ang kaninang may damit na babae ay ngayon ay hubad na, nakababa na sa bewang nito ang tube dress na suot nito kanina.

Kung hindi lang ito nakapatong sa ibabaw ni Ryxer ay baka nakita nya na rin ang itinatago-tago ng childhood sweetheart nya. Nakaupo ang binata habang gumigiling sa kandungan nito ang kasintahan.

Mabilis na isinara nya ang pinto at sumandal doon. Sapo-sapo ng isa nyang kamay ang kanyang dibdib. Umiling-iling din sya para mawala sa imahe nya ang eksenang iyon.

Sana pala hindi na lang sya nagpaalam kay Ryxer, sana umalis na lang sya bigla. Nadungisan pa tuloy ang inosente nyang mga mata, hindi na virgin ang mata nya.

Taas noo na nilisan nya ang lugar. Nginingitian nya din ang mga empleyado na bumabati sa kanya. Iba't-ibang klaseng sasakyan din ang nakahelera at ang iba ay ginagawa naman.

They named their company as RACE Inc. At isa ang kumpanya na 'yon sa pinaka sikat pagdating sa pagbebenta ng mga sasakyan especially sports car at pag-aari din ng mga ito ang malawak na racing field kung saan ginaganap every year ang karera ng mga sasakyan.

RACE stands with R for Ryxer Wilson. The other remaining letters stands for the other owner of the said company. Apat na tao ang nagmamay-ari ng company na iyon. They are the person behind the RACE Inc. but people didn't know about that. Tanging silang magkakaibigan lang ang nakakaalam at ang mga magulang nila.

The four person didn't want to be known as the owner of the said company, but because they are the best car racer in the Country. Yes they are the best, kaya kapag sinabing the best, expect that they are really deserve to be called 'The Best'.

Naglakad sya papunta kung saan naka-park ang kanyang red Mazda MX5 ND sports car. Regalo sa kanya ng kuya Cassidy nya. Magaling na sya magdrive but she still know her limits.

Habang nagmamaneho sya ay bumabalik-balik sa ala-ala nya ang nakita kanina. First time nya kasi masaksihan ang ganoon. Ayaw nya sa nararamdaman nya, ayaw tanggapin ng puso nya na iba-iba ang babae ang nakakasama ni Ryxer tapos gumagawa ng kababalaghan.

Pilit nya na lang ipinapasok sa isip nya na its a men's needs, may pangangailangan ang mga ito pero paano naman silang mga babae? Ano ba ang pangangailangan nila?

Pagmamahal at pagpapakita na espesyal ka sa isang tao. Her family loves her so much kaya nga nagtataka sya minsan sa kanyang sarili kung bakit parang may hinahanap pa sya?

Hinahanap nya ang importansya na ibinibigay sa kanya ng pamilya at mga kabigan nya na hindi naman maibigay sa kanya ng kababata. Kahit noong mga bata pa sila ay ayaw na talaga sa kanya ni Ryxer, mabait naman sya, maalaga at di hamak naman na mas maganda sya sa mga nagiging girlfriends nito pero bakit ganon? Bakit ayaw sa kanya ni Ryxer??

RACE 1: Left Behind Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon