19 ~ Race IV - The Prize

180K 5K 373
                                    

CHAPTER NINETEEN

"HINDI na masyadong delikado magmaneho ng mabilis kaya huwag na kayong mag-alala sakin." Aniya sa mga kasama nya at muli ng isinuot sa mukha nya ang itim na bonet.

"Si daddy ang magiging guide mo Charlton tapos kami nila kuya at Alex ang mag-aasikaso ng sasakyan mo." Bilin ni McLaren sa kanya na kasabay nya lang din lumabas ng headquarters nila pati na din ang mga taong tinukoy nito. Ang Tito Carlie nya lang ang naiwan sa loob ng HQ para imonitor ang race nila.

"Mabuti na lang umaraw ulit. What a lucky day." Nasabi nya na lang dahil pagkatapos ng malakas na ulan kanina ay bigla naman umaraw kaya mabilis natuyo ang daan. "Ang dami pa din palang tao." Tumingin sya sa buong paligid parang hindi talaga umulan at mga nanonood ay hindi naman mga nabasa.

"Hindi talaga uuwi ang mga 'yan sayang naman ang binayad nila kung hindi nila matatapos ang event na 'to."

"Magkano ang bayad?"

"I don't like to talk about money nagsasawa ako kaagad."

"Kayo na mayaman." Biro nya though alam nyang mayaman din talaga ang pamilya nito.

"May kaya lang." Pa-humble na sabi nito but she knew better, mayabang talaga ito.

"Come here baby Charee." Napangiwi sya sa tawag sa kanya ni Alex saka ito nilingon. "Let's make his day." Nagtatakang sinundan nya ng tingin kung saan ito nakatingin. "Beast mode eh?" Tukoy nito kay Ryxer na kahit natatakpan ang buong mukha ay halata sa mata nito ang masasamang tingin na ipinupukol kay Alex.

Inilang hakbang nya ang pagitan nila ni Alex saka naglambing dito na parang pusa, nakasiksik ang mukha nya sa malapad nitong dibdib habang nakayapos ang dalawang kamay sa bewang nito.

"Hoy kayong dalawa dyan mamaya nyo na ituloy 'yan sa bahay." Nilakasan pa talaga ni McLaren ang boses nito para rinig na rinig ni Ryxer. "Kapag hindi nyo ako ginawang ninong sa magiging anak nyo papasabugin ko ang white house." Banta pa nito na akala mo seryoso talaga.

Narinig nya ang malakas na pagsara ng pinto ng isang sasakyan pero hindi nya mawari kung kanino iyon.

"Sino 'yon?"

"Your ex-lover." Marahan sya nitong inalis mula sa pagkakayakap at unti-unting dumukwang sa kanya. "Don't worry baby Charee I won't kiss you unless you want me to."

"Crazy." Bulong nya at napapikit ng akala nya ay hahalikan na sya nito dahil sobrang lapit na ng labi nila kaya kung titignan para silang naghahalikan pero hindi, ang labi nito ay nasa gilid ng labi nya at hindi nakadampi. Napapitlag lang sya sa may sunud-sunod na bumusina.

Alex hissed. "Good luck sa race nyo sana manalo ka sa gagong 'yan." Tinapik nito ang balikat nya at tinulak-tulak papasok ng sasakyan nya, ito na din ang nagsara ng pinto nya.

"Charlton," Boses iyon ng Tito Carlie nya sa listening device na nakakabit sa tenga nya.

"Yes Tito?"

"Just checking, get ready."

Nagbuga sya ng hangin at inayos ang sarili. Hindi nya na din pinansin ang pagtapat ng sasakyan ni Ryxer sa gilid nya, ayaw nya itong makita baka sya ang madistract.

"Two," Hinawakan nya ng mahigpit ang kambyo pati na din ang manibela. Nag-ingay na naman ang buong paligid at nakikita nya sa malalaking screen ng race field ang sasakyan nila ni Ryxer. "One!" Kinabig nya na ang kambyo at buong pwersa na tinapakan ang gas.

Ang lakas ng tibok ng puso nya dahil sa nerbyos na baka matalo sya ni Ryxer at ang magiging consequences ng pagkatalo nya. Talunan na nga sya habang si Ryxer ay mananalo sa pustahan ng mga ito. Dapat talaga matalo nya ito at wala na syang pakialam kung ano man ang mangyayari dito after their race.

RACE 1: Left Behind Where stories live. Discover now