CHAPTER EIGHT
MUNTIK nya ng mabangga ang nasa unahan na sasakyan nya habang kausap ang mommy ni Charlton ng sabihin sa kanya ang sinapit ng kasintahan, mabuti na lang talaga malakas ang kagat ng preno ng sasakyan nya kung hindi ay baka nasa hospital na din sya sa mga oras na 'yon.
"Nasaan Hospital po kayo tita Amber?" Nagmamaneho kasi sya papunta sa bahay ng mga ito para sana doon na lang ang kanilang dinner date. Hindi naman nila inaasahan na may mangyayaring ganito.
"SDL Hospital, Ryxer." Tita Amber's voice almost cracked while saying where they are.
"Okey tita papunta na po ako dyan." Kailangan nya pang maghanap ng U-Turn dahil ibang way ang Hospital na pinagdalahan kay Charlton. Ang Hospital ay pag-aari ng kanyag Tito Steven.
Sobrang busy talaga nya nitong mga nakalipas na araw kaya wala sya masyadong oras para makipagkita sa kasintahan. Mag-iisang buwan na din sila at alam nya na sa maiksing panahon na 'yon ay madaming ala-ala nila ni Charlton ang aalalahanin nya kapag dumating na ang araw na hinihintay nya.
Ilang minuto lang na binaybay nya ang Hospital kung nasaan ang kasintahan. Nakita nya ang magulang ni Charlton sa magkatabing upuan, umiiyak ang mommy nito.
"Tita, Tito." Tawag pansin nya sa mga ito. "Ano po ang nangyari kay Charlton?"
"Nahulog sya sa hagdan Ryxer, tumama ang ulo nya sa sahig kaya madami ang nawalang dugo sa kanya dahil hindi maampat ang pagdurugo ng ulo nya habang papunta kami dito. Kailangan nyang masalinan ng dugo. Ang anak ko... Sigurado akong sobra syang nasasaktan ngayon." Umiyak na naman ito habang nakayakap kay Tito Clarkson.
Iniisip nya kung paano nangyari iyon at kung ano ang itsura nya ng dalaga. Parang hindi nya matanggap sa sarili nya 'yung pisikal na sakit na nararamdaman ng kasintahan dahil sa insidenteng iyon.
"Hindi sanay si Charlton sa sakit, alam mo naman kung gaano namin sya inalagaan, kung gaano kami ka-protective sa kanya. Kawawa naman ang unica hija ko." Patuloy lang sa pag-agos ang luha ng ginang.
"Malakas si Charlton kaya siguradong lalaban sya, hindi ba sinabi natin na maging matatag sya? Gagawin nya iyon. Huwag ka ng umiyak babe para pag-gising ni Charlton maayos natin syang makakausap." Pang-aalo naman ni Tito Clarkson habang pinapakalma ang asawa nito.
Ganoon talaga siguro ang mga magulang. Maswerte sila dahil may mga mapagmahal silang ama at ina.
"Sino po ang magulang ng pasyente?" Napapitlag sya at biglang napatayo ng lumabas sa operating room ang isang doctor.
"Kami." Tito Clarkson ang sumagot at tumayo din ito. "Ano ang lagay ng anak ko?"
"Kumusta na ang anak ko? Okey na ba? Pwede na ba namin syang makita?" Kaunti na lang ay maghi histerical na ang mommy ni Charlton.
"The patient is still unconscious. Kailangan pa namin syang obserbahan hangga't hindi pa sya nagigising. And, we need a O+ blood type."
Nagkatinginan ang mag-asawa bago nagsalita ang isa. "O positive ako." Tito Clarkson's said.
Dinala nya muna ang mommy ni Charlton sa isang coffee shop doon habang hinihintay nila matapos kuhanan ng dugo ang asawa nito.
"Tita, alam ko po na wala akong karapatan na sabihin sa inyo na huwag kayong umiyak dahil kahit hindi pa ako nagiging ganap na magulang ay naiintindihan ko po ang nararamdaman nyo," Pinainom nya muna ito ng tubig. "Pero kung palagi po kayong iiyak hindi makakabuti sa inyo 'yan at hindi rin sasaya si Charlton kapag nakita kayong umiiyak."
"Tama ka Ryxer hindi dapat ako maging mahina dapat nga ako pa ang nagbibigay ng lakas sa kanya pero here I am nagpapatalo sa kahinaan ko."
"Pwede naman na daw po natin makita si Charlton mamaya. Everything will be alright tita."
BINABASA MO ANG
RACE 1: Left Behind
RomanceAll that Charlton Forbes daydreamed about was to be noticed by her childhood sweetheart--Ryxer Wilson--as a grown woman. She's already got everything that people could have; a loving and supporting family, a group of friends who truly cared for her...